|
|
| Precious Lara natsugi sa WowoweeAuthor: Chan-Chan Torres Kahit anong iwas ni Sha-ron Cuneta na hindi na pag-usapan si Gabby Conccepcion, still hindi pa rin naiwa-san na mabanggit ang panga-lan ng aktor sa presscon ng Caregiver (showing na sa May 28). Kahit sa panayam ng ilang mga kasamahan sa pa-nulat tungkol kay Gabby pa rin ang topic. Parang anino na yata ng Megastar si Gabby na ka-hit anong gawing pag-iwas ay tila mahirap itong takasan, huh. Pero naging polite naman si Sharon sa pagsagot ng mga tanong tungkol sa ka-nila ng dating minamahal. Hanggang ngayon, kinu-kulit pa rin si Mega tungkol sa posibilidad na pagsasama nila ni Gabby sa pelikula, pero agad na niya itong tinuldukan. Aniya, natutuwa siya na naroon pa rin ang clamor ng tao sa kanila na gumawa ng pelikula, pero ayaw niyang salingin ang damdamin ng kasalukuyang mga mahal ni-ya sa buhay. "No more Gabby questions na rin hangga't maaari kasi nakakahiya na sa wife niya at sa asawa ko (Senador Kiko Pangilinan)," pakiusap ni Sharon sa panayam ng press sa kanya. Isang bagay na nilinaw ng aktres ay ang posibleng pagsasama nina Gabby at ng anak nilang si KC Concepcion in one project someday. Wala naman aniyang magiging problema, kasi tatay naman daw ito ni KC. In fairness, ito naman ang hinahangaan namin kay Sharon, kasi never ni-yang dini-discourage na ma-ging maayos ang relasyon ni-na KC at Gabby kahit sabihin pang matibay ang pundasyon at pagmamahal na ibinibigay ni Senador Kiko sa dalaga. Hindi katakataka kung bakit lumaking may well-rounded personality si KC. Isang bagay pa na excited si Sharon ay ang paggawa ni-la ng proyekto rin ni KC someday. Yes, hoping din siyempre si Mega na makasama ang magandang anak sa isang project. "But that (movie or TV show) will come maybe after KC finishes three movies pa. " Hmmn, mabilis lang ang pagtakbo ng oras nga-yon kaya bago natin mamalayan, sina KC at Sharon na pala ang ating pinapanood sa isang pelikula to TV show. Bongga 'yan! * * * Limang buwan na pala ang ipinagbubuntis ni Jennylyn Mercado, at going on her sixth month na ang aktres. Napanood namin sa Startalk ang ilan sa baby showers na inihanda para kay Jen. She looked every inch a dashing mom at hindi mai-pagkakailang exci-ted na siya sa paglabas ng kanyang anak. Baby boy daw ang nasa sinapupunan ni-ya at sabi ni Jen, may listahan na siya ng mga ninong at ninang para rito. Pero wala pa siyang napipiling name for the baby. Nabanggit din ni Jen na sobrang overwhelmed siya sa mga tumutulong ngayon sa kanila ng magiging anak. Kaya ba kaya ni-yang tiisin si Patrick Garcia na ama ng kanyang baby? Agad namang sinabi ni Jen na marami na raw nangyari kung kaya't hindi naman ganoon kadali para sa kanya ang maging chummy muli sa aktor. Well, ayaw naming husgahan ang kuwento nina Patrick at Jen dahil at the end of the day silang dalawa lang ang siyang nakaa-alam kung ano ang totoo. * * * Naghahanda na kami papuntang Lingayen, Panga-sinan nang iparating sa amin na kanselado ang live show ng Wowowee nitong Sabado. Nakawiwindang talaga ang bagyong Cosme at Dindo. Nagsanib-puwersa pa ang mga ito. Ibinalita na rin na signal no. 3 na at that time sa Pangasinan kung kaya't balik na lang sa studio ng ABS-CBN ang live show ng Wowowee. Nagbigay na rin ng paumanhin si Willie Revillame sa lahat ng mga taga-Pangasinan at Northern Luzon na nag-aabang sa kanila. Nalaman din namin na pupunta pa rin ang Wowowee sa Northern Luzon para mag-handog ng show doon. Wait na lang tayo till further notice. May ilan din nagtatanong tungkol kay Lara Quigaman. Wala na siya sa Wowowee, pero wala pa rin siyang kapalit. Okey lang, dahil kering-keri naman ito ng co-hosts ni Papi na sina Pokwang, Valerie Concepcion, Mariel at RR. Hindi nga namin namalayan na wala na si Lara sa show, eh! Source: Taliba |