Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Precious Lara, Kapuso actor ang steady date

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

HINDI ikinaila ni Marco Alcaraz na steady date niya ngayon si Precious Lara Quigaman.

Palusot ni Marco kaya idini-date si Precious Lara ay gusto niyang makalimot agad ang dating beauty queen sa ex-BF.

Hindi rin ikinaila ni Marco na nililigawan niya si Precious at wala siyang ibang nililigawan.

Sa presscon ng Rosa-linda, kung saan lalabas si Marco bilang suitor ni So-lidad, ang ina ni Rosalinda na may edad na.

Kahit magkaiba sila ng network ni Precious Lara, na co-host sa Wowowee ni Willie Revillame, ay hindi ito hadlang kay Marco.

Nang tanungin namin ang isyu tungkol kina Precious Lara at Willie ay natawa lang ito.

Giit niya ay hindi raw totoo na si Precious Lara at Willie na.

Samantala, mapapanood na ngayong Lunes ang Rosalinda, pagkatapos ng Zorro, na pinagbibidahan nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann.

Ang Rosalinda ay sa direksiyon ni Direk Maryo J. delos Reyes, na director din ng successful afternoon soap noon nina Aljur Abrenica at Kris Bernal .

* * *

SIMULA ng taping ni Eugene Domingo ngayong Monday sa Adik Sa 'Yo bilang ang nawawalang mother ni Jolina Magda-ngal.

Tiyak na riot ang mga eksena rito ni Eugene.

Pareho silang kuwelang mag-ina kaya hataw ang dalawa sa pagpapatawa.

Mabubuntis ni Joey Marquez si Eugene sa istor-ya na ang naging bunga ay ang role ni Jolens.

* * *

PUMAPASOK na sa second season ang Hole in the Wall nina Ogie Alcasid at Michael V.

Sa bagong timeslot na mas maaga ay sobra ang alagwa nito sa ratings game sa kalabang programa.

Sa bagong season, mas nakakasabik panoorin dahil mga artista at local TV audience ang maglalaban.

Kasama sa Monday episode sina Paolo Contis, Maxene Magalona, Saab Magalona, Carlo Aquino, Kaye Alipio, Ariana Barouk.

* * *

TULUYAN nang namaalam ang dalawang nasa bottom list ng Are You The Next Big Star.

Sina Rachel Cabreza at Justin Francis ang natanggal last Saturday.

Si Rachel ay tubong-Cebu City, samantalang si Justin ay balikbayan from San Francisco, California.

Kahit parehong maga-ling kumanta ang dalawa, ang hinahanap ng show ay total performer, kayang punuin ang Araneta Coliseum at bebenta ang album.

Kaya naman ang mga umakyat sa next level ay hindi lamang magagaling kumanta kungdi tipong artista na rin.

* * *

NGAYONG Lunes, mapapabilib kayo sa Ripley's Believe It Or Not!

Kaya samahan si Chris Tiu sa Monday episode ng Ripley's Believe It Or Not pagkatapos ng Cruel Love.

Source: Taliba