|
|
| Presence ni Kiko, ramdam na ramdam ni Maxene![]() Author: Jun Nardo HUMARAP na si Maxene Magalona sa trabaho ilang araw matapos ang libing ng father niyang si Francis Magalona. Last Tuesday siya nag-taping ng bagong series na SRO Cinemaserye. Pero naisingit pa rin ni Max ang pagpunta sa Malacañang upang tanggapin ang Medal of Merit na iniabot sa kanyang mother na si Pia Magalona ni President Gloria Macapagal-Arroyo kung saan naiyak siya sa okasyong 'yon. “It's such an honor na binigyan ang father ko ng medal of merit. Naiyak ako kasi parang 'yung emotions ko that time, hindi ko ma-describe. Kasi, very overwhelming and at the same time, touching. Parang feeling ko, tuwang-tuwa si Papa. Parang na-feel ko siya that time! Nang makita ko ang medal, sabi ko, 'Oh, my God! Natutuwa si Papa ngayon!' Parang na-feel ko ang presence niya. Kung paano siya tuwang-tuwa as a humble person that he was! Anyone na makatanggap ng ganoon, sobrang tuwang-tuwa and for him na down to earth. “Siya kasi, he never know kung gaano siya kahalaga! For him to receive like that, it's such a great honor!” kuwento ni Maxene. Maraming nagbigay ng tulong sa pamilya niya nang mawala ang father niya. Pag-aaralin ni Sen. Jinggoy Estrada ang isa niyang kapatid at kukunin uli siyang leading lady ni Richard Gutierrez bilang tulong ni Annabelle Rama. “Ahh, talaga? It's nice to know na ang daming handang tumulong talaga. I already extended my thanks to Sen. Jinggoy and to ex-President Joseph Estrada. Sobrang naiyak ako nang malaman ko 'yon. Tita Malou (Choa Fagar) was with Sen. Jinggoy and she told me in front of him and I really cried. “Pinipigilan kong umiyak pero umiyak talaga ako! Si Mr. Tuviera rin I think, pag-aaralin ang kapatid kong sina Arkin at Clara. I'm not sure but alam ko, set na sila for college! Happy ako dahil ang dami palang nagmamahal kay Papa. It's because of him kaya may tumutulong sa amin. I can't believe na nakakakuha kami ng ganitong kalaking tulong. “Kay Tita Annabelle naman, kinausap niya ako tungkol doon and I'm very thankful with that! If ever, thankful ako pati na sa tumutulong at handang tumulong!” pahayag pa niya. Dahil sa pagkamatay ng Papa niya, naging malapit uli sila ng sister niyang si Saab na umuwi na raw sa bahay nila. “Umuwi na si Saab. Hayun, okey na siya sa with the family. Baby steps. At least, nakauwi na siya sa family,” say niya. Sa pagbabalik niya sa acting, meron na siyang paghuhugutan ng emosyon sa pagkawala ng father niya. Madalas kasi sabihing hirap siyang umiyak sa dramatic scenes niya. “Well yeah! Nu'ng first taping ko, nangangapa pa ako! In the days to come, doon pa ko mag-i-experiment and for sure, maiiyak na ako dahil maisip ko lang si Papa, maiiyak na ako!” katwiran ni Max. Handa na ba siya sa mas mabigat na responsibilidad niya sa pamilya? And she never really pressured me. She never really told me na, “Max, ngayong nangyari na ito, magtrabaho ka na. Hanap na tayo ng more work. Never siyang ganoon. Its coming from me na gusto kong tumulong. Ako na ang nagsasabi na I am willing to do everything I can para makatulong. Kung anuman ang tulong na kailangan ni Mom, handa akong gawin 'yon,” deklara pa niya. Gaano niya nami-miss ang dad niya? “Si Papa, ayaw rin niya 'yung parati kaming umiiyak. O hindi ako babalik sa trabaho tapos, magmumukmok! Nami-miss namin siya and at the same time, we're moving on. We will always have him in our hearts. Kahit saan man kami magpunta, alam naming na nandoon siya. “Napi-feel namin ang presence niya! We've been helping each other to cope with what's happening! I always pray at night and I know my Dad is listening!” sabi na lang ni Maxene. Source: Abante |