|
|
| Pretty young actress, may amnesia! Vilma, sanay sa tomboy!![]() Author: Jun Nardo Balewala kay Governor Vilma Santos kung magkaroon siya ng anak na bading sa totoong buhay. Sa bago niyang movie na In My Life ng Star Cinema, bading ang role ng panganay niyang anak na si Luis Manzano at lover nito si John Lloyd Cruz. “Balewala sa akin ang magkaroon ng gay son. Kung paano ang pagmamahal, pag-aalaga, respeto sa masasabi nating normal na anak at halimbawang magkaroon ako ng anak na gay, it doesn't matter! Whether gay siya o hindi, anak ko pa rin siya at sa akin siya lumabas!” paliwanag ni Governor Vilma. Hindi ba siya natatakot dahil may kabadingan ang tema ng movie nila? “Iba na rin kasi ngayon ang takbo ng isip ng kabataan o ang tinatawag nating kulturang Pinoy. Maybe because sa klase ng pag-iisip nila ngayon, it has something to do na rin sa technology. Masyado nang mabilis ang takbo ng buhay! “Ang gay ngayon dito, hindi na issue. It's part of our lives. Kung may kokontrang iba, konti na lang 'yon, Minimal na. Whether normal o gay, parte pa rin sila ng society. In fact, kung pag-uusapan natin ang pagiging artist, mas maraming artists na makikita sa gay people. Eh, sa tomboy kaya, sanay na ba si Gov. Vi? “Nu'ng high school, may mga barkada rin ako pero walang ligawan! Nothing serious!” Anyway, ang kakaibang role sa In My Life ang dahilan daw kung bakit gumawa ulit siya ng pelikula. “Kahit nasa pulitika ako, hindi pa rin maiaalis ang dugo kong artista. Talagang hinahanap ko. Nami-miss ko siya talaga. Last two years pa ito ini-offer sa akin at three years to prepare the script. Last two years, dapat uumpisahan na ito. Kaya lang hindi puwede kaya kinausap ko si Inang (Olive Lamasan), Malou (Santos), kasi nanalo akong gobernador. Eh pag ginawa namin ito that time, wala pa akong isang taon ng pagka-gobernador. Nakiusap ako na puwede makaisang taon muna akong governor bago gawin. Eh, nang makaisang taon ako, tinanong uli ako kung gusto kong gawin. Baka hindi na raw akong interesado. “Naisip ko siyempre 'yung industry! Kayong lahat! I love you, Lucky pa lang noon! Heto na siya! Bakit hindi ko mamahalin ang movie industry? I will always, always find time kahit ngayong isa na akong public servant!” pahayag pa ni Gov. Vilma. Sabi naman ni direk Olive, “Working with Ate Vi exceeds my expectations! With Vilma Santos, plus ten plus, a hundred sa ini-expect kong mangyari sa scene!” Nationwide ang pakulo para sa launching ng Starstruck V na gagawin ngayon tanghali sa SOP na may remote telecast din sa Dagupan, Cebu, Iloilo at Davao. Bubulabugin ng GMA stars at Starstruck alumni ang buong bansa para maghanap ng 16-23 years old na kabataang gustong maging artista simula ngayong alas-diyes nang umaga sa GMA Network Drive. Makikilahok naman sa SM Cebu sina Ryza Cenon, Rich Asuncion, Mike Tan, Rainier Castillo, Yasmien Kurdi at Arnel Ignacio upang pasayahin ang mga Cebuanos. Sa SM Davao naman, present sina LJ Reyes, Iwa Moto, Jackie Rice, Chariz Solomon, Jan Manuel, Chuck Allie, Arci Muñoz at Sunshine Dizon. Sina Mark Herras, Mart Escudero, Prince Stefan, at Dex Quindoza ang maghu-host sa SM, Iloilo. Hindi makararating sa lugar na ito si Allan K due to a previous commitment. Sa Stadia sa Dagupan, ang loveteam nina Kris Bernal at Aljur Abrenica ang aaliw sa crowd with Paolo Avelino, Pauleen Luna, Dennis Trillo, Sex Bomb Dancers, Jennica Garcia, Jan Nieto, Heart Evangelista, Cris Cayzer, Matteo Guidicelli at Gerald Santos. Sa gustong sumali sa artista search, dapat may 'K' kayo sa kantahan, sayawan at aktingan. Magdala ng birth certificate at photos. Sa mga menor de edad, kumuha ng written permission mula sa mga magulang. Tinatanaw na utang na loob ni direk Rico Gutierrez sa Regal Entertainment, Inc. ang pagbibigay ng break sa kanya bilang isa sa directors ng Shake, Rattle & Roll XI na entry ng kumpanya sa filmfest this December. Although may nagawa na siyang digital movie na hindi pa naipalalabas, ang pagdidirek ng isa sa episodes ng SRRXI ang first film directorial job niya. Bukod sa SRRXI, creative director din siya sa Ang Panday ni Sen. Bong Revilla na entry rin sa festival ng GMA Films at Imus Productions. Pasukin man ni direk Rico ang movies, mananatili pa rin siyang director ng GMA shows gaya ng All Star K, Showbiz Central, KAP's Amazing Stories, The Power of 10, Pinoy Records at iba pa. Aminado rin ang pretty young actress na meron siyang amnesia pagdating sa mga pangalan ng taong naipakilala na sa kanya. Sa isang okasyon kasing dinaluhan ng aktres kasama ang rumored actor-boyfriend, nakasalubong nila ang isang executive ng sikat na TV show. Ilang beses nang ipinakilala ng actor sa actress ang TV exec nang mag-guest ito sa show na pinamamahalaan ng huli. Kaya nang banggitin muli ng actor ang name ng exec sa aktres, nagpahayag na ang huli na umaatake raw kasi ang amnesia niya kung minsan kaya nakakalimot siya sa mga pangalan ng taong nakikilala niya, huh! Nginitian naman ng TV exec ang young actress nang magsalubong sila. Sanay na naman kasi siya sa ganoong mga excuses ng young actress na laging ipinakikilala sa kanya, huh! Source: Abante |