Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pokwang na-tense kay Pacman

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

Si Pokwang ang kuwelang gumagaya ngayon sa nanay ni Manny Pacquiao na si Aling Dionisia.

Isang araw ay nakatanggap ng tawag sa kanyang cellphone si Pokwang at nagpakilalang si Manny ang kausap.

Akala ni Pokwang ay pinaglalaruan na naman siya ni Pooh, na impersonator ni Manny.

"Huwag kang mang-etchos bakla ka! Tigilan mo ko bruha ka!" tili daw ni Pokwang sa kausap.

Kung hindi pa raw humalakhak si Manny nang tarayan ni Pokwang ay hindi talaga ito maniniwala na ang Pambansang Kamao nga ang kausap.

Abut-abot ang pagso-sorry ni Pokwang kay Pacman at na-tense sa pag-aakalang sisitahin siya sa panggagaya sa mother nitong si Aling Dionisia.

Kaya pala tumawag si Pacman ay para kunin ang serbisyo ni Pokwang sa nalalapit na foundation day ng General Santos City para magbigay-kasiyahan sa mga kababayan ni Manny sa naturang lalawigan.

Parang nabunutan ng tinik sa Pokwang na hindi pala galit sa kanya ang Pacquiao family.

She is looking forward nga raw na makasama ang Pambansang Kamao at maka-tsikahan si Aling Dionisia na sikat na sikat na rin tulad ni Manny.

Ang tanong, makipag-showdown kaya si Pokwang ng ballroom dancing kay Aling Dionisia?

* * *

Hindi pa rin nakakapag-usap ang magkaibigang Judy Ann Santos at Jolina Mag-dangal hanggang ngayon.

Sa presscon ng OMG (Oh My Girl), sinabi ni Juday na one of these days ay mag-kakausap din sila nang one-on-one ni Jolens.

Nalulungkot si Juday sa break-up ni Jolens at Be-bong.

Alam daw kasi ng wife ni Ryan Agoncillo na masa-yang-masaya sina Jolens at Bebong kaya laking gulat niya sa paghihiwalay ng dalawa.

Ngayong happily married na si Juday at kinakarir ang pagiging Mrs. Agoncillo, wish niyang matagpuan na rin ni Jolens ang kanyang Mr. Right.

Sa tsikang may musikero raw ang manliligaw si Jolens ay masaya si Juday dahil nakapag-move on na ang kaibigan.

Siniguro ni Juday na kapag natapos na niya ang promo ng OMG (Oh My Girl) nila ni Ogie Alcasid under Regal Films ay maki-kipagkita siya para ma-kapag-bonding at ma-update sa lovelife ni Jolens.

* * *

Dahil tag-ulan ay uulan ng regalo sa SOP.

Mamimigay lang naman sila ng Swatch watches at marami pang iba.

Mapapanood na rin ang pinakaaabangang launching ng dance video album ni Dingdong Dantes.

Hahataw din sa dance floor si Aling Dionisia kasama ang Sex Bomb Girls.

Iindayog naman kayo sa mga kanta ng sikat na banda sa pangunguna ni Ely Buendia and his band at Gloc 9.

Darating din sina Judy Ann Santos kasama si Frieda (Ogie Alcasid) para sa big promo ng kanilang OMG (Oh My Girl).

Source: Taliba