Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Prince, 'di mapatawad ang ina

Author: Nitz Miralles

Hindi lang pamilya niya ang sumuporta kay Robin Padilla sa premiere night ng Sundo, kundi pati mga kasama sa Totoy Bato kabilang sina Eddie Garcia, Ara Mina, LJ Reyes at Caridad Sanchez.

Hindi sila na-disappoint sa pelikulang graded B ng Cinema Evaluation Board dahil sa opening scene pa lang hanggang last scene, tatakutin at gugulatin ka ng script ni Aloy Adlawan at direksyon ni Topel Lee.

Last movie ito pansamantala ni Robin dahil sa TB ang concentration niya.

Three movie projects ang pagpipilian niyang gawin. Ayaw niyang maglagare't nagkakasakit siya, ginawa niya ang Sundo after Joaquin Bordado.

Si Mark Bautista lang ang wala sa cast dahil may U. S. tour.

Maagang dumating sina Rhian Ramos, Hero Angeles at Sunshine Dizon, humabol sina Katrina Halili at Iza Calzado na may cameo role.

Hindi lang si JC de Vera ang sumuporta kay Rhian, dumating din ang mom at British dad niya.

Nanood din sina Annabelle Rama, Raymond Gutierrez, German Moreno, Mark Herras, Ryza Cenon, Chariz Solomon, Benjie Paras, Mon Confiado, Rommel Padilla, Mrs. Eva Padilla at mga anak ni Robin na sina Queenie at Kylie.

* * *

Binigyan ng solo presscon ng GMA Artist Center si Prince Stefan para sa update sa career niya, pero na-focus ang interview sa inang nasa ospital dahil na-stroke. May tampo si Prince sa ina dahil sinasaktan siya nito noong bata pa siya, sinisi sa paghihiwalay ng kanyang ama at ipinamigay sa kanyang tiyahin na nagpalaki sa kanya.

Hindi pa nadadalaw ni Prince ang ina na ilang taon na niyang hindi nakikita dahil ang katuwiran, ang ipamamasahe niya sa South Cotabato ay ipadadala na lang para sa hospital at medical bills.

May peklat sa noo ang binata na gawa ng ina at 'di masagot kung ano ang dapat gawin ng ina para mawala ang tampo niya at mapatawad bago maging huli ang lahat.

On a lighter side, may nililigawang stage actress si Price, pero crush niya si Nadine Samonte at nag-attempt siyang ligawan si Rhian Ramos.

Natameme lang siya kay JC de Vera at inaming hindi niya kayang pantayan ang actor.

Magkakaroon ng kissing scene sina Prince at Lovi Poe sa Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang at tiyak itong hindi magiging isyu kay Jolo Revilla, nobyo ni Lovi, ang eksena.

Si Lovi na raw ang bahalang magpaalam sa BF sa kukunang kissing scene.

Samantala sa Ang Babaing..., nalaman na ni Hera (Carmi Martin) na may GF na si Aris (Prince).

Madidiskubre rin ni Homer (Dingdong Dantes) na impostora si Selena (nagpakilalang ina ni Proserfina), hindi siya tunay na ina ng dalaga.

Pamilya at pag-ibig na ang tinutumbok ng istorya ng soap na mas nagugustuhan ng viewers.

* * *

Never kinabahan si TJ Trinidad na mapu-pull-out sila sa cast ng Zorro noong kainitan ng "word war" ng manager nilang si Annabelle at Wilma Galvante.

Five seconds lang daw siyang kinabahan dahil malaki ang tiwala niya sa manager at 'di papayag ang GMA-7 na masira ang project sa conflict ng dalawa.

Happy si TJ sa paglipat niya sa Channel 7 at big project agad ang ginawa.

Manghihinayang daw siya 'pag 'di siya napasama sa Zorro, na nakalulula sa lahat ng aspeto.

"Oh, My God! If you go to the location, everything is beautiful. Ang laki nito, grabe. Ang galing ng location manager at production designer, directors and everbody sa staff and crew. "

Siniguro ni TJ na kamumuhian siya rito ng viewers dahil masama siyang tao, puno ng galit at aagawin si Lolita (Rhian) kay Antonio (Richard Gutierrez).

* * *

MAMAYA sa All About Eve, mauuwi sa sampalan ang away nina Nicole (Iza) at Erika (Sunshine) at ang huli ang kakampihan ni Frederico (Richard Gomez). Masasaktan pa si Nicole nang makitang hinalikan ni Erika si Warren (Alfred Vargas) na liligawan na ang dalaga.

Susundan ni Erika si Nicole sa park para sila'y mag-usap. May mga goon na darating at pagtri-tripan si Nicole. Ipagtatanggol siya ni Erika na naiwang humarap sa goons.

Source: People's Tonight