Oct 12
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Piolo, nagpa-picture kay Marian

HINIHINTAY ang paglabas ni Marian Rivera sa men's magazine, kaya lang, next year pa ito mangyayari at paghahandaan pa niya nang husto. Una siyang mapapanood na naka-two-piece sa Marimar at mangyayari ito 'pag naging si Bella Aldama na siya. Sa simula...

 

Piolo, nagpa-picture kay Marian

Column: Basta
Author: Nitz Miralles

HINIHINTAY ang paglabas ni Marian Rivera sa men's magazine, kaya lang, next year pa ito mangyayari at paghahandaan pa niya nang husto.

Una siyang mapapanood na naka-two-piece sa Marimar at mangyayari ito 'pag naging si Bella Aldama na siya.

Sa simula pa lang ng telenovela, sinabi na ni Direk Joyce Bernal kay Marian na may sequence na kailangan niyang mag-two-piece at gagawin niya ito hindi dahil ayaw niyang magpatalo kay Cristine Reyes na papasok na bukas sa role ni Kim Chan at aagaw kay Sergio (Dingdong Dantes).

Nag-two-piece na rin ang actress sa audition niya sa Marimar.

Samantala, nalaman naming isa si Maricel Soriano sa mga rason kung bakit tinanggap ni Marian ang Bahay Kubo.

Kahit hirap sa schedule, ayaw niyang palampasin ang chance na makatrabaho ang magaling na actress. Sa first shooting day, lumapit siya kay Maricel at nagpakilala at ikinatuwang tinawag siyang Marimar.

May maganda palang nangyari sa gala night ng RRRampa for a Cause dahil nagkaroon ng chance si Marian na makilala ang talents ng ABS-CBN.

Nagpakilala sa kanya sina Diether Ocampo at Piolo Pascual at ang huli'y nagpa-picture pa using his cellphone, kaya may remembrance na agad sila kahit noon lang nag-meet.

Feeling matagal na silang magkakilala dahil sa common friend nilang si Direk Joyce.

Speaking of Marimar, hindi makararating kay Marimar ang cellphone at sulat na ipinadala ni Sergio dahil hinarang nina Perfecta (Mel Kimura) at Nicandro (Gabby Eigenmann).

Babalik si Gustavo (Jestoni Alarcon) sa San Martin dela Costa at malalaman na ni Marimar na adopted siya nina Lola Cruz (Caridad Sanchez) at Lolo Pancho (Leo Martinez).

* * *

IKINAGULAT ni Dennis Trillo ang solo billboard niya ng Zaido (Pulis Pangkalawakan) sa harap ng GMA Network.

Overwhelmed ito at 'di ini-expect na bibigyan siya ng solong billboard at dream come true sa kanya ang magkaroon ng gigantic billboard.

“Ang feeling ko, mahal ako ng network at walang rason para iwanan ko sila. Hindi ko ini-expect 'yon, gusto kong maluha nang una kong makita 'yon,” wika nito.

For his Gallian role, nag-training ng arnis, martial arts at pagmu-motor si Dennis. May boxing at workout din siya.

Okey sa kanyang pagnasaan ng bading at kababaihan dahil sa kanyang costume dahil mas magandang pagnasaan kesa hindi pinapansin.

Tanggap na niyang iba ang unang tinitingnan sa kanya ngayon at nag-a-adjust siya.

Nakalimutan pala naming usisain si Dennis sa tsikang nagkatampuhan sila ni Marian Rivera sa birthday party ni Ogie Alcasid.

Ang kuwento, gustong sumayaw ng dalaga at ayaw ng actor dahil hindi siya sumasayaw, na ipinagmaktol ni Marian.

Kaya nang isayaw ni Billy Crawford si Marian at nagtagal sila sa dance floor, si Dennis naman daw ang nagmaktol.

Incidentally, sa Monday na ang pilot ng Zaido sa direksyon nina Dominic Zapata at Don Michael Perez. Puno ito ng special effects at tigasing fight scenes.

* * *

NAKINIG kami sa usapan nina Dinno Erece at Tessa Daffon ng ABC-5 tungkol sa pagkakakuha ng GMA-7 ng rights sa Philippine Idol.

Pag-aari ng Channel 5 ang title at hindi ito puwedeng gamitin ng Channel 7, kaya magiging RP Idol siguro ang title ng show.

Immensely satisfied ang Freemantle Media sa pagha-handle ng Singko sa PI at world-class ang dating ng show.

Nakipag-negotiate sila para sa second season dahil first option sila. Siguro raw, GMA offered a better deal at dahil part ng package ng Freemantle Media ang American Idol, baka kunin din ito ng Siyete.

Ang Celebrity Duets ay franchise rin ng company.

* * *

PUMIRMA ng three-year exclusive management contract sa GMA Artist Center si Ayen Laurel.

Nagsimula na siyang mag-guest sa mga show ng GMA-7 at Q-11 gaya ng All Star K! at Moms.

Kung bibigyan ng chance, gustong mag-host ni Ayen ng show na kagaya sa Wish Ko Lang, pero wala siyang balak na agawin ang show kay Vicky Morales.

Si Wilma Galvante ang nag-offer sa kanya na maging part ng GMA family nang magkita sila sa party ni Danny Tan. Nagkakuwentuhan at nagtanong si Wilma if she's ready for character roles at pinatawagan na siya kay Ida Henares.

Maganda ang working experience ni Ayen sa Q-11 at masayang magtrabaho sa GMA-7. Maganda naman ang offer, kaya tinanggap niya.

Habang wala pang regular show, enjoy muna siya sa guesting stint at open siyang mapasama sa teledrama at movie project sa GMA Films.

* * *

SA natitirang tatlong gabi ng Impostora, paubos na ang oras at malapit nang sumabog ang bombang nakatanim sa katawan ni Sara (Sunshine Dizon).

Hindi nito alam ang gagawin. Darating si Vanessa (Sunshine) sa bahay kung saan ikinulong si Sara at mag-aaway sila.

Yayayain ni Betty (Jean Garcia) si Vanessa dahil sasabog na ang bomba, pero huli na ang lahat dahil sumabog ang bomba.

Sino kaya kina Sara at Vanessa ang makaliligtas?

* * *

OPENING this Wednesday ang Ang Lalaki sa Parola sa Robinson's Galleria IndieSine.

Ito na ang boldest and most provocative gay movie ever sa direksyon ni Jay Altarejos. Bida rito si Harry Laurel, ang newest gay sensation, with Justin de Leon at Jennifer Lee.

Sabi ng mga nakapanood, maganda ang twist ng movie kung saan ang paghahanap sa ama ni Harry ay mauuwi sa realization na bading pala siya.

* * *

FEATURED sa episode ng Moms today, Bachelor's Belief, ang future papables ng showbiz na sina Brent Javier, Rye Fariñas, Claude Jean Bocquet at JC Cuadrado.

They have the looks, the body and X factor para ma-in-love sa kanila ang girls.

Napapanood sa Q-11 ang Moms, 5:30 p. m. , Monday to Friday, at masaya ang hosts nitong sina Lani Mercado, Sherilyn Reyes at Manilyn Reynes.

Source: People's Tonight