|
|
| Pre-nuptial agreement, 'di uso kina Claudine Barretto at Raymart Santiago![]() Author: Dondon Sermino HANGGANG Nobyembre na lang magtatrabaho si Claudine Barretto, dahil kailangan na niyang paghandaan ang nalalapit na kasal nila ni Raymart Santiago sa susunod na taon. "Hopefully the whole of December, wala na sana akong trabaho. Para maging maganda naman ako sa kasal namin. Ayoko naman magmukhang ano, `yung parang kagagasling ko lang sa taping, huwag naman. "Pangit naman `yung parang napadaan lang ako sa kasal ko, `di ba? Gusto ko, handang-handa talaga ako," bungad na sabi ni Claudine. Sabi ni Claudine, ngayon pa lang ay pinapraktis na niya ang pagsusulat ng pangalan na Mrs. Claudine Barretto Santiado. "Pina-practice ko na nga, eh. Pag umu-order ako ng food for delivery, ginagamit ko talaga ang Mrs. Santiago. Natatawa nga ako, eh." May pagbabago bang magaganap sa sandaling maging Mrs. Santiago na siya? "I don�t know? Pero, magiging active pa rin ako sa showbiz. "But if I get pregnant right away, magla-lie low na lang ako. Pero, wala pa akong plans. Hopefully pag 3 years old na si Sabina (adopted nila ni Raymart). Eh, magwa-one year pa lang si Sabina. "Kung time na talaga na magkaanak na ako, good. Pero kung hindi pa, okey rin lang," sabi pa rin ni Claudine. Ilang anak pa ba ang gusto nila ni Raymart? "Dalawa na lang. Sana boy and girl, `di ba? Huwag namang twins agad, dahil baka hindi ko kaya," nakangiting say pa rin niya. Napag-usapan na raw nila ni Raymart na magtatrabaho pa rin siya, kahit mag-asawa na sila. Sumang-ayon daw si Raymart sa puntong ito, dahil alam nitong mahal niya ang trabaho niya. "I still wanna work. Siguro, pa-soap-soap muna, or kung movie, movie lang muna. But definitely, hindi puwedeng sabay `yon, na pareho kong ginagawa na magkasabay. "Dapat alam ko kung ano ang priorities ko. Hindi puwede `yung puro work lang nang work. "Kaya ngayon, sige lang, trabaho lang nang trabaho, kasi wala pa naman." Sa pananalita ni Claudine, mararamdaman mo na desidido talaga siya na maging tunay na misis ni Raymart. "Yes talaga. Ang gusto ko talaga, every single details, ako ang mag-aasikaso." Pero, parang wala namang alam si Claudine sa pag-aasikaso sa loob ng bahay? "Ay naku, masa-shock kayo. We grew up sa isang bahay na hindi kami parang mga senyorita na utos nang utos sa mga yaya. Although, may yaya kami, kami ang nag-aasikaso sa sarili namin. "In my case, may yaya ako �til I was 16. Pero, natuto talaga ako sa mga trabaho sa bahay," katuwiran ni Claudine. Pero, kung si Claudine lang ang masusunod, at kung hindi talaga siya naging artista, ang pagiging misis at ina sa kanyang magiging mga anak ang gusto niyang gampanan sa hinaharap. "Gusto ko talagang maging fulltime wife and mother. Pero, my parents kasi also thought me, na iba raw kasi `yung may sarili kang ipon, o may sarili kang pera. "Not for anything, pero hindi `yon, okey, pakakasal ako, pero pag iniwan ako ng asawa ko, dapat may sarili akong pera. Hindi ganu`n ang thinking ko. "Ang sa akin lang, kapag sanay ka na kasing nagtatrabaho ka, tapos bigla kang hindi nagtrabaho at umasa ka lang, parang `yung ego mo, medyo natatapakan. "Siguro ang artista talaga, egoistic, eh. Ma-pride talaga ang mga artista, kahit lalake pa o babae. Sa case ko, kailangan talaga nagtatrabaho ako. Siguro, puwera na lang kung maraming-marami na akong ipon. "Pero, sa amin kasi ni Raymart, ang money ko, money ko raw, ang money niya, money naming dalawa. Ha! Ha! Ha! Ha! "Dapat lang namang ganu`n, `di ba? Siyempre, ako ang magba-budget sa amin, kaya ako ang hahawak ng money niya." Ikinuwento nga ni Claudine na ngayon pa lang ay nagbaba-budget na siya ng mga kailangan nila ni Raymart sa bahay. Ibinibigay raw ni Raymart sa kanya ang pera para siya na ang mamahala sa mga kailangan nila. "�Yung mga pang-grocery, siya ang nagbibigay. `Yung para sa mga milk or needs ni Sabina, siya ang nagbibigay." Ibinigay na ba ni Raymart sa kanya ang buong isang buwan na suweldo nito? "Oo! Mas malaki `yung talent fee niya sa talent fee ko. Nakakainis nga, eh. Nagsi-sitcom lang siya, tapos mas malaki ang suweldo niya! Ha! Ha! Ha! Ha! "Pero sa totoo lang, enjoy na enjoy ako sa ganu�n, `yung nagba-budget ako. Natutuwa ako pag inaabot niya sa akin `yung money para sa pang-grocery. "Pero iniisip ko, paano kaya kung wala akong trabaho, tapos aabutan ako ng pera, baka maiyak ako. Baka maawa ako sa sarili ko. Ewan ko, siguro sanay lang ako na may money rin ako na kinikita ko. "Siguro sa ngayon, cute `yung dating, kasi may work ako. Pero, baka pag wala akong work, magsi-self pity ako. "Eh, lagi ko siyang niloloko, na dapat bibigyan niya kami ng pang-shopping ni mama (mother ni Raymart)," nakangiting kuwento pa rin ni Claudine. Siyanga pala, ipinagdiinan ni Claudine na walang pirmahan na magaganap sa kanila ni Raymart tungkol sa pre-nuptial agreement. Eh, usung-uso kasi ito sa mga artistang ikinakasal, �di ba? "Walang ganu`n sa amin. We�re Christians, eh. So, we really have to have joint accounts. Walang pre-nuptial agreement sa amin," klarong sambit ni Claudine. *** Pero bago ang kasal ni Claudine kay Raymart, ang teleserye na Ikaw Ang Lahat Sa Akin sa ABS-CBN ang uubos ng panahon ng dalaga. Para kay Claudine, bagung-bago ang teleserye na ito, dahil sa kakaibang pagdaraanan ng karakter niya. "Bago talaga, dahil naisip ko, sa rami ng pinagdadaanan ng character ko, parang okey lang sa kanya ang lahat. I mean, pinapasa-Diyos na lang niya lahat. "May mga questions akong ganu`n sa sarili ko habang ginagawa ko `to. Pero, marami talagang tao na ganu`n, na kahit ano ang mangyari, pinagdarasal na lang talaga lahat. "Sabi ko nga, sinubukan kong ikumpara sa mga soap opera na nagawa ko na, wala talaga, eh. Ibang-iba. "Like hindi ito `yung parang api-apihan talaga ako. Hindi ito `yung pinaiiyak ako palagi. Medyo perky and bubbly ang character ko rito," kuwento pa rin ni Claudine. Masaya si Claudine na si Diether Ocampo ang kasama niya sa Ikaw Ang Lahat Sa Akin. Sanay na sanay na siya sa piling ni Diether dahil paulit-ulit na silang nagsama sa teleserye. "May chemistry na kasi kami. We have a very good rapport. Everybody knows naman na si Diet ang best friend ko sa mga lalake sa showbiz. So, hindi na mawawala `yung chemistry namin. "The only changes lang ay `yung mas magiging mature na kami on screen. Kasama na kasi namin ang mga bata, sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, sila ang mga bagong generation ng teleserye, `di ba?" Baka hindi na kagatin ng mga fans nila ni Diether ang pagsasama nila dahil alam na ng lahat na ikakasal na siya kay Raymart. "I hope and pray na sana it wont be naman na maging problema. Darating naman talaga sa stage na ganu`n, eh. Magtu-26 na ako sa July 20, kaya tama lang na maiba naman, `di ba? "Parang ang bilis ng panahon. Grabe, 26 na pala ako. "So, okey lang na `yung kilig factor, mapunta na kina Bea at John Lloyd," nakangiting lahad pa ni Claudine. Siyanga pala, sa isang sulok ng Intramuros nagti-tape ang grupo ni Claudine. At sa sobrang init ng panahon, nakakainggit na makita si Claudine na masaya pa rin at parang hindi napapagod at hindi pumapangit. Source: Abante |