|
|
| Piolo, inisnab ang wedding reception nina Juday at RyanAuthor: Nitz Miralles Never magkakasama sa isang project ang guwapo at sikat na young actor at ang magandang young actress kahit pareho sila ng network. Ayaw ng manager ng actor na makapareha ng talent niya ang young actress dahil hindi raw siya binabati nito at ng kanyang manager. Dalawang project na dapat ang pinagtambalan ng dalawang young talents na laging hindi natutuloy dahil ayaw ng manager ng young actor sa dalaga. Ang laging ikinakatuwiran nito'y hindi bagay ang dalawa't wala silang chemistry. Pero, ibang rason ang alam ng young actress kung bakit ayaw sa kanya ng manager ng young actor. Nag-krus na pala ang landas ng young actress at ng talent manager noong bago pa lang sa showbiz ang young actress. Nagpakita ng interes ang manager na i-manage ang career niya na tinanggihan ng young actress dahil isang close relative ang pinili niyang maging manager. Hindi 'yun nagustuhan ng manager ng young actor, tinandaan ang para sa kanya'y pang-iisnab ng young actress. Kaya kahit may project na bagay sa talent niyang young actor at young actress, hindi siya papayag na magsama ang dalawa. Sayang, dahil bagay ang dalawa at magkiklik kung sila'y pagtatambalin. * * * Hindi pala dumating si Piolo Pascual sa Manila reception ng wedding nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na ginawa last Saturday sa Le Soufle Resto sa Rockwell. Hinanap ng invited press ang actor para sana hingan ng comment at wishes niya sa mga bagong kasal, pero wala siya. Siguro naman, may malaking rason si Piolo sa hindi niya pagdating, pero pasasaan ba't makakausap din siya ng press tungkol sa pag-aasawa ni Judy Ann. Samantala, mukhang tuluy-tuloy na ang pagiging movie producer ni Piolo dahil isa siya sa producers ng Kimmy Dora ni Eugene Domingo, kung saan, kasama sa cast si Dingdong Dantes. Maganda kung dumating ang araw na kukuning director ni Piolo si Dingdong sa isa sa mga ipo-prodyus niyang pelikula. * * * Ang comedy na Ded Na Si Lolo ang next na ipalalabas ng Sine Direk Series sa May 6. Ikinukuwento pa lang ni Direk Soxie Topacio ang mga eksena, natawa na kami, lalo na du'n sa parteng himatayan at kung paano hindi magkasya ang ataul nang ipasok sa bahay at kinailangang sa bintana idaan. Ang mga eksenang mapapanood ay totoong nangyari kay Direk Soxie, kaya makakaasa tayong hindi galing sa imahinasyon ng scriptwriter. Dalawa sa mga bida sa Ded Na Si Lolo sina Roderick Paulate at Manilyn Reynes na magkasama rin sa Oh, My Girl! ng Regal Entertainment na sa July naman ang showing. Ang ganda pala ng ginawa ni Mr. Tony Tuviera ng APT Entertainment na para hindi magtapatan ang mga local na pelikula, inurong niya sa May 20, ang showing ng Litsonero na May 13, ang unang playdate. Sa nasabing petsa ang showing ng Best Friend's Forever nina Sharon Cuneta at Ai-Ai delas Alas. * * * Sa All About Eve this Monday, tinanong ni Katrina (Jean Garcia) si Frederico (Richard Gomez) kung sakali raw bang nagka-anak sila'y mamahalin nito ang tunay na anak kesa kay Nicole (Iza Calzado)? Biglang hinalikan ni Frederico si Katrina. Pinapili ni Kenneth (Mark Anthony Fernandez) si Nicole kung siya ba o si Warren (Alfred Vargas) ang gusto? Sa meeting, nagulat ang lahat nang biglang sumang-ayon si Fre-derico kay Katrina. Nang matapos ang meeting, pinaiwan ni Frederico si Katrina para kausapin. Dito inamin ng lalake na mahal pa niya si Katrina. Source: People's Tonight |