|
|
| Precious Adona mahilig mangolekta ng underwearAuthor: Lito Mañago KUNG pinag-usapan si Precious Adona sa ginawa niyang super-daring na posing sa FHM Magazine (May issue), tiyak na pag-uusapan din siya sa first bold flick niyang Torotot (Destierro) kung saan walang takot din siyang nagtanggal ng saplot sa ilang eksena sa naturang pelikula. Maganda ang rebyu ng akting ni Precious sa Torotot at kahit sabihing first movie lang niya ito, hindi naman siya nagpahuli ng galing sa pag-arte sa iba pang stars ng pelikula katulad nina Baron Geisler, Yul Servo, Anton Bernardo, Andrew Schimmer at Maui Taylor. Months ago at bago ang ipinatawag na presscon ng Viva Films sa Steak Plus sa Timog, nagkaroon na kami ng pagkakataong ma-interbyu si Precious sa fitness gym sa West Avenue. Sa aming pag-uusap, nabanggit niyang ayaw talaga niya ng breast exposure at sexy image. Pero kung hindi raw talaga maiiwasan, handa rin naman siyang gawin ito lalo na't kailangan sa istorya. Maliban sa breast exposure, nagkaroon din siya ng mainit na eksena kina Yul at Anton. Hindi rin naman daw siya nagulat nang gawin niya ito dahil sa storycon pa lang, alam na raw niyang magkakaroon siya ng ganitong klase ng eksena. Respeto na rin daw sa direktor nilang si Maryo J. de los Reyes ang isa sa mga dahilan kung bakit puma-yag ang baguhang sexy star na magkaroon ng breast exposure at bed scenes sa Torotot (Destierro) ng Viva Films. "Nu'ng nalaman kong si Direk Maryo ang magiging direktor ng movie, sabi ko, go. Wala nang tanung-tanong pa. At saka, alam ko namang hindi lalabas na malaswa ang eksena namin kaya pumayag ako. Alam kong aalagaan kami ni direk Maryo," kuwento ng sexy actress. Sa pelikula, nagawa niyang pagtaksilan ang kanyang asawa sa pagpatol sa isang lalaking may asawa rin. Nakahiligan din niyang kolektahin ang underwear ng lalaking naka-kaseks niya. Torotot (Destierro) is scheduled to be shown on Aug. 20 at R-13 ang ibinigay na rating ng MTRCB sa pelikula. Pumasa rin ito sa panlasa ng SM Malls kaya expected itong mapapanood sa lahat ng SM Cinema nationwide. Ngayong Sabado (Aug. 9) dadayo ang Torotot sa UP Film Institute at mapapanood ang director's cut ng pelikula. * * * MATINEE idol Dingdong Dantes is the latest addition sa lumalaking pamilya ng Belo Medical Group. Sa grand launching ni Dingdong as the newest endorser (which also coincided with his birthday celebration), itinodo na ng Belo ang pagpapakilala sa kanilang Agent 007 sa isang magarbong presentasyon ala-James Bond. At bakit nga ba si Dingdong? "Para siyang James Bond na guwapo, charming, debonaire, maabilidad and napaka-intelehente. So sabi namin, perfect endorser. Ang Belo na-man kumukuha lang 'yung pinaka-guwapo, pinaka-sexy at pinaka-magaling na endor-sers," kuwento ni Vicki Belo bago magsimula ang show para sa pagwe-welcome kay Dingdong. Marami ang nagsasa-bing sobrang engrande o espesyal ang pagpapakilala kay Dingdong bilang endorser. Ganu'n ba raw ka-special si Dingdong sa Belo? "Special siya dahil-- baka magselos ang ibang endor-sers--birthday talaga ni Dingdong ngayon. So, ang ginawa namin, isinabay na lang namin ang birthday niya at saka launching," paliwa-nag pa ng sikat na doctor of the stars. Pero may mga nagseselos na raw, sundot na ta-nong pa ng isang TV repor-ter kay Dra. Belo. "Ang daming nagseselos," ani Vicki. "Ang hirap ng buhay ko. Si Hayden (Kho, her boyfriend) na lang ang hindi nagseselos," at si-nabayan nito ng tawa. "Perfect naman ang launching ni Dingdong kasi birthday nga niya. So I want naman to make it special for him. But normally naman, if you've been to our other presscon, ano lang naman, normal lang," paliwanag pa niya. Mahigit dalawang taon na ring regular customer si Dingdong ng Be-lo Medical Group before he decided to accept the offer as Belo Shape endor-ser. By the way, Belo Shape is a special and unique combination of treatments to tighten skin and remove fat na hindi sumasailalim sa surgical procedure. "I've been with Belo for more than two years. Mula sa mga tagyawat ko, in fact, nag-babayad pa nga ako rati," ku-wento ng bidang lalaki ng Dyesebel ng GMA-7. * * * For comments, email us at whalesharkph@gmail. com Source: Taliba |