Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pokwang at Mura, pampasuwerte ni Vhong

Author: Mercy Lejarde
Column: Tell & Tell

SABI ni Vhong Navarro sa preskon ng Supah Papalicious ng Star Cinema, suwerte sa kanya sina Mura at Pokwang kaya kasama rin niya ang dalawa sa nasabing pelikula na ipalalabas sa Black Saturday.

Humingi rin ng paumanhin ang comedian nang usisain kung ano na ang real score sa kanila ni Desiree del Valle.

Ongoing daw kasi ang annulment case nila ng unang asawang si Bianca Lapus.

Tekaaa, parang sa lahat ng artistang nagpa-annull, ito lang kay Vhong, kumbaga sa pelikula, ang masasabing Ten Commandments in the making, ha!

Anyway, si Valerie Concepcion ang leading lady ni Vhong sa Supah Papalicious. At ayon sa huli, "supah hot mama" si Valerie dahil may anak na nga at a very young age.

Sabi naman ng batang si Makisig Morales, tuloy ang pelikulang Caregiver na gagawin nila ni Sharon Cuneta.

"Sa April 1 na po ang alis namin papuntang London," added na sey pa nito.

So, hindi pala sila natuloy umalis after Valentine's Day. Kaya pala next week, apat ang episodes na ite-tape ni Megastar for Sharon.

Incidentally, ang episode ng show today ay may pamagat na Bad Boyz at ang special guests ay sina Baron Geisler, Alex Crisano, Andrew Wolff at William Martinez.

Just asking, bakit kaya hindi nakasama ang tinaguriang "Original Bad Boy" ng pelikulang Noypi na si Robin Padilla?

Ay, Kapuso talent nga pala itech at rumaratsada sa teleseryeng obra ni Direk Carlo J. Caparas, ang Joaquin Bordado.

Mai-segue lang daw sa obra ni Direk Carlo, o! Hahaha!

Anyway, ang tanong nga tuloy ni Mega kina Baron, Alex, Andrew at William ay, "Bakit nga ba sila tinatawag na bad boys? Image lang ba nila ito? Or ganito talaga sila sa totoong buhay?"

Well, alamin ang kasagutan ng apat sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Ang mga lalaking itech nga ba ay worth loving, Ethel Booba (for Alex), Keana Reeves (for Andrew), Mariel Rodriquez (for Baron) and Yayo Aguila (for William)?

'Yon lang and thank you.

* * *

WISH nga pala ng regular televiewers at contestants ng Wheel of Fortune tuwing 6 p. m. sa Dos, sana raw ay totoong buntis nga si Kris Aquino para suwertehin ang pag-ikot ng kanilang kapalaran.

Suwerte raw kasi sa any game of chance ang isang buntis. Oh, yezzz, may ganu'n, tsuk!

Source: People's Tonight