|
|
| Pokwang at Chokoleit, inokray ni Valerie!Author: Ogie Diaz BLIND item: Merong isang not-so-young actor na guwapo, nagpunta sa isang girlie club. Meron siyang suking GRO roon. 'Pag andu'n siya, automatic, ang favorite GRO niya ang kanyang ite-table. Pero hindi lang table, nasa VIP room sila. As in silang dalawa lang. At automatic uli, alam na nu'ng girl ang kanyang gagawin — luluhod na naman siya nang walang belo. Binibigyan nito ng "blow-by-blow account" ang guwapong not-so-young actor. Sey nga ng girl, "Juice ko, mare, imagine, nag-enjoy na 'ko, kumita pa 'ko sa kanya?" 'Musta naman ang "kargada" ng guwapong aktor? "Hindi katabaan, pero mahaba. Ang importante, mabango!" May gano'n? Well, ang clue? Ang pangalan ng guwapong aktor na 'to ay positive ang dating. Kapag ginawa mo ang kanyang palayaw, maaaring humaba ang buhay mo. Kung may sagot kayo riyan, text us. Just type Ogie On at i-send sa 2366. * * * Nakakalokah nu'ng Friday. Umabot sa Sct. Borromeo ang haba ng pilang nangangarap makapasok sa Bahay ni Kuya. Nag-create ng trapik ang mga nag-o-audition. Pa'no naman kasi, pinag-isa ang audition ng PBB Season 3 at Teen Edition, kaya umabot sa 10,000 ang aspiring housemates na gustong maranasan ang mga pagsubok ni Big Brother. Juice ko, hindi na kailangan ng iba na magpunta sa PBB para sa mga challenge. Ang dami nang pagsubok sa atin si "Bro. " * * * Dahil love namin si Valerie Concepcion, eh, magbibigay kami ng unsolicited advice. Kasi, meron lang nagsabi sa amin na madalas daw itong mag-side comment kapag nagmo-monitor ng Wowowee sa kanilang dressing room. Nu'ng minsan daw, may nakarinig kay Valerie. Eto 'yung nasa ospital pa si Willie Revillame at ang nagho-host ng isang segment ay sina Chokoleit at Pokwang. Nagdadayalog daw si Valerie sa dressing room ng, "Ay, ba't gano'n? Dapat sa segment na 'yan, may puso. Hindi, eh. Nagpapatawa sila. " Ayaw naming husgahan si Valerie, dahil siya mismo ay gusto naming makausap tungkol dito. Kung sinabi ba niya 'to talaga or in jest lang, as in, pabiro lang? Saka 'pag bumibisita kami sa girls, eh, behaved lang naman ang byuti nitong si Val. 'Pag pasalin-salin kasi ang kuwento, nag-iiba na ang senaryo. 'Yung butiki, nagiging buwaya na. 'Yung bulate, nagiging ahas na. Pero kung ito man ay sinabi ni Val, siguro, next time, eh, she should keep it to herself na lang. O 'di kaya, idiretso na lang niya sa mga taong concerned. Tutal, close naman sila ni Pokwang, 'di ba? Saka, juice ko, pagsamahin ba naman sina Chokoleit at Pokwang, pa'nong magiging maramdamin ang segment sa dalawang 'to, 'di ba? * * * 'Wag n'yong kalilimutang makinig everyday sa Wow! Ang Showbiiiz! sa DWIZ 882 sa inyong AM band, 11 a. m. -12 noon. 'Yan ay kung gusto n'yo lang maaliw, ha? Puwede rin naman kayong makinig sa aming website, www. dwiz882. com. At kung type n'yo kaming maging textmate, just type Ogie On at i-send sa 2366. Source: People's Tonight |