| | Pokwang wants a relationship that's for keeps when she falls in love again Author: Ador Saluta Just like the Wowowillie Tours in the US, Pokwang shares that the Canada tour is equally well-attended by our kababayans who jam-packed MTS Center in Winnepeg, estimated at 12,000 people. Very warm ang reception ng mga Kapamilya na naninirahan doon at sabik na sabik makita in person sina Willie Revillame, Mariel Rodriguez, at Valerie Concepcion. Masayang masaya ang buong staff kabilang si Pokwang at nagkaroon muli ng standing ovation ang programa doon. "As always, nagkaroon na naman ng standing ovation from beginning to the end. Lahat (performers), well-applauded. In fairness, kung gaano ka-init ang reception ng tao, grabe din ang ginaw doon," unang balita ni Pokie (palayaw ni Pokwang) sa ABS-CBN.com. Kuwela ang production number ni Pokwang na lipsynch ng isang Celine Dion song na akala ng audience ay si Pokie nga ang kumakanta if not siya mismo ang nagbuking sa sarili no'ng ihagis ang microphone sa floor subali't nagtuloy-tuloy pa rin ang kanta. "Nakakaloka si Pokwang. Ilang minutong tawanan at sigawan ang mga tao sa ginawa niya." sabi ng isang staff na nakasama sa show. On a lighter side, may chika rin sa amin ang isa sa mga nakasama ni Pokwang sa Winnipeg. Mabentang-mabenta raw ang gaya si Pokie sa mga caucasian at hinahabol-habol daw siya ng mga foreigners, as in paborito ng mga banyaga ang "exotic looks" ng comedienne. "Kaya nga exotic, parang bayawak ang dating," pagbibirong comment ni Pokie sa kwentong ito. But she admits na wala na sa isip niya ang manlalake. Di gaya ng ibang celebs na 'pag nagkaroon ng type, lalo na sa foreign land, pumapayag na makipag-one-night stand? "Ayoko. Ayoko ko nga ng isang gabing tikiman lang," sabi ni Pokie sabay tawa. As far as her lovelife daw is concerned, gusto niya ay seryosohan. "Wala kasi akong time na makipaglaro. As is, seryosohan ang mga bagay na 'to. Hindi tayo bumabata, tumatanda tayong lahat. Comedy na nga buhay ko, gagawin ko pang comedy ang lovelife ko. Ayoko rin ng mabuntis ng kung sinu-sino," pahayag ni Pokwang sa amin. Handa rin daw siyang makipag-commit sa ngayon, but with the right guy, okay Mr. Right. "Why not? Basta't malaki ang suweldo niya kaysa sa akin!" Pokie's only daughter Ria Mae is already 12 years old and studying at Immaculate Concepcion College, Antipolo. Ililipat sana ni Pokie ang anak sa isa ring exclusive school sa Antipolo ang anak na tinutukso ng ilang kaklase dahil sa "aswang-issue " insinuated by Joey de Leon pero mukhang ok na ulit ang daughter niya. "Wala na, tahimik na." say ni Pokie sa isyu. "Nakipag-usap na ako do'n s mga teachers niya. Maayos naman ang usapan. Iniisip ko rin naman kung sakali, maraming schools na pwede kong paglipatan sa anak ko." katuwiran ng komedyana. As far as projects are concerned, Pokie's so busy as a bee these days. Besides co-hosting daily noontime show Wowowee, magkakaroon ng repeat ang comedy concert na Pooh-Kwang sa iba't ibang key cities of the Philippines. May plano pa ang Star Cinema na isama siya sa Bong Revilla and Ruffa Gutierrez movie Source: ABS-CBN Interactive |
|