Planned sitcom stalled due to budget problemAuthor: Tempo NATULOY na kaya ang taping ng Ex- Ko To? Tampok dito sina Alma Moreno, Rudy Fernandez, Aiko Melendez at Jomari Yllana. Supposedly, first week of this month ang umpisa ng taping nito, ayon kay Aiko noong nainterbyu ni Ogie Diaz sa programang Wow! Ang Showbiiz! Nagkaroon daw kasi ng problema sa budget kaya hindi agad maumpi-sahan ang taping. False alarm pala ang tsikang nagte-taping na para sa naturang sitcom na balitang ipapalit sa "Bora." Na-pre-empt ito kaya may mga naglalabasang press release na patuloy pa ang taping nito at hindi pa raw ito mabobora (as in mabubura) sa ere. No problem sa pagsasama nina Aiko at Jomari sa naturang sitcom ng ABS-CBN. In speaking terms na sila ngayon and theyre better off as friends, ayon kay Aiko. Their son, Andrei is celebrating his birthday (Sept. 7) at siguro naman, Jomari will find time to be with his son. (Rowena Agilada) Source: Tempo |