|
|
| Piolo, nagdarasal na magkabati na sina Claudine at AngelAuthor: Vinia Vivar STAR-STUDDED to the max ang birthday celebration ng tri-media personality (columnist/radio announcer/TV host) na si Cristy Fermin last Tuesday, July 22 sa Metro Bar, West Ave. As in, naglalakihang artista talaga ang dumating at daig pa ang isang awards night sa rami ng mga bituin. Bongga talaga! To name a few, ang mga namataan naming dumating ay sina Gov. Vilma Santos, WBF Champion Manny Pacquiao, Sen. Jinggoy Estrada, Sharon Cuneta, Sen. Bong Revilla with wife Lani Mercado and son Jolo Revilla at kapatid na si Andrea Bautista, Gretchen Barretto, Ai-Ai delas Alas, Angel Locsin, Gabby Concepcion with manager Mrs. Rose Flaminiano, Piolo Pascual, Valerie Concepcion, Jason Abalos, DJ Durano, Pokwang, Richard Poon at marami pang iba. Magkasama naman ang rumored sweethearts na sina Sam Milby and Anne Curtis, ganundin sina Derek Ramsay and Angelica Panganiban na back to normal ang relasyon pagkatapos mabalitang nagkaroon ng hiwalayan. Nag-abot sina Sharon and Gov. Vi sa party at nagsama sa isang table para magkatsikahan habang walang tigil naman silang dinudumog ng TV crew at reporters for interview. Nakunan din ang dalawa na pinanonood si Piolo habang kumakanta sa stage at habang nanonood ay parang mga kinikilig na schoolgirls. Hindi naman nagkita sina Sharon at Gabby dahil timing na pag-alis ni Megastar, siyang akyat ng kanyang ex-husband. Halatang sadyang nag-iwasan ng dalawa dahil bago pa man bumaba si Shawie ay may nagsabi na sa aming nasa baba na si Gabo pero umakyat lang ito pag-alis ng ex-wife. Nag-abut-abot din sina Gretchen at mag-asawang Bong and Lani at hindi na namin nakita kung nagbatian ba sila o kung may kontrobersiya na namang kaakibat ang pagkikita nila. Si Angel naman ay sandali lang nag-stay sa party at kahit maraming press na gusto siyang makapanayam, hindi siya talaga nagsalita hinggil sa issue nila ni Claudine Barretto. Love is lovelier ang drama nina Derek at Angelica. Sabay silang ininterbyu ng press at para silang nilalanggam sa sobrang sweetness. Anyway, nang umalis kami ay sige pa sa pagdadatingan ang mga artista't well-wishers ng The Buzz host na ang actual b-day ay kahapon, July 23. Mula sa People's Tonight, maligayang kaarawan Tita Cristy! (Happy birthday, Tita Cristy, my mentor! - Lykaboo) * * * ANG guwapu-guwapo ni Piolo that night kaya hindi kami nagtataka kung ang dami ng kinilig sa kanya. Stand-out talaga ang kaguwapuhan ng aktor sa mga kasamahan niyang artistang naroroon din sa party. Nakausap namin sandali si Piolo bago siya umalis sa party at naitanong namin sa kanya kung ano ang kanyang masasabi sa feud nina Angel at Claudine. "Wala po akong sasabihin kasi mahirap pong magsalita because mahirap, kung baga sa kasabihan, mahirap maipit sa nagsasalpukang bato. And hindi ko po alam, eh. Wala naman akong nakakausap sa kanila regarding the incident so I don't think I'm in a position to (make a) comment. "But if there's anything I'd like to say, gusto kong magkaayos sila because napakaliit ng industriya, more so in ABS-CBN para hindi sila magkakita. "Ang Wish Ko Lang, ang prayer ko is for them to patch things up, and sana magkapatawaran, and sana, magkabati because mahirap ding lumugar dahil nga may issues, parang nagkakaroon ng ilangan," pahayag ni PJ (tawag kay Piolo). Willing ba siyang mag-mediate sa dalawang aktres? "Well, if that kinda helps, I can extend. Yeah, I'm willing. Kung kailangan po talagang makatulong, gagawin ko. Kasi pareho silang malapit sa akin. " May ideya ba siya sa pinagmulan ng away? "I hear so many things about it but wala akong pinaniniwalaan hanggang hindi ko naririnig sa mga bibig nila. " Knowing the two of them, masasabi ba niyang mayroong nagkaroon ng pagkakamali or pagkukulang? "Let's just say na pareho silang may point siguro kaya ganu'n ang nangyayari. " Nang tanungin namin ang aktor kung ang message niya sa dalawa, he said, "'Yun nga po, sana lang po talaga, magkapatawaran na. Let's humble ourselves, isantabi muna natin ang pride and let's be giving and compassionate. " Source: People's Tonight |