Aug 30
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpYahoo! Groups

Princess Sarah ginawa ng soap opera

FABULOUS ang costumes nina Sharlene San Pedro at Sheryl Cruz sa pinakabagong soap opera ng ABS-CBN na Princess Sarah na magpi-premiere na sa Nov. 12 sa Primetime Bida. We were part of the entourage na nagpunta ng Baguio City para ma-witness ang kanila...

 

Princess Sarah ginawa ng soap opera

Column: Footloose
Author: Leo M. Bukas

FABULOUS ang costumes nina Sharlene San Pedro at Sheryl Cruz sa pinakabagong soap opera ng ABS-CBN na Princess Sarah na magpi-premiere na sa Nov. 12 sa Primetime Bida.

We were part of the entourage na nagpunta ng Baguio City para ma-witness ang kanilang first shooting day and were amazed kasi ang ganda ng kanilang costumes.

Kaya pala sa Baguio ginagawa ang taping ng soap kasi bukod sa magandang scenery ng lugar, kailangan ding malamig ang paglid dahil kung hindi, tiyak na papawisan ang cast sa bigat at kapal ng suot nilang costumes.

Isang period soap opera ang Princess Sarah na ang setting ay noong 17th century pa. Pero modern daw ang approach na gagawin dito nina Direk Noel Naval at Don Cuaresma para mas maka-relate ang televiewers. Pangit naman kung magiging masyadong backward ang dialogue, a. k. a. makatulog ang mano-nood.

Nakatsikahan namin si Sharlene sa hotel na tinutuluyan niya sa Baguio bago kami umuwi ng Manila. Nakatutuwa siyang kausap. Tila hindi pa sumasagi sa isip niya na sikat na siya.

Take note, kahit busy sa showbiz si Sharlene, hindi pa rin niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral. She's now eight years old at grade three na siya sa isang eskuwelahan sa Bulacan.

Alam n'yo ba kung ano ang pinag-iipunan ngayon ng batang aktres? Ang makabili ng Fortuner na kulay black. Bongga, di ba? Baka raw this Christmas or early next year ay mabibili na nila ito.

* * *
ANG akala namin ay aa-butan namin ang iba pang cast ng Princess Sarah sa Baguio like Diether Ocampo, Carlos Agassi, Ai Ai delas Alas and Albert Martinez. Hindi pala natapos ang taping nila sa Batangas kaya nung time na papababa na kami ng Manila, do'n pa lang sila papunta ng Baguio.

Ayon kay Candy Pangilinan na gaganap bilang Ms. Amelia sa Princess Sarah, hanggang Nov. 4 pa raw mananatili ang cast sa Baguio para makunan ang iba pang eksena. Kaya si Sheryl na balak sanang magpunta ng sementeryo nung Nov. 1, nagtirik na lang ng kandila sa kanyang rest house sa Baguio.

Si Candy naman, balak pasunurin ang kanyang anak sa Baguio para makasama niya at makapag-bonding sila.

Anyway, bilang Miss Minchin, excited na si Sheryl sa kanyang mga eksena with the kids of Princess Sarah, especially with Sharlene. As usual, kontrabida na naman siya rito, pero may redeeming value raw naman ang character niya sa bandang huli.

Sinisiguro ni Sheryl na muli siyang kaiinisan ng televiewers sa bagong role niya sa Princess Sarah.

Ang Princess Sarah ang papalit sa Kokey na matatapos na next week. Magiging pre-Christmas offering ito ng ABS-CBN.

Source: Taliba