|
|
| Poging direktor vaklush din palaAuthor: Pete Ampoloquio, Jr. ANG showbusiness talaga, totoong full of shocking surprises. Ito na lang directed by na ikukuwento namin sa inyo ay maituturing na isang ladies' men sa ating industriya. Sa totoo, he's not only appealingly handsome, but is also tall and a man of unquestioned culture and erudition. On top of that, paborito siya ng chicks dahil soft-spoken si Direk at hindi madaldal. Tipong a man of few words, so to speak, ma-king him somewhat enigmatic and mysterious in as far as the women in the biz are concerned. Ang totoo niyan, hanep sa ganda ang chicks na nabibingwit niya. 'Yung isa nga ay matangkad at morena pero matalino rin at maganda. Itong ikalawa naman ay may royal showbiz blood talaga at may ganda rin at napakatalino. But surprisingly, his relationships seem to be fleeting and not at all that enduring. Ang say ng mga girlalu, pabling daw kasi at babaero si Direk kaya ganun. 'Yun bang sawain daw ito at laging on the lookout for beautiful and talented women. Well, points well taken. Pero ano itong balitang nakarating sa aming may ginawa raw himala si Direk the last time na magpunta siya sa Europe, supposedly to be with his latest conquest, ay may na-meet daw ito roong isang simpatikong ombre and for quite sometime, they were purportedly inseparable. Swinger din pala si Directed by. I mean, just like most men in the business, he, too, swings both ways. Ahahahahahahay! Kalowkah evah! Hay, naku, Butch, pakonti na talaga nang pakonti ang mga berdaderong ombres sa showbiz. Hahahahahaha! * * * HINDI naman showbiz ang personalidad ni Sir Edgard Cabangon pero dahil anak siya ng billionaire businessman na si Ambassador Antonio Cabangon Chua, marami siyempre ang naka-kikilala sa kanya. Added bonus din ang chinito good looks ng bos-sing namin sa Aliw Broadcasting Corporation kaya habulin talaga siya ng mga babae. May isa ngang sexy star na patay na patay sa kanya at ginagawa talaga ang lahat-lahat para ma-hook niya ang president ng Manila Grand Opera Hotel (the hotel with a history) na pinaka-baby nila ngayon ng ama niyang si Amba Cabangon Chua, but to no avail. Mas focused kasi sa kanyang trabaho si Sir Edgard kaya no time for chicks lalo na at matindi ang competition ng kanilang hotel dahil parang mga kabuteng nagma-mushroon ang mga hotels ngayon within the Metropolis. But then, malaki ang laban ng kanilang hotel na matatagpuan sa Doroteo Jose St. , Sta. Cruz, Manila dahil P1,500 lang ang ibabayad mo sa 24-hour stay. So, if you're within the vicinity, do visit Manila Grand Opera Hotel. * * * Finally, nakatagpo ng barakong guest ang Banana Split group nina Christine Reyes, Valerie Concepcion, Roxanne Guinoo, Angelica Panganiban at RR Enriquez. 'Yung naunang male guests kasi sa kanilang wacky show sa Dos ay daig pa ang Maria Clara character sa Noli Me Ta-ngere ni Jose Rizal. Hakhakhak! Babaing naturingan si RR at sexy at maganda naman pero parang takot na takot silang malaplap nito gayung most red-blooded men are looking for that opportunity. Kabaliw, 'di ba naman? Hakhakhak! Anyhow, Cesar Montano did not budge when the moment has come that RR would be kissing him on the lips. Cool na cool lang talaga siya at minsan pang pina-tunayang lalaking-lalaki talaga siya, unlike sa naunang male guests na para bang mga girlalu silang ire-rape ng alaga ni Jojo Veloso. How gross! Hakhakhak! Iba talaga ang tunay na lalaki, walang kiyeme at inhibitions sa mga ganitong bagay. And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsa-sabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong! Source: Taliba |