|
|
| Polo at Joseph, game sa love scenes!Author: Ruel Mendoza HINDI nagawang tanggihan ni Polo Ravales ang gay role sa project nila ni Joseph Bitangcol, ang Walang Kawala. Sabi nga ni Polo, “ultimate gay role” na raw ang gagawin niya roon, dahil hindi lang kissing scene meron siya kasama si Joseph, kundi may mga maiinit na love scenes pa sila. Kaya kinukondisyon na nina Polo at Joseph ang sarili nila dahil mapapalaban daw talaga sila sa pelikulang ito. “May tiwala ako kay Direk Joel (Lamangan). Siya ang hahawak ng movie at ilang beses ko na siyang nakatrabaho. Kaya noong malaman ko na siya ang magdidirek, walang problema sa akin. Matsa-challenge ako ulit sa kanya. Kaya sige gawin na namin para maiba naman. “Sa mga gagawin naming eksena ni Joseph, nagkausap naman na kami about that. Close naman kami ni Joseph, eh. Magkasama kami sa mga shows ng Boyz.com kaya more or less, wala akong problema with him. “Game naman kami ni Joseph, kasi nga alam naming maganda ang magiging role namin sa movie. Who knows at baka magka-award pa ang isa sa amin with this movie. Kaya gagawin na lang namin ang anumang i-require na acting sa project,” sabi ni Polo. Mala-Brokeback Mountain ang dating ng pelikula, pero sinulat ito na babagay sa local setting natin. Makakasama rin nila sa movie sina Jean Garcia at Emilio Garcia. Si Enrique Ramos ang nagsulat ng script ng Walang Kawala. Source: Abante |