|
|
| Promising starlet, tuluyang nabulag?Column: Tattle AMONG the current child stars of her generation, ang puwedeng ituring na pinakamasuwerte ay si Celine Lim, who turned eight on her birthday last January 10. Wala ba siyang party? tanong namin. "Mayroon," sagot ni Celine. "Pero, share kami ng isa kong classmate na January 10 din ang birthday. Eight years old din siya nu'ng araw na iyon. " Celine is a third grader at the Taytay United Methodist Christian School. Dati raw siyang nasa honor roll. But ever since nag-artista siya, nalaglag na siya sa honor roll. Celine, though, maintains that she is one of the more talented students in her class. Happy ba naman siyang nag-aartista siya? "Aba, opo," ang maliksing sagot ni Celine. "Eh, ako po ang nagsabi sa mommy ko na dalhin niya ako para sumali sa Search for a Young Star sa Star Circle Quest noon. "Kahit hindi ako ang first placer (kay Sharlene San Pedro ito napunta), nabigyan kaagad ako ng pelikula. Ako po ang gumanap na batang Anne Curtis sa pelikulang Huwag Kang Lilingon. " Sinundan ang Huwag... ng teleseryeng Sana Maulit Muli, where she played the young Kim Chiu. Katatapos gawin ni Celine ang horror-suspense series na Patayin sa Sindak si Barbara, where she played the daughter of Jodi Santamaria, na minumulto ng huli when she died. Hindi ba siya nakaramdam ng takot habang ginagawa ang Patayin...? "Minsan ho, oo. Kaya kung minsan, ang tagal bago ako makatulog. Pero sabi ng mommy ko, mag-pray lang daw ako. Ginagawa ko naman at nawaala talaga ang takot ko," ang mahabang pahayag ni Celine. The child star is slowly but surely becoming a good comedienne, too. She is in the cast of the sitcom That's My Doc, which topbills Aga Muhlach, Bayani Agbayani, Roderick Paulate and Nova Villa. * * * TULUYAN na kayang nabulag ang isa pa namang very promising starlet na akala niya noong una'y malulunasan pa ang lumalabong paningin? Kuwento ng isang malapit sa starlet, noong bata pa ito, natusok ng isang kalaro ng isang matulis na bagay ang kanyang mata. Pero, dahil nga siguro wala na siyang naramdaman after a few sessions with an eye doctor, binale-wala na niya ang pagpapagamot. Until mapansin na nga niyang para na siyang nabubulag. Which is a pity, dahil hindi lang siya magaling na artista, kung hindi maganda at matangkad pa. * * * MAY kinikimkim daw na pagtingin si Ronnie Liang, runner-up sa Pinoy Big Brother Season 2, kay Nikki Gil. How to go about courting her is his problem. "But in time ho," ani Ronnie. "Baka magkalakas loob akong magpakilala sa kanya at ligawan siya. " Bago naging singer, Ronnie made sure first na nagtapos siya ng college. Graduate siya ng kursong Education sa isang university sa bayan nila sa Pampanga. Hindi ipinagkakaila ni Ronnie that he came from a poor family. He worked in a food chain for three years para lang ma-suportahan ang kanyang schooling. Now a Universal Records artist, Ronnie's first album featured the song Ngiti. He is soon staging a concert at Metro Bar West Avenue. Source: People's Tonight |