|
|
| 'Playboy' mag, interesado kay Francine![]() Author: Nitz Miralles KUNG gugustuhin ni Francine Prieto, puwede siyang ma-feature sa U. S. edition ng Playboy, dahil may taga-publication ng nasabing men's magazine na nagka-interes sa kanya nang makita ang picture niya sa website ni Xander Angeles, former fotog ng FHM Magazine na nag-shoot sa sexy pictorial ng actress. U. S. -based na si Xander at ipinarating kay Francine at sa manager nitong si Ces Evangelista na interesado ang Playboy, ayaw lang ng actress. Bukod sa hindi niya kayang mag-frontal ayaw niyang kumalat ang mga hubad niyang litrato sa Internet. Ayaw din niyang magsisi sa huli, gaya sa ibang Filipina actress na na-feature na sa men's magazine. Tama na kay Francine na sa local men's magazine lumabas at masaya rin siya sa career niya rito. Heto nga't magiging dalawa ang regular TV show niya sa GMA-7, dahil bukod sa Bubble Gang, kasama rin siya ng bagong suspense-horror-drama na wala pang final title, dahil hindi puwedeng gamitin ang Sindak at may Patayin sa Sindak si Barbara na ang ABS-CBN. Kung hindi February, sa March ang airing ng suspense-horror-drama to be directed by Argel Joseph. Narito rin sina Alfred Vargas, Noni Buencamino, Paolo Paraiso, Marco Alcaraz at may special participation si Eula Valdez. * * * PIPIRMA na ng exclusive contract sa GMA Films this week si Dingdong Dantes. Siya ang third exclusive contract star ng movie company after Richard Gutierrez and Iza Calzado. Mahabang taon daw ang kontratang pipirmahan ng actor at maraming pelikula ang kanyang gagawin. Sinabi na rin nito na ang unang project niya sa GMA Films ay pagsasamahan nila nina Marian Rivera at Iza Calzado. Kaya lang, baka raw mapalitan pa ang female cast 'pag naging busy ang dalawa. Ang still-untitled movie yata ang isusunod sa BFGF nina Marian at Richard, kaya pinaghahandaan na. Wala pang maikuwentong new TV show si Dingdong after MariMar, pero sabagay, hanggang March pa ito sa ere at magpahinga naman siya, 'no! Tiyak na may follow-up project siya't nauna na siyang pumirma ng three-year guaranteed contract sa GMA-7. * * * MABUTI naman at magtatapos ang La Vendetta na bati na sina Sunshine Dizon at Polo Ravales. Sa farewell party ng suspense serye, sweet na uli ang dalawa't nag-share pa sa food sa Pilita's Bar & Restaurant. May lambing na rin ang tawag niyang "Pol" sa actor. Natawa ang dalawa nang ipaalalang sa presscon, tensyonado ang atmosphere. Imbiyerna noon si Sunshine kay Polo sa isyung siya ang gustong balikan sa ex-girlfriends. Ramdam na ramdam namin ang tension sa kanila at muntik palang mag-away nang i-beso siya ng actor habang iniinterbyu at nawala ang focus sa sinasabi. But that night sa farewell party, kinongratulate pa ni Sunshine si Polo nang malamang sila ni Nadine Samonte ang pumalit kina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia sa Maging Akin Ka Lamang. Suwerte raw ang actor na mabigyan agad ng next project, hindi pa man tapos ang La Vendetta na hanggang this week na lang at malalaman na kung sino ang killer. * * * SA MariMar, makikipagsabwatan si Angelika (Katrina Halili) kay Fernan (Andrew Schimmer) para sirain si Esperanza (Bing Loyzaga) nang makitang nagbigay ito ng pera kay Andrew. Magtatalo sina Esperanza at MariMar sa nawawalang P100 million sa pera ng mga Aldama at ang una ang suspek ni Angelika. Masaya ang mga kaibigan nina Sergio (Dingdong Dantes) at MariMar na nagkasama sila sa Tagaytay at ang pagpapakasal nila ang pinag-uusapan, pero mukhang hindi pa happy ending ang relasyon ng dalawa. Pinagpilitan ni Inocencia (Nadine Samonte) na aminin ni MariMar na mahal si Sergio at makipag-ayos na rito. * * * THIS Monday sa Zaido, mag-aaway sina Alexis (Marky Cielo) at Cervano (Aljur Abrenica) at magagalit si Amy (Kris Bernal) sa una't, wala raw ginagawa ang huli. Lalo pang magagalit si Alexis nang basterin niya ng dalaga na mas gusto si Cervano at pumayag pang magpahalik after magtapat ng pag-ibig sa kanya. Pagtatangkaan ang buhay ni Gallian (Dennis Trillo), tututukan siya ng laser blaster at mabuti't nagising. Susunod ang pagalingan via music ng grupo ni Gallian at Rock at mananalo sila at magiging dahilan 'yun para mawala ang pagka-hypnotize ng tao. Magagalit si Rock at magta-transform into Roko Loko at kasama ang mga amazona, susugurin ang mga Zaido. Source: People's Tonight |