Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Produ, kinumpronta ng direktor

DAHIL sa isinulat namin dito kahapon na may titulong "Ina, masama ang loob kay Cesar," kay aga raw tinawagan ang produ na si Ina Alegre ni Cesar Apolinario, MMFF Best Festival Director for Banal, at nag-dialogue raw ng. .. "Bakit mo ako sinisiraan?" A...

 

Produ, kinumpronta ng direktor

Column: Tell & Tell
Author: Mercy Lejarde

DAHIL sa isinulat namin dito kahapon na may titulong "Ina, masama ang loob kay Cesar," kay aga raw tinawagan ang produ na si Ina Alegre ni Cesar Apolinario, MMFF Best Festival Director for Banal, at nag-dialogue raw ng. .. "Bakit mo ako sinisiraan?"

Ang sagot naman daw ng aktres na bagong gising ay, "Hindi kita sinisiraan, 'noh. "
Oo nga naman, Direk, nagsasabi lang daw ng totoong saloobin si Ina, tsuk!

Magkaroon kaya ng away-showbiz between Alegre and Apolinario? Abangan!

'Yan, eh, sa tonong Boy Abunda sa The Buzz, ha!

* * *

BARBARIC or Barbaro ang tawag ng mga inang nakikisimpatiya sa "tanging ina" na si Ai-Ai de las Alas sa sinapit ng anak nito sa kahero ng isang convenience store somewhere in Manila, kung saan binigwasan daw ang dyunak ng komedyante at ikinulong-tinorture pa diumano sa loob ng stock room.

Kaya ang hatol ng karamihan sa showbiz, patayin sa sindak si Barbaro, tsuk!

Itsurang mag-ala Jodi Santamaria or Chelsea doll si Ai-Ai to get even with whoever that barbaric is na nanindak sa dyunak niya.

O, devah 'yung itsu (read: itsura) ng lola mo, Ian F. , habang ini-interbyu last Sunday sa The Buzz with matching black teardrops ay hindi pahuhuli sa itsu ni Jodi sa Patayin sa Sindak si Barbara, 'di ba, 'di baaa?

Dapat siguro'y mag-seminar muna itong si Barbaro sa malalaking department at gorcery stores kung saan mahinahong inaakbayan lang at magalang na iniimbitahan sa opisina ang pinagkakamalang shoplifter.

* * *

THIS coming Friday na magtatapos ang Kapamilya Deal or No Deal at ang magiging celebrity player ay walang iba kung 'di si Kuya Dick, a. ka. Roderick Paulate.

Halos 30 celebrities na ang nakipag-deal sa misteryosong Banker at nanalo ng cash prizes para sa sarili nila at sa kanilang chosen charities.

Kabilang na rito sina Vilma Santos, Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Pops Fernandez, Martin Nievera, Aga Muhlach, Korina Sanchez, Sen. Mar Roxas, Sen. Chiz Escudero, Angel Locsin, Piolo Pascual, Sam Milby, Jericho Rosales, Donita Rose at maging ang host nitong si Kris Aquino.

Muntik namang maging milyonaryo sina Donita, Maja Salvador, Albert at Liezl Martinez at Candy Pangilinan kung 'di lang umurong sa offer ni Banker.

Sina Kim Atienza at Aiko Melendez naman ang pinalad na magwagi ng P1 milyon.

Question: True kaya ang tsikang ang isa sa mga dahilan ng break-up bilang talent-manager nina Maja at Manay Chit Ramos ay ang pagkuha ng aktres sa premyo nitech sa KDOND na P8,000, na hindi ipinaalam sa discoverer-manager?

Well anyway, hindi nagtatapos sa Friday ang saya at papremyo, dahil sa January 14, ilulunsad na ng ABS-CBN ang Philippine franchise ng game show na patok sa buong mundo - ang Wheel of Fortune - na si Kris pa rin ang host.

Ang celebrity guest players ay sina Martin, Ruffa Gutierrez at Luis Manzano. Sinex kaya ang magiging lucky opener ng 2008?

Puwes, panoorin nating lahat, okidoki? 'Yon lang and thank you.

Source: People's Tonight