Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Popular star, ipit sa bangayan ng popular producer at talent manager

Author: Nel Alejandrino
Column: Tattle

Naku, Ian F. , dapat ma-resolve ang 'di pagkakaunawaang namamagitan sa isang popular producer at sa talent manager ng equally popular star.

Aba, baka mauwi ang 'di pagkakaunawaang ito, kung hindi man sa demandahan, sa pagpi-freeze ng kontrata ng star in question.

Kapag nagkataon, Ian F. , may ideya na tayo who will emerge the loser sa labanang ito.

* * *

HINDI pa rin pala nanganganak si Mylene Dizon. Yes, tulad ni Vina Morales, who also announced she's giving birth second week of April.

May 1 pa raw ang alis ni Paolo Paraiso, daddy ng second baby ni Mylene, dahil May 2 o 3 pa expected manganak ang aktres, pagbabalita ng talent manager niyang si June Rufino.

As previously announced, sa Chicago, USA manganganak si Mylene. Doon din niya ipinanganak ang panganay nila ni Paolo na si Tomas Miguel, now nearly three years old.

Lahat daw kasi ng family ni Mylene, her mom and siblings, live there.

Mga one year din after giving birth mamimirmihan si Mylene sa Chicago tulad ng ginawa niya when she gave birth to Tomas Miguel.

"Awa naman ng Diyos," ani June. "Nagkaroon agad siya ng assignment, both sa TV at pelikula, nang dumating siya.

"Sana pagbalik niya this time, ganundin ang mangyari. "

Mylene was with Tayong Dalawa when she left for Chicago mid-March.

Actually, the staff had to 'kill' her role bilang ina nina Kim Chiu at Jiro Manio. Supposedly, binawian siya ng buhay after maipanganak ang bunsong anak.

* * *

CHOICE raw nina Mylene at Paolo why they have not gotten married kahit pa dalawa na ang anak nila, ani June.

Ang alam daw niya, aksidente ang pagbubuntis ni Mylene dahil nangyari ang 'milagro' ng isang beses lang at diumano'y quickie pa.

Kung sabagay, if it's meant to be, nangyayari, aksidente man o hindi.

Ang alam namin, may ibang girlfriend na si Paolo ngayon. In Mylene's case, okay lang sa kanya na 'di sila kasal ni Paolo.

Eh, ayun naman pala, 'di walang problema.

* * *

Habang lumalala ang tensiyong nililikha ng series na Tayong Dalawa sa ABS-CBN, lalo pa nga at lumabas ang katotohanan na kambal pala sina JR (Gerald Anderson) at Dave (Jake Cuenca) at ang nanay nila ay si Marlene (Cherry Pie Picache), lalo ring tumitindi ang comparison kung sino kina Gerald at Jake ang better actor.

After all, there's no doubt na more challenging ang role ni Jake, considering na supposedly ay nabihag siya ng mga rebelde, nagkaroon ng nervous breakdown, nabigo sa pag-ibig at, higit sa lahat, natuklasan ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao.

Happily for Jake, he delivers. This is not to say, though, na 'napag-iwanan' niya si Gerald who, in his own way, is making his mark din sa series.

Walang duda na malaking tulong ang presence ng beterana at award-winning senior stars para ma-improve ang acting nina Jake at Gerald.

Agaw-eksena rin si Kim sa kanyang role na torn between the love of two brothers.

Pero, higit na napapansin ang kanyang improved acting kapag kaeksena na niya si Spanky Manikan, ang kanyang ama, who hates her to the bone dahil siya raw ang panganay and as a Chinese, he would have wanted a son for his first-born.

"Naku," sabi nga ni Dolor Guevarra, talent manager at avid viewer ng Tayong Dalawa, "nawiwindang ang dibdib ko tuwing binibigwasan siya ng sampal ni Spanky. Aba, parang totoong-totoo. "

Totoo bang hanggang July pa ang Tayong Dalawa sa ere? Kailangan pa raw kasing makapaghiganti ni Marlene (Cherry Pie) kay Ingrid (Agot Isidro)?

Source: People's Tonight