|
|
| Pops lilinawin ang isyu kay MikaelaAuthor: Gerry Ocampo Thankful si Cristine Reyes dahil parang bles-sing sa kanya na mapiling kapalit ni Heart Evangelista sa Patient X. Hindi umano matatawaran ang takot at pagod na dinanas ng sister ni Ara Mina habang ginagawa ang horror film na joint venture ng GMA Films, Viva Films at ng RGutz Productions ni Richard Gutierrez. Bukod sa nakilala nang husto ni Cristine si Richard na naging hero niya nang ma-trap siya sa bubong ng kanilang bahay sa Provident Village sa kasagsagan ng bagyong Ondoy, nabigyan siya ulit ng isa pang project, ang Ang Darling Kong Aswang opposite Vic Sotto na entry pa sa Metro Manila Film Festival sa December. "Pakiramdam ko masuwerte ang movie na ito para sa akin. Maganda ang nangyari sa akin, kumbaga, para siguro sa akin ang Patient X kaya malaki ang pasasalamat ko sa bumubuo nito lalo na kay Richard na naging mabuting kaibigan," say ni Cristine sa interview namin sa kanya. Nilinaw din ni AA (tawag kay Cristine) ang balitang ayaw matigil-tigil na wala siyang tinulungan na mga kapitbahay niya noong bumalik siya sa kanilang binahang tahanan sa Provident Village. "Hindi naman totoo 'yun. Wala naman akong sinak-yan na Army truck. Nang bumalik ako sa aming bahay ay sasakyan ni Ate Ara (Mina) ang gamit ko. Kasama ko that time 'yung isang kapatid ko. "Sana huwag naman silang ganyan sa akin. Wala akong ginagawang masama sa mga kapitbahay namin. Saka nang bumalik ako sa Provident Village ay okey na naman ang lahat. "Although wala nang tubig pero putik-putik ang paligid. Kahit naman ako ay naglakad sa putikan," depensa pa ni AA. * * * MAY back-to-back birthday celebration sina Alfred Vargas, Rainier Castillo, Isabel Oli, Princess Violago sa SOP at darating din ang cast ng Patient X sa pa-ngunguna ni Richard Gutierrez, Cristine Reyes, Miriam Quiambao, TJ Tri-nidad at iba pa. Sa show din magaganap ang big promo ng Bandaoke nina Allan K at Jaya plus ang pagdating nina Doc Manny Calayan kasama si Pops Fernandez. Ang pagpunta kaya nina Doc Manny at Pops sa show ay para linawin na ang alitan sa pagitan nina Pops at Mikaela, na owner din ng beauty clinic? Well, isa lang 'yan sa aabangan namin sa Sunday noontime show ng GMA-7. * * * Hindi napigilan ni Allan K ang maluha sa last episode ng All Star K dahil napamahal na sa kanya ang show kaya nangako siya sa mga kasamang back-up dance girls na bibigyan ng show sa Klownz na pag-aari ng singer/TV host/comedian. Pero hindi ibig sabihin na walang bagong show si Allan dahil may kapalit itong Bandaoke Rock N Roll to Million na magsisimula na this Sunday sa GMA-7. Sila pa rin ni Jaya ang magsisilbing host ng bagong show. Ang maganda kay Allan ay nagpapakatotoo siya at alam niyang walang lalaki na puwedeng mabaliw sa tulad niyang bading. Unless marami ka raw datung para ipangtustos sa iyong papa. Pero alam ba ninyong si Wendell Ramos ang pantasya ni Allan? Ang siste, nawala ang pagnanasa niya sa hunk actor nang kunin siyang kumare. Ang type daw niya nga-yon ay si Aljur Abrenica. In fairness kay Allan K, walang masamang tinapay sa kanya at halos nagkakapareho sila ng panuntunan ni Boy Abunda kaya naman pareho din sila pinagpapala. * * * Si Dolphy nasa GMA-7 na? Magkakaroon kasi ng one-on-one interview si Arf Art kay Mang Dolphy na mapapanood sa Cool Center ngayong Sabado pag-katapos ng Imbestigador. Sa diehard fans ni Rhian Ramos ito na ang pagkaka-taon na magkaroon kayo ng damit ng young actress dahil ipamimigay niya ito sa unang mapalad na caller na matatawagan ng host na sina Anjo Yllana at Eugene Domingo * * * TALAGANG walang tatalo pa sa Bubble Gang pagdating sa pagpapatawa tuwing Biyernes ng gabi. At dahil 14 anniversary ng BG, tatlong nakakata-wang pelikulang pantelebisyon ang mapapanood this Friday at may Part 2 next Friday. Makikigulo rin sa BG anniversary ang dating BG barkada na sina Assunta de Rossi, Gelli de Belen, Janice de Belen, Ara Mina at marami pang iba na lahat ay proud na nakasama sa no. 1 gag show sa telebisyon. Magiging host sa isang "funny" at "kinky" interview ng 14 Going Steady si Paolo Bediones kasama ang BG cast na pinangunguna-han nina Ogie Alcasid, Michael V, Wendell Ramos, Antonio Aquitania, Rufa Mae Quinto, Francine Prieto at Maureen Larrazabal. Source: Taliba |