|
|
| 'Ploning' ni Juday, prinomote ni Direk Joey![]() Author: Nitz Miralles KAHAPON, nasulat namin ang most intriguing quotable quotes sa showbiz, ngayon naman, ang most intriguing movie plug-endorsement ay galing kay Joey Reyes, director ng When Love Begins, na katapat ng showing ng Ploning sa April 30. Ang paulit-ulit na sabi ni Direk Joey: "Please watch Ploning, manood kayo dahil kay Judy Ann (Santos). " Sa shooting ng My Monster Mom namin nakausap ang director ng Aga Muhlach-Anne Curtis movie, pero hindi na sinabi kung ang movie ba niya o ang kay Judy Ann ang dapat unahing panoorin, basta panoorin daw pareho. * * * Sa unang tanong kung may bayad siya, ang ina ang tinanong, pero hindi rin ito sumagot. Balik kay Annabelle ang tanong, kung bakit si Richard ang napili niya sa mga anak na mag-portray ng young Eddie? "Kamukha niya talaga si Eddie at pati pagka-playboy namana," na nang marinig ng actor ay ngumiti lang. "Sana" ang sagot ni Richard sa tanong kung nabigyan niya ng justice ang role ng ama, sabay sabing maganda at nakakatawa ang pelikula. Magaling din daw si Direk Joey at mabilis magtrabaho, kaya nag-enjoy siya. Hindi pa lang nagsi-sink-in sa kanya na he'll be playing father to his ate. Gusto na nitong makita ang teaser ng movie na sabi ni Direk, ang magiging tagline ay "Mother scares best. " Gaya ni Ruffa, tuwang-tuwa rin si Richard na may sariling career ang ina. Sabi nito: "Pumipik-ap ang career ni Mommy at mas in-demand pa siya sa aming lahat. Latebloomer siya. Unexpected na in-demand siya sa TV, pati commercials at ngayon, may movie pa. I'm happy for her. Ang mommy ko, mas nakakatawa more than nakakatakot. " Dagdag pa ni Richard, mukha lang suplada ang nanay niya, pero malambot ang puso and between her and his dad, mas takot siya sa daddy niya na minsan lang magalit. "Sanay na kaming galit si mommy, eh, si Daddy, bihirang magalit. " Kung 'di June 25, sa July 2 ang showing ng My Monster Mom, may mahaba pang panahon ang Regal Entertainment at GMA Films sa promo nito. Ang hindi pa alam ay kung papayagan si Ruffa ng ABS-CBN na mag-promote sa GMA-7. Dumating si Richard sa shooting sakay ng kanyang Ducati motorcycle na hindi alam ni Annabelle at saka lang nito nalaman nang umalis na ang anak at hindi na niya napigil. Thankful lang si Annabelle na naka-helmet ito at nakaalalay ang van sakay ang mga kasama. * * * "Nagawa ko na ang role na 'yon sa movie namin nina Claudine (Barretto) at Jericho (Rosales) na Nasaan Ka Man. Abangan ninyo at marami ring revelation ang role ko as pediatrician at bawat character dito, may mangyayari. Naniniwala rin ako na may binabagayan ang role," pahayag nito. Ang pinagdiinan ni Diether, masaya silang muling magkatrabaho ni Claudine at bagay dito na comeback project ang Maligno. Napansin din niyang hindi na lang ito basta umaarte, may mga suggestion din ito para mas gumanda ang istorya ng serye. Samantala, para matigil na lang ang press sa pagtatanong ng development sa kanila ni Kristine Hermosa, ibinalita ni Diether na magkasama sila't siya ang photographer ng pictorial ng actress for a magazine. Okey daw sila, maayos ang pag-uusap at kaya na nilang i-handle ang anumang sitwasyon sa kanilang pagitan. * * * Babalikan din ni Vicky ang mga ginawa nilang mag-asawa kasama ang pagsasayaw sa Obando Festival para biyayaan ng anak. Kahit mahabang panahon ang ipinaghintay ni Vicky at asawang si King Reyno, hindi sila nawalan ng pag-asa at ngayon, proud parents sila ng twin baby boys. Source: People's Tonight |