Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Piolo, nag-react sa relasyong John Lloyd-Ruffa

Author: Vinia Vivar

"Basta ba masaya sila," sagot ni Piolo Pascual nang matanong kung boto ba siya sa relasyong John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez.

Ang nakakatuwa, dati ring na-link si Piolo kay Ruffa. Nagpahayag kasi dati ang aktor na may crush siya sa aktres/TV host at matagal-tagal din silang tinuksu-tukso ng mga reporter at staff ng ABS-CBN.

"Hindi naman naging kami. Na-link lang po," paglilinaw agad ni Piolo.

Hindi siya nagseselos?

"Malalaki na sila," natatawang sagot ng aktor.

Pinag-react din namin si Piolo sa isyung ikakasal na ang na-link din sa kanyang si Rica Peralejo at positibo naman ang sagot ng aktor.

"Happy ako for her. Happy ako for them. I know the guy also. It's a blessing. I mean, you know, nakakatuwa 'pag ganu'n sa church nagkakatuluyan and they start a family. So, I only have prayers for them," say ni Piolo.

Samantala, sa kasalukuyan ay nasa USA ang aktor kasama ang iba pang talents ng Star Magic para sa gaganaping concert pero kahit wala ang aktor ay napapanood pa rin siya sa Komiks Presents Mars Ravelo's Nasaan Ka Maruja every Saturday kung saan ay kapapasok lamang ng kanyang karakter.

* * *

Dahil wala rin sa bansa ang mga bida ng horror flick na Villa Estrella na sina Jake Cuenca, Maja Salvador at Shaina Magdayao, hindi na magkakaroon ng premiere night ang movie.

Aminado ang direktor na si Rico Maria Ilarde na na-dissapoint siya lalo na para sa cast.

"I want them to see the fruits of their labor. Nahirapan talaga sila pumunta sa location kasi dumadaan pa talaga kami sa dirt road. Disappointed ako na hindi nila makikita agad ang pelikula," sabi ni Direk Rico.

Sa Monday ay isusumite na nila sa CEB (Cinema Evaluation Board) ang kopya para ma-review and hopefully ay mabigyan ito ng magandang grado.

Ipalalabas na sa July 1 ang Villa Estrella at kasama rin dito sina Geof Eigenmann, John Arcilla, Ronnie Lazaro, Celine Lim, Empoy, Rubi Rubi, with the special participation of Liza Lorena and John Estrada.

The horror film is based upon a screenplay written by Joel Mercado, Adolf Alix Jr. , and JP Abellera, and is shaped in the tradition of Feng Shui, Sukob, Wag Kang Lilingon and T2!

"The movie is actually the story of a woman disturbed by recurring dreams. The main thrust of the movie is trying to uncover what the dreams all about?" sabi ni Direk Rico.

* * *

Masayang masaya ang Star Television dahil sa parangal na natanggap ng Lobo teleserye na pinagbidahan nina Angel Locsin at Piolo Pascual.

Ang Lobo ang tinanghal na Best Telenovela sa katatapos lamang na 30th BANFF World Television Festival na ginanap sa Toronto, Canada .

Nakatutuwa naman na kahit matagal nang tapos ang Lobo ay walang tigil pa rin ito sa pagbibigay ng karangalan sa ABS-CBN at sa buong production team.

* * *

Ka-chat namin the other day ang katotong Pilar Mateo na kasalukuyang nasa USA with Ara Mina at say niya, puro Michael Jackson songs daw ang kasalukuyang pinatutugtog doon bilang pag-alala at pagbibigay tribute na rin sa yumaong King of Pop.

Nataon din ang show ng Star Magic sa pagluluksa ng Amerika dahil nga sa pagyao ni MJ at ng Holywood actress na si Farrah Fawcett.

May nagsabi nga raw na sana raw ay bigyan ng kahit kaunting tribute ng Star Magic si Michael Jackson sa pamamagitan ng pagkanta ng mga pinasikat nitong awitin sa show.

Source: People's Tonight