Mar 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Polo, muntik manapak ng bading!

Luis Alandy

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh Laban Ka!

Sa isang hotel sa Makati kamakailan, isang bading ang muntik sapakin ni Polo Ravales. Sa kuwento ni Polo, sa rest room ng naturang hotel ay huling-huli niya ang bading na sinisilipan siya.

Dyumidyinggel daw siya nu'ng mga oras na `yon, at bigla na lang tumabi sa kanya ang isang lalake. At hindi inakala ni Polo na bading pala `yon, at nalaman nga lang niya nu'ng nahuli niya ito na panay ang sulyap sa kanyang hito.

At dahil doon, nag-init ang ulo ni Polo at muntik na nga niyang sapakin ang bading.

"Hindi mo talaga aakalain na bading siya. Mukha talaga siyang lalake. Malaking lalake siya, at malaki ang katawan. Para nga siyang si Direk Joel Lamangan.

"So, akala ko lalake talaga siya. Hindi ko pinapansin. Siyempre, makikipagpansinan ka ba sa katabi mo habang umiihi ka? Siyempre hindi.

"Pero, napansin ko nga na lumingon siya sa akin. Ang problema, hindi sa mukha ko siya tumingin kundi `yung sa bandang ibaba ko.

"So, hindi ko pa rin pinansin. Inisip ko lang, baka iginagalaw lang niya ang leeg niya, o parang nag-i-stretching lang siya.

"Pero, nu'ng pangalawa, ibang klase na kasi pinipilit na niyang silipin ang harap ko. Doon nag-init talaga ang ulo ko.

"Eh, kasama ko ang pinsan ko that time. Sinabi ko sa pinsan ko na, ang sarap talagang makasapak ng tao! Malakas ang pagkakasabi ko noon para marinig nu`ng bading.

"Kaya `yung bading, natakot at nanginig sa nerbyos.

"Actually, pinaringgan ko lang talaga siya para malaman niya na hindi maganda ang ginagawa niya," kuwento ni Polo.

Kasama nga pala ni Polo sa hotel na `yon ang manager niyang si Manny Valera. May meeting daw sila noon.

At napansin din ni Manny na sa pagbabalik ni Polo mula sa rest room ay mainit ang ulo nito. At `yun pala ang dahilan.

Well, iba naman ang pananaw ng manager ni Polo sa nangyari sa rest room kay Polo. Sa halip na mapikon o uminit ang ulo, dapat daw ay maging proud pa si Polo na may nagkakainteres na mga bading sa kanya, dahil ang ibig lang daw sabihin noon ay guwapo talaga siya at kaakit-akit sa mga bading. Dahil doon, natawa lang si Polo.

Teka lang, hindi kami sigurado kung nasilip ng bading ang alaga ni Polo, ha! Nakalimutan din kasi niya itong sabihin sa amin.

Siyanga pala, kasama si Polo sa bagong serye ng GMA-7, ang "La Vendetta".

***

Kuwento ni Luis Alandy, tuluyan na raw natigil ang syuting nila ng pelikulang Dagaw, na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez, para sa GMA Films.

Ang madalas na pag-ulan noong Setyembre sa Surigao ang dahilan. Eh, hindi raw sila puwedeng lumipat ng ibang lugar, dahil ang Surigao raw ang bagay na lugar para sa pelikula.

Ang naging problema pa, ngayong Oktubre raw ay hindi na puwedeng magsyuting si Direk Chito Roño, dahil nakatuon na ang atensiyon nito sa pelikula ni Sharon Cuneta sa Star Cinema, ang "Caregivers".

At ang bida rin ng Dagaw na si Richard ay busy na rin ngayon sa bago niyang serye sa GMA-7, ang "Kamandag".

Ang iba pa nilang kasama sa pelikula na tulad ni Paolo Bediones ay busy na rin sa bagong game show na "Whammy: Push Your Luck!" at si Marvin Agustin ay kasali na sa "Marimar".

Sa kaso ni Luis, nagpapasalamat siya at napasok naman siya sa bagong serye ng GMA, ang La Vendetta. Kung wala raw ang La Vendetta, malamang na tambay siya ngayon.

Sabi nga ni Luis, hindi siya nagkamali na pumirma ng exclusive contract sa Siyete, dahil hindi siya pinababayaan nito.

Manliligaw nga pala ni Jean Garcia ang papel ni Luis sa "La Vendetta", na kung saan ay bida rin sina Sunshine Dizon at Jennylyn Mercado, mula sa direksiyon nina Gil Tejada at Lore Reyes.

Source: Abante