Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Priscilla animalistic ang appeal

Priscilla animalistic ang appeal

Author: Beth Gelena
Column: E-talk

ANIMALISTIC pala talaga ang appeal ng girlfriend ni John Estrada na si Priscilla Meirelles, former Miss Earth at Brazilian model, na kasama sa birthday presscon (September and October ) ng Star Magic artists last October 30.

First time din naming nakausap si Priscilla at ha-nga kami sa simpleng beauty nito pero ang lakas ng arrive sa mga kalalakihan. Last Sept. 5, Priscilla turned 26 years old at hindi niya ito ikinahihiya.

Sa two years na relas-yon nina Priscilla at John, inamin ng former beauty queen na may pagkaseloso ang BF kaya nagkahiwalay sila for two months.

"I want to stay here in the Philippines. And I love John, kaya mas pinili ko dito. Nang dumating ako, we're together na uli," say ni Priscilla.

Tinanong si Pricilla kung ano ang birthday gift sa kanya ng boyfriend.

Sinagot nitong trip to Hawaii at ikinatwirang, "I am not maluho naman, eh. Cheap lang ang nagastos niya. Hindi kasi ako mahilig sa branded things, basta kung ano lang ang magustuhan ko, 'yun ang binibili ko. Cheap lang kasi, ako eh. "

Sobrang mahal daw niya si John, pero ang ayaw lang daw niya dito ay sob-rang mainitin ang ulo at pinakikialaman ang kanyang isinusuot. Inamin din ni Priscilla na may mga pagkakataong nag-aaway sila ni John na ang madalas na dahilan ay ang style niya ng pananamit.

Ipinakita rin niya sa press ang engagement ring na bigay sa kanya ni John nang mag-propose ito.

"We're getting married before the end of 2010 or the beginning of 2011," dagdag pa ng dating Miss Earth.

* * *

HINDI akalain ni Angel Locsin na magkakasama pala niya ang ex-BF na si Luis Manzano sa opening number last Sunday ng ASAP '09.

Nagulat ang aktres nang makita ang actor-host, pero dahil professional, hindi siya nagpadala sa tensiyon.

Ayon kay Angel, hindi niya alam na kasama rin si Luis at sa tingin niya maging si Luis ay nagulat nang makita siya.

'Yun daw kasi ang muli nilang pag-haharap after ng break-up nila.

Kahit may communication na raw sila ni Luis, hindi ibig sabihin ay 100% na okey na sila sa isa't isa.

Dagdag pa ni Angel, hindi niya kayang makipagplastikan at sabihin masaya siya kapag nagkakausap sila ng dating dyowa.

Sa hiwalay na interview ng The Buzz kina Angel at Luis, sinabi ng actor-host na hindi niya matandaan kung nag-holding hands sila ni Angel sa opening number ng ASAP '09.

Sa tanong kung may nararamdaman pa siyang pagmamahal sa ex-girlfriend, sagot niya, "No matter what we answer do'n, iba ang magiging pananaw ng ibang tao. Mami-misconstrue ang sagot namin. . Siyempre sa mga ganoong tanong, sa a-ming dalawa na lang 'yun. "

* * *

FEEL na feel talaga ni Vina Morales ang maging isang ina.

Sa birthday presscon ng Star Magic para sa September-October celebrants ay kasama si Vina. Last October 17 siya nag-birthday and a mother at 34 years old.

Hindi maubos sa kakukuwnto si Vina kapag anak na si Ceana ang pag-uusapan.

"Lately, naaaliw ako ka-pag may trabaho ako. Like sa ASAP, 'di ba, may live at taping kami? Bumisita siya sa bandang gitna, during break time namin. So, hindi ko pa nararamdaman for now. Pero I guess kapag nag-concert na ako abroad, 'yun na 'yun! Masisira na ang ulo ko!" kuwento ni Vina.

As a new mommy, wala daw problema kay Vina kung magpaseksi pa rin siya at nang kumustahin namin ang ama ni Ceana, sinabi nitong, "With Ceana around, okey naman kami. But, honestly, now that I have a daughter, ni hindi ko naiisip ang sarili ko. Hindi ko pinoproblema kung may nangyayari sa personal ko, I don't really think about it. Kasi 'yung focus ko kay Ceana. I don't really understand why. I think ganoon yata ang mommy, parang buo ka na maski ano pa ang mangyari sa lovelife mo. Sino ba naman ang makakapagsabi kung sino ang makakatuluyan mo? Nobody can tell. "

Source: Taliba