Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Piolo, type makasama si Gabby

Author: Vinia Vivar

PANAY tawa ang isinagot ni Piolo Pascual sa pangangantiyaw sa kanya kay Ruffa Gutierrez ng press na bumisita sa set ng Lobo.

It was revealed recently na isa pala sa crushes ni Piolo si Ruffa at buhat noon, parati na silang tinutukso ng press sa isa't isa.

Ang laging sagot ni Ruffa, si Piolo na lang daw ang tanungin dahil ni hindi naman daw nanliligaw sa kanya ang aktor.

"Hayaan n'yo munang manligaw 'yung tao," ang say pa noon ni Ruffa.

Nang tanungin namin si Piolo kung kailan ba siya manliligaw, hindi agad nakasagot ang aktor at pangiti-ngiti lang.

"You know, she's a lovely lady. Nakakatuwa because you know, she's smart and parang...wow! Nakakatakot lang because you know, maraming factors," say niya.

Wala na ngang factors, eh, biro namin sa kanya.

"Sino ba naman ako, 'di ba? Para maki...," biting sabi ni Piolo, pero bago pa man lumawig ang tanungan, pabirong nagpahiwatig ang staff ng Lobo na ang serye na lang ang itanong namin.

But since nagtapat na rin naman si Piolo that he's eyeing another girl na na-meet niya sa isang prayer meeting, we conclude na as of now, medyo malabo ang pagkakaroon ng Piolo-Ruffa romance.

Pero siyempre, we still can never tell.

Samantala, napag-usapan nga rin pala namin ni Piolo ang tungkol sa pagbabalik-showbiz ni Gabby Concepcion at ayon sa aktor, nasa States daw siya nang time na dumating ito sa Pilipinas.

"At first, hindi pa ako naniniwala because of his case, 'di ba? Pero nu'ng bumalik ako, wow, he's all over the news, sabi ko. That's nice, because you know, icon din naman 'yan and ang dami ring nagawang pelikula. Napanood ko 'yung movies nila ni Mega (Sharon Cuneta. )

"I'm happy for the industry and I hope that one day, I get the chance to work with him as well because magaling siya talagang artista. Napakaliit ng showbiz. Dati, I've never thought that I could work with Albert (Martinez), pero naka-love triangle ko siya sa Sa Piling Mo. Nakakatuwa 'coz these are the actors whom you grow up watching. Even to get the chance to work with them, magandang experience. "

Sa ngayon, wala pa raw nababanggit sa kanyang plano or line-up na makakasama niya si Gabby. Ang alam ni Piolo, may tatlo siyang pelikulang gagawin sa Star Cinema at nakatakda na siyang magsimula ng isa anytime soon.

Mayroon siyang isang movie with Anne Curtis and Sam Milby na kukunan sa Jerusalem and another one with Angel Locsin. 'Yung isa ay hindi pa raw niya alam, but he heard na ito 'yung with KC Concepcion.

Hindi pa raw niya alam kung alin ang mauuna, pero ang original plan daw talaga, uunahin muna ang movie nila ni Angel.

* * *

NAHIYA raw ang baby ni Jennylyn Mercado kaya sa huling ultrasound ng young actress ay hindi nakita kung babae o lalaki ang gender nito.

Medyo nakatagilid daw na parang nakadapa ang posisyon ng baby kaya hindi nakita ang ari nito.

Ayon sa OB-gyne ni Jen, nangyayari raw talaga minsan ang mga ganitong pagkakataon.

Kahit medyo nanghinayang si Jen na hindi pa nalaman ang gender ng magiging baby, okay pa rin daw dahil ang importante ay healthy ito.

So far, wala namang problema sa bata and in fact, mas nag-gain pa nga siya ulit ng weight ngayon.

Anyway, sa fans ni Jen na gusto siyang mapanood, ngayong gabi ay guest ang young actress sa show na The Big Show with a Big Nose sa Klownz, Quezon Ave. , with Allan K. , Valerie Concepcion and Joross Gamboa.

Guests sina Mayo Suzuki, Patricia Gayod, Gemma at Jasmine Fitzgerald. Show starts 10 p. m.

Source: People's Tonight