Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Princess Ryan has mixed emotions about being retained in Banana Split

"Siyempre, malungkot ako na masaya kasi kinabahan din ako noong una dahil siyempre, yun lang naman ang show ko sa ABS-CBN. So, noong malaman ko po na hindi nila ako tinanggal, sobrang happy po ako," says Princess Ryan about being retained in the ABS-CBN g

Author: Rose Garcia

Masuwerte kung tutuusin si Princess Ryan dahil isa siya sa mga hindi matatanggal sa all-female gag show ng ABS-CBN na Banana Split. Kumpirmadong mawawala na sa show ang kaibigan niyang si Dianne Medina at sina Roxanne Guinoo at Valerie Concepcion.

Bagamat masuwerte siya at retained pa rin siya at may bago pang show, nalungkot naman daw si Princess para sa mga kasama sa show na matatanggal.

"Medyo nalungkot nga po ako noong malaman ko. Kasi, sinabi niya [Dianne] na baka may possibility nga raw po na ganoon ang mangyari. Siyempre, kami ni Cristine [Reyes] kasi, kaming tatlo yung close talaga dun. So, kami yung nagwi-wish na sana, hindi matuloy. Pero yun nga, kinumpirma n'yo na. So, yun.

"Siyempre, malungkot ako na masaya kasi kinabahan din ako noong una dahil siyempre, yun lang naman ang show ko sa ABS-CBN. So, noong malaman ko po na hindi nila ako tinanggal, sobrang happy po ako," pahayag ni Princess sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ano kaya sa tingin niya ang meron siya na wala ang iba kaya siya nanatili pa rin sa Banana Split?

"Ang alam ko po, like si Roxanne, busy lang po yata siya sa schedule niya. Kay Dianne naman, hindi ko alam kung ano ang dahilan... Well, hindi naman po siya ganoon kalungkot. Ang alam ko, malungkot siya, pero hindi naman niya masyadong ipinapakita. At saka, ang alam pa namin, hindi pa siguradong matatanggal siya."

ALWYN UYTINGCO. Going strong pa rin daw ang relationship nila ni Alwyn Uytingco. Pero biglang napainom ng tubig si Princess sa tanong kung nagpaplano na silang magpakasal.

"Hindi pa po, papatayin po ako ng manager ko!" natatawa niyang sabi.

So, ang manager lang pala niya ang kinu-consider niya?

"Hindi naman! Siyempre po, dahil din sa career," bawi niya.

Two years and four months na raw sila ni Alwyn. Sikreto lang daw siguro nila ay ang magandang komunikasyon nila.

"Nag-uusap po kami palagi sa mga problema. Open kami, hindi kami yung nagtatampuhan na hindi namin inaayos yung problema namin."

If ever, si Alwyn na ba ang gusto niyang makatuluyan?

"Sana po...sana..."

In two to three years pa raw siguro kung sakali man na magse-settle down sila.

"Basta po, ang gusto lang po namin, may date na No. 4, kasi yun ang anniversary namin. December 4 po talaga. Pero siyempre po, matagal pa po yun, kapag marami na po siguro kaming naipon."

UFX. Ang Kapamilya contract artista na si Princess Ryan ang magiging pambalanse sa bagong reality-show na UFX (Unified Fighting Extreme). Matutunghayan ito sa Victory Central Mall sa Caloocan City at under negotiation pa for a blocktime airing sa Solar C/S 9.

Si Princess ang magiging kasamang host ni Will Devaughn. But unlike Will na very much into sports, si Princess ay hindi at ngayon pa lang daw siya nai-inspire mag-try. Pero ang purpose niya, ayon na rin sa bumubuo ng show, kung puro extreme ang mapapanood dito, at least they will have her naman daw on the soft side.

"Ever since, gusto ko sanang ma-try ang martial arts. Tapos, binigyan ako ng ganitong opportunity, so tinanggap ko na agad. Host ako rito, pero I think, may mga form-form din ng martial arts," sabi ni Princess.

Nanood daw siya sa YouTube at ilang UFC shows as part of her preparation for the show.

Source: Philippine Entertainment Portal