|
|
| Premiere night ng 'Love Me Again' muntik ipatigil ng SMAuthor: Vinia Vivar Hindi man kami nakarating sa red carpet premiere night ng Love Me Again starring Piolo Pascual and Angel Locsin na ginanap sa Megamall last Wednesday (Jan. 14) ay katakut-takot na text messages naman ang natanggap namin informing us kung gaano ka-successful ang event. Ayon sa text message ni Becky Aguila (Angel's manager) at Mico del Rosario ng Star Cinema, sobrang jampacked daw ang Cinema 10 kung saan idinaos ang premiere at ang SM management na raw mismo ang nag-decide na patigilin na ang pagpapasok ng tao sa sinehan dahil overflowing na raw talaga ang crowd. In full force raw na dumating ang mga fans ni Piolo at Angel bukod pa sa mga Kapamilya stars na sumuporta sa movie tulad nina Mariel Rodriguez, Yeng Constantino, Erik Santos, Christian Bautista, Mark Bautista, Joross Gamboa, Valerie Concepcion, Pokwang at ang magkapatid na sina Kristine and Kathleen Hermosa. Maging ang mga Kapamilya directors na sina Cathy Garcia-Molina, Olivia Lamasan, Joyce Bernal, Wenn Deramas at Don Cuaresma ay nagpakita rin ng suporta sa pelikulang idinirihe ni Rory Quintos. Also seen in the audience are cowboys who are also part of the movie na dumating pa raw mula sa Bukidnon via Star Cinema's invitation. Sa nasabing lugar kinunan ang malaking bahagi ng movie. Kahapon ay nagsimula na ang regular showing ng Love Me Again at ayon sa natanggap naming text message as we beat the deadline ay super-lakas daw sa takilya ng movie. After the regular showing ay magkakaroon din ng international screenings ang Love Me Again. The schedule are as follows: Jan 23-29, Parkway Plaza Stadium 12 in Seattle, Regal Village Square Stadium in Las Vegas, UA Horton Plaza in San Diego, Regal Dole Cannert Stadium 18 in Honolulu and Micronesia Mall in Guam; Jan. 29 to 31: Grand Cine Center in Qatar and Seef Cineplex in Bahrain; Feb. 5-7, Grand Cine City in Dubai and Grand Megamall in Shar-jah; Feb. 6-12, Pick-wick Theatre in Chicago; Feb. 12-13, Cinescape Marina Mall in Kuwait; and Feb 12-14, Grand Al Mariah in Abu Dhabi. * * * Kahit mahihirap ang mga tanong kay Pops Fernan-dez sa Tough 10 segment ng The Buzz last Sunday, in fairness to her ay nasagot naman niya with flying colors. In fact, pinag-uusapan nga ito hanggang ngayon sa umpukan ng press. She was very honest to say "yes" nang itanong sa kanya kung may natitira pa siyang sama ng loob kay Katrina Ojeda whom we all know ay pinaniniwalaang naging dahilan ng paghihiwalay nilang dalawa ni Martin Nievera. Tinanong din siya kung babalikan ang nakaraan ay ano sa tingin niya ang puwedeng makapagsalba ng marriage nila ni Martin and she said, "siguro kung nalaman ko talaga na wala na sila ni Katrina". Tinanong siya kung pumapasok ba sa isip niya n asana, mag-propose sa kanya ng kasal si Jomari Yllana at say niya, "Actually, scared ako but I also don't mind if he asks me" Dagdag pa ni Pops, sana raw ay hindi pa pero kung type naman daw ni Jom, why not? Tungkol pa rin sa relasyon niya with Jom, ani Pops ay ay natutuwa siya sa pagiging patient ng aktor sa kanya. "Believe it or not, mas patient siya kesa sa akin. So, I wanna take it as far as we can and really enjoy the relationship. Because right now, I think we're doing fine. " Pagkatapos ng sampung tanong ay tinanong siya ni Ruffa Gutierrez kung bakit teary-eyed at say naman ng Concert Queen, "kasi, nakaka-stress ang mga questions n'yo". Source: People's Tonight |