Project ni Sunshine, ibinigay kay Iza!Author: Jojo Gabinete HINDI ikatutuwa ni Dorothy Laforteza ang balita na si Iza Calzado ang ipinalit sa kanyang anak na si Sunshine Dizon bilang isa sa tatlong judge ng Starstruck, ang magbabalik-TV na artista search program ng GMA 7. Kung naging professional si Sunshine, hindi mawawala ang magagandang oportunidad na ibinigay sa kanya ng GMA 7. Malaking halaga ng pera ng network ang nawala nang ma-pack up noon ang taping ng Tinik Sa Dibdib dahil sa hindi pagsipot ni Sunshine. Kawawa ang production staff na per taping day ang bayad dahil no work, no pay sila. At dahil si Iza ang ipinalit kay Sunshine, huwag sana siyang makatanggap ng mga nasty text message o paninira. Year 2009 na. Hindi na uso ang paninira nang patalikod. Kung talagang may katwiran na dapat ipaglaban, magsalita nang harapan. Source: Abante |