|
|
| Piolo, panay ang pa-cute kay Toni![]() Author: Vinia Vivar Dahil sa sobrang pakiyeme at pasaway, hayan at nakansela tuloy ang kontrata ng young actress sa isang produktong kanyang ine-endorso. Early this year pa raw ay nag-iisip na ang management ng produkto kung ire-renew ang young actress dahil wala raw itong shows at nag-aalala silang hindi enough ang maging exposure niya sa aktres kapag kinuha nilang muli. Sa bandang huli ay nagdesisyon din ang kumpanya na i-renew ang young actress pero six months na lang at hindi na one year tulad ng normal na endorsement contract. Pumayag naman daw ang young actress kahit six months lang ang contract. Kaso mo ay hindi pa rin nagkakaroon ng bagong shows ang batang aktres sa network na pinagtatrabahuhan. Magkakaroon na sana siya ng show, kaso naman ay tinanggihan niya dahil ayaw niyang makipag-kissing scene sa isang baguhang aktor. Disappointed ang kumpanya ng produkto dahil hindi naipo-promote nang husto ng young actress ang ine-endorse. Last straw ay 'yung puro kanegahan na issue ngayon sa young actress. Nagdesisyon na ang kumpanya na hindi na tapusin ang six months na kontrata at tuluyan na siyang tsinugi. Wala naman daw habol ang young actress dahil may clause sa contract na pwede siyang tsugihin kapag hindi na-meet ang requirements. As of press time, pinalitan na raw ang young actress ng isang female newscaster at inihahanda na ang bonggang launching nito. Sa totoo lang, medyo nawawala na nga sa limelight ang young actress na may pangalan na rin naman. Paano nga kasi ay sobrang pasaway at maraming kaartehan sa buhay. Kapag hindi siya nagbago, malamang na magtuloy-tuloy na ang pagkalaos niya lalo pa nga't ang daming artista riyan. * * * Kapwa nagpa-cute sa isa't isa sina Toni Gonzaga at Piolo Pascual nang mag-guest ang aktor sa Entertainment Live last Saturday. Sa mga tanong ni Toni kay Piolo, parating may kasa-mang "paramdam" ang sagot ng aktor. Pinakakuwela ay nang magsalita si Piolo na "ikaw, hindi ka na single, eh. " Na parang sinagot na-man ni Toni na "ang bagal mo kasi" or something to that effect. Naghiyawan tuloy sa loob ng studio. Siyempre, nagprotesta ang Piolo at parang pinaalala ang panliligaw na ginawa niya. Sagot naman ni Toni na parang hindi naman daw niya naramdaman sa bilis. "Oy, matagal ako, ha?" sagot naman ni Piolo. Naku, kung medyo se-loso ang boyfriend ni Toni na si Direk Paul Soriano, malamang, pag-awayan nila ito. * * * Nakausap namin si Maribel Galindez, ang distributor ng Lucida DS Glutathione at aniya, tapos na ang unos dahil maayos na ulit ang negosyo nila. Matatatandaang nagka-roon ng issue sa Lucida nang mapabalitang kulang ang gluthathione content nito. Na-pull-out ito sa market, partikular na sa Mercury Drug Store pero klinaro naman niyang since October pa ay balik na ito sa market. "Nag-pull-out kami ng July yata, so, October, nabalik na ulit. Bale na-replace na 'yung lot number na kinukuwestiyon, bago na itong lot number at tested ng PIPAC (Philippine Institute of Pure and Applied Chemistry)," sabi ni Bel. Aminado naman ang Lucida owner na malaki ang naging epekto sa negosyo niya ng nangyaring recall, almost P30M daw ang nalugi sa kanila pero ngayon ay unti-unti na silang nakakabawi. Matatandaang si Gabby Concepcion ang kinuhang endorser ng Lucida DS last year. Ngayong July ay expired na ang kontrata ng aktor at wala naman daw sa usapan nila ang renewal kaya kukuha na rin siya ng bagong endorser. Si Valerie Concepcion ang napili ng kumpanya para pumalit kay Gabby. Nagkaayos na raw sila ng aktres/TV host pati na ang manager nitong si Becky Aguila at pirmahan na lang daw ang kulang. Source: People's Tonight |