Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pops, inggit kay Ruffa dahil kay John Lloyd?

Pops, inggit kay Ruffa dahil kay John Lloyd?

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

REUNITED muli ang dating mag-asawang sina Pops Fernandez at Martin Nievera sa concert nila sa Clark Expo Field sa Pampanga sa August 1. This time nga lang, hindi na si Jomari Yllana ang producer unlike nu'ng nakaraang pre-Valentine concert nila sa Araneta Coliseum.

“Ay, hindi na siya. Hindi ko nga alam kung sino ang producer. At least, bagung-bago ang title. Martin & Pops Live 2009! Ha! Ha! Ha!” pabirong sabi ni Pops nang makausap namin after ng taping niya sa Are You The Next Big Star?

Nagmamadali nga si Pops nang makausap namin pero nagawa pa rin niyang sagutin ang tanong namin na hindi ba siya naiinggit sa kaibigang si Ruffa Gutierrez na meron nang John Lloyd Cruz sa buhay?

“Naku, been there, been that! Na-experience ko na 'yon! I want to be single for the rest of my life Ha! Ha! Ha!” pahayag ng Concert Queen.

Bukod sa GMA show, ang album na Hope ang pinagkakaabalahan niyang i-promote. Pagda­ting sa movie, waiting lang muna siya sa sasabihin ng manager niyang si Arnold Vegafria.
***

Dalawang finalist­s ang muling sisibakin this Saturday sa Are You The Next Big Star?

Napanood na namin ang episode na 'yon na talaga namang puno ng luha't iyakan, huh!

Maging ang hosts na sina Regine Velasquez at Keem­pee de Leon, napatigil sandali sa hosting dahil sa lakas ng hagulgol ng dalawang natanggal na finalists, huh!

Eh ang nakakaloka, nang umeksit 'yung nasibak, aba, 'yung mga natirang finalists na nasa stage, na-carried away sa hagulgol ng dalawang kasama!

Sukat ba namang inalu-alo nila ito na parang wala sila sa taping, huh!

Hayun, nasigawan tuloy sila ng staff ng show na pinagsabihang hindi sila kasali sa natanggal kaya huwag umeksit! Laugh kami nang laugh sa nasaksihan naming 'yon sa taping! Ha! Ha! Ha!

Hindi nga lang namin puwedeng sabihin kung sino 'yung dalawang finalists na natsugi, huh! Baka i-ban kami sa ta­ping! Ha! Ha! Ha!
***

Si Bb. Joyce Bernal pala ang tulay upang magkalapit sina Dingdong Dantes at Piolo Pascual. Nagsosyo pa ang dalawa sa launching movie ni Eugene Domingo na Kimmy Dora.

Pero kung si Dingdong ay lalabas sa movie, hindi pa raw sigurado ang appearance ni Piolo. Ang sure nga lang, ang Star Cinema ang magdi-distribute ng pelikula.

Ang movie muna ang pumupuno sa sked ni Dong. Hindi pa kasi nagsisimula ang soap niya na local version ng Korea­novela na Stairway to Heaven.

Komo wala pa, hindi pa rin tiyak kung sino kina Jennlyn Mercado at Heart Evangelista ang makakapareha niya.

Source: Abante