|
|
| Piolo, patuloy na nilalampaso ni Dingdong!Author: Alfie Lorenzo I wish the best for GMA7's “Wish Ko Lang” dahil sa galing ng researchers nila. Ang gaganda ng mga kuwento at personalidad na nahuhukay nila. In fairness, magaganda rin naman ang mga topics ni Korina Sanchez, kaya lang nu'ng Linggo eh nalaglag ako sa mamahaling massage chair ko nu'ng i-feature 'yung dolphin show sa Subic. At saan ba ang Subic? Sa Subic Clark daw po! Martilyuhin sa ulo ang researcher na 'yan na 'di nag-research huh! Iligaw ba kami? Should it be a mystery kung bakit mas nagtatagal ang pagsasama ng mag-asawang pareho namang pangit or pangit ang babae kesa lalake? Hindi po garantiya sa marriage na isang beauty queen pa ang babae, o isang supersikat na artista para magtagal ang marriage. Sumagi sa isipan ko ang malalim na palaisipang ito nu'ng mapanood ko nu'ng linggo si Miriam Quiambao sa “The Buzz”. She was crying over spilt milk - the failure of her marriage in Boracay. Nahiwalay rin kasi sa mga respective mister nila ang mga “Miss Universe” at “Miss International” at “Miss World” na sina Aurora Pijuan, Melanie Marquez, Ruffa Gutierrez, Gloria Diaz, atbp. Patuloy na nilalampaso ng “Stairway To Heaven” ni Dingdong Dantes ang “Losers in Paris” ng Papa Piolo ko. Aba, last Monday ay nakakuha ng 33.4% na ratings ang Stairway..., at Tuesday ay nakakuha naman ito ng 30.4%. Habang paakyat sa langit ang taas ng ratings ng “Stairway to Heaven” ay pababa naman tungo yata sa impiyerno ang ratings ng “Losers in Paris” na sadya yatang isinilang na loser! Kaya tawa nang tawa pa rin si Angelina sa yaya niya:” You're such a loser!” Pati ako. Ha! Ha! Ha! Ha! Source: Abante |