|
|
| Pops Fernandez speaks up on rumors linking her to the Hayden Kho video scandal![]() Author: Julie Bonifacio Nilayasan na ng Concert Queen na si Pops Fernandez from Belo Medical Group at endorser na siya ngayon ng Calayan Surgicenter. Nagdududa ang iba na may kinalaman ang pagkakadawit ni Pops sa sex video scandal ni Hayden Kho na boyfriend ni Dra. Vicki Belo kaya siya lumipat kay Dr. Manny Calayan. ' Hindi naman,' bungad ni Pops. ' Wala lang. We felt na it was time to move on. Maganda naman ang paghihiwalay namin and until now we're still friends. Actually, matagal na kaming nag-pirmahan ni Dr. Calayan but because madami din siyang artists na ni-launch siguro, na meron silang plano ,so,inuna niya muna yung pag-launch ng iba niyang artists." Magkakaroon din ba siya ng sexy billboard sa Calayan tulad ng ginawa niya sa MIkaela kung saan may kasama siyang ahas na malaki? "Actually, hindi ko pa alam, pero alam mo, a sexy pose or a sexy shot really depends on the way it's taken. Sa pag-e-emote, siyempre sa projection, I believe that lalo kami, sa skin naman kami. I don't mind the sexy billboards if it's done in a very classy way." Wala naman daw problema sa Mikaela kung ini-endorse niya rin ang Calayan. Sa skin naman daw kasi ang ini-endorse niya sa Calayan at slimming naman sa Mikaela. Kailangan pa ba niyang magpa-slim? 'Nagkalaman na nga ako, eh. There was a time siguro sa sobrang work tapos stress, personal life stress. Ako rin, nu'ng napanood ko 'yung sarili ko sa isang interview, sabi ko, 'Shucks parang ang liit-liit na ng face ko!' Hindi din ako nagandahan, so tamang-tama nag-tour kami sa States, kumain ako nang kumain para magkalaman ' yung face ko." Binigay naman ni Pops ang kanyang pahayag sa pagkakadawit niya sa Hayden Kho sex video scandal. 'That's so not true, oh my god! Unang-una hindi ko masyadong kakilala si Hayden. Nakikita ko lang siya kapag may mga events and all but I don't really know him.' Ano ang reaction niya nu'ng malaman niya ang isyu sa pagkakadawit niya kay Hayden? 'Natawa ako! Nasa States ako, nanonood ako ng movie. May nag-text sa akin. Sabi ko paanong nangyari 'yun? Ano 'yun, magic? Hindi totoo 'yun." Umabot ba siya sa point na gusto niyang isampa sa korte ang usapin? ' Siyempre kung na-affect ako and na-affect siguro 'yung work ko. Right now alam ko namang hindi totoo, unless someone claims or whatever. It's sobrang not true." Bilang babae, flattering ba sa kanya na interesado ang mga tao na mapanood siya sa isang sex video? 'No, it's not,' malumanay na sagot ni Pops. 'When I first heard about the issue naawa ako dun sa mga kababaihan, kasi what they do in their own time is really none of our business. It's something that I think is very private and I think very personal. Let's face it, when it comes to women it's really double standard sa Pilipinas so parating kawawa 'yung mga babae. As a woman naawa siyempre ako." Isa pa'ng isyu ay ang pagde-deadmahan daw nila ng ex-boyfriend niyang si Jomari Yllana sa wake ni Douglas Quijano. Mabilis tuloy ang espekulasyon na all's still not well between them ni Jom. ' Siguro because we're still in an uncomfortable stage. Not for anything else, I mean kakatapos ninyo lang mag-break, so siyempre merong sort of uncomfortable feeling. But of course, I'm not closing our doors. Someday, maybe we can be friends again. Siyempre lahat naman nagiging friends, di ba?" tapos ng Concert Queen. Source: ABS-CBN Interactive |