|
|
| Project ng magaling na aktres, hinaharang ng network executive?Author: Nitz Miralles Ang network executive ang sinisisi ng isang magaling na aktres kung bakit matagal na siyang walang project sa kanyang home network. Ang claim nito, hinaharang ni NE ang project para sa kanya dahil pinipersonal siya. Sabi ng mga nakakaalam sa totoong istorya kung bakit matagal nang walang project ang aktres, bakit hindi nito tanungin ang sarili kung bakit ayaw muna siyang bigyan ng trabaho. Major problem ang ibinigay niya sa network at sa kanyang director sa last TV series niya at ayaw pa siyang makatrabaho nito. * * * Mahabang kissing scene at na-take four pa ang kinunan kina Dingdong Dantes at Rhian Ramos sa Stairway to Heaven na mapapanood sa mga susunod na episodes. Echosera lang ang dalaga sa sinabing wala siyang napi-feel sa mga kissing scene nila ng actor dahil alam nilang pareho na trabaho ang kanilang ginagawa. Masaya pala si Rhian na tinanggap din ang tambalan nila ni Dingdong at patunay ang magandang ratings nito. "Na-curious siguro ang tao at binigyan kami ng chance. Minsan, nakakatulong talaga ang criticism. " Hindi alam ni Rhian ang mangyayari sa bangs niya once bumalik siya sa karakter ni Jodi. May sariling kuwento ang bangs niya at komportable na siya sa kanyang bangs, pero nami-miss pa rin ang mahaba niyang buhok. Samantala sa Stairway... this Monday, nag-set-up ng date si Cholo (Dingdong) with Jenna (Rhian), kaso nakarating kay Eunice (Glaiza de Castro). Hindi alam ni Jenna na date 'yun, kaya isinama si Charlie (TJ Trinidad). Naging double date ang paghaharap-harap ng apat. * * * Tuluy-tuloy pa rin ang taping nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann ng Rosalinda at sa dinalaw naming location sa Alabang Medical Center, 7 a. m. sila nagsimula at 'di pa alam ng dalawa kung anong oras sila matatapos. Ayaw mag-spoiler ang dalawa at ayaw itsika ang mangyayari sa kanilang karakter sa pagtatapos ng Rosalinda para abangan ng viewers. Natutuwa ang dalawa sa naririnig na feedback sa malaking improvement ng kanilang acting at handa na raw sila sa mga susunod nilang projects sa GMA-7. Ang alam nina Geoff at Carla, magkasama pa rin sila sa next series nila at bukod du'n, co-host din si Carla ni Dingdong Dantes sa StarStruck V. Magkaka-time lang siyang paghandaan ang hosting job 'pag natapos ang Rosalinda at malapit na ito. Nanghihinayang si Carla na 'di siya makaka-sama sa international au-ditions ng SSV dahil everyday siyang may trabaho. Malaking tulong sa kanya ang pagho-host sa SOP. Hindi pa pala nakikita ni Carla si Jolina Magdangal na pinalitan niyang host sa SS. * * * Introducing sa I Love Dreamguyz ang 20-year-old at guwapong si Jay L. Dizon at gaganap na isa sa mga dancer. Nag-audition ito at nagustuhan kaya pinapirma ng five-year contract sa DMV Entertainment, producer ng movie. Na-audition si Jay sa SCQ at PBB2 ng ABS-CBN at StarStruck 3, pero na-disqualify dahil may manager siya. Halos lahat daw ng contest, sinalihan niya at 'di akalaing matutupad din ang pangarap na maging artista. Isa sa ikinatuwa nitong nasa showbis na siya ang may chance na siyang makita ang crush niyang si Cristine Reyes na pinapantasya niya. Kinabahan si Jay nang malamang si Manny Valera ang producer ng movie at si Joel ang director at na-shock pa siya nang maghubad sa harap niya si Marco Morales. Inihanda lang pala siya sa gagawin nilang kissing scene, bed scene at butt exposure. Showing sa November 4 ang I Love Dreamguyz sa Robinsons' Galleria in Ermita, Roben, Remar, Cinerama Isetann Recto, Gotesco Grand Central at Ultra Vista Cebu. * * * Klik agad sa viewers ang bagong segment ng Startalk na Plus & Minus kung saan kanya-kanya nang pagbibigay ng opinion ang mga host na sina Joey de Leon, Lolit Solis, Butch Francisco at Ricky Lo sa maiintrigang balitang showbis. Masaya ang segment dahil patapangan ng comment ang Fab Four at laging may humor ang comment ni Lolit. Naaliw kami kina Cha-riz Solomon at Jan Manual na sobrang nerbyos dahil first time nilang nag-live, pero sa napanood namin, pumasa ang dalawa. Walang makasagot sa tanong namin kung bakit hindi naipalabas ang interview ni Ricky Lo kay Sen. Noynoy Aquino at 'yung kay Kris Aquino lang ang napanood. Lahat daw ng itinanong ni Ricky ay sinagot ng senador except questions on his love life. Nag-celebrate ng 14th anniversary last Saturday ang Startalk at bukod sa maraming balita, maraming bisita, napakarami ring food sa studio. Parang piyesta! Source: People's Tonight |