|
|
| Pualeen Luna at Sugar Mercado, pinagsasabong sa Eat Bulaga?![]() Author: Dondon Sermino Si Pauleen Luna ang dapat na gaganap na White Lady sa pelikulang ididirek ni Jeff Tan at prodyus ng Regal Entertainment. Pero, dahil sa prosthetics na ilalagay sa mukha ng White Lady, at dahil natsugi na rin si Jennylyn Mercado sa project na ito, mas pinili ni Pauleen na kunin ang papel ni Pearl, ang babae na madalas na nakakakita sa White Lady. Kay Angelica Panganiban nga napunta ang papel na White Lady. At hindi problema �yon kay Pauleen kung hindi man siya ang title role sa pelikula. "Maganda rin kasi ang role ni Pearl. In terms of exposure, mas mahaba talaga at sa tingin ko, mas okey talaga at mas bagay sa akin," say lang niya. Sa totoo lang, masyadong mabilis ang pagbabago sa career ni Pauleen mula nu�ng mapunta siya sa Eat Bulaga at lumayas sa Dos. Sunud-sunod ang project niya sa Regal, bukod pa sa mga shows niya sa GMA 7. Sabi ni Pauleen, hindi niya inaasahan na magiging ganito kabilis ang lahat. Sa pagkakatanda niya, nu�ng umalis siya sa Dos ay walang offer sa kanya ang GMA, at nagkataon na si Tita Lolit Solis ang naging manager niya, at nagkasunud-sunod na ang lahat. "Masuwerte siguro talaga ako. Siguro, dahil masunurin ako sa parents ko at religious kasi ako at never akong nagmi-miss ng mass. Marunong akong mag-share ng blessings ko sa mga tao. "At wala rin akong masyadong maraming lalake sa buhay. Imagine, wala ngang nanliligaw sa akin ngayon. "Sabi nga nila, bakit daw walang nanliligaw sa akin? Wala talaga akong nakikita ngayon, eh. Siguro, nainis na `yung iba sa akin, kasi palagi ko silang tini-turn down," nakangiting sabi ni Pauleen. Gustong linawin ni Pauleen na hindi pera ang dahilan kung bakit siya subsob sa trabaho. "Hindi ako mukhang pera dahil marami naman akong pera! Ha! Ha! Ha! Ha! "Nag-i-enjoy ako sa trabaho ko, at gusto ko talaga na marami akong ginagawa. Hindi naman siguro masama kung magtrabaho ka at magkapera ka, `di ba?" say niya. Masuwerte pala ang lalakeng mamahalin ni Pauleen? "Oo naman! Pero, malas din sila, dahil hindi ko sila gagastusan, `no! Dapat sila ang gumastos sa akin. Ha! Ha! Ha! Ha! "Siguro, suwerte sila sa akin dahil hindi ako mukhang pera o hindi ko masyadong kailangan `yung mga kailangan ng ibang tao. Kuntento naman ako sa kung anong meron ako. "Pero, hindi dapat gumagastos ang babae sa lalake, `no! Ang babae ang dapat na bini-baby. "Pero, suwerte rin sila sa akin, kasi low maintenance talaga ako. I mean, fish ball lang, masayang-masaya na ako. Hindi kailangan na mayaman ang lalake para magustuhan ko. "Basta okey siya, basta mabango at alam kong responsible, okey na `yon," nakangiting say pa ni Pauleen. Sa ngayon, iniintriga si Pauleen kay Sugar Mercado sa Eat Bulaga. May akusasyon na kesyo nai-insecure siya sa atensiyon na ibinibigay nina Vic Sotto at Joey de Leon kay Sugar. "Actually, pinag-aaway lang nila kami, `no! Magkakaibigan kami sa show. Wala kaming problema. Naiintindihan ko ang situation ngayon ni Sugar. Siya nga ang baby sa Eat Bulaga. "�Yung exposure na binibigay sa kanya ngayon, naibigay rin naman sa akin `yon noon. At saka, may kanya-kanya kaming style. I mean, may kaya siyang gawin na hindi ko kaya at may kaya naman akong gawin na hindi rin niya kaya. "Mabait si Sugar. Gusto �yung ugali niya. Mabait siya. Nagba-bonding kami. Like the other day, nagpunta kami sa house ni Kuya Allan K at nag-swimming lang kami. "Ganu`n kami dahil para talaga kaming magkakapatid. Hindi uso ang away sa amin. Siya nga nagulat? Sabi niya, hala ate, saan naman galing `yon? "May kanya-kanyang oras `yan, eh. Nagkakaintindihan na kami sa part na `yon. May kanya-kanya kaming personality. "Mabait sa akin si Sugar. Wala kaming reklamo sa kanya. At saka, kahit kanino, never pa akong na-insecure. Kanya-kanya tayo ng blessings, `di ba? So, hindi ka dapat naiinggit sa ibang tao. "Kung nasaan si Sugar ngayon, pinaghirapan niya `yon. Kung nasaan ako ngayon, pinaghirapan ko `to. Honestly, tinatawanan na lang namin `yon. "Kaya nga pag nasa labas kami, the more na ipinapakita namin na close kami. Pag may photographer, nagyayakapan talaga kami para matigil na `yung iniisip nila sa amin," nakangiting say na lang ni Pauleen. *** Bago naging ganap na Bond Girl sa 007 movie franchise na The World Is Not Enough at mabansagang Touch Magazine�s Sexiest Mom of 2005 (kung saan ay nag-pose siya na hubad), hindi biro ang pinagdaanan na Hollywood actress na si Denise Richards. Imagine, nagsimula si Denise sa paglabas-labas sa mga low-budgeted films at karamihan sa mga nilabasan niya sa TV ay cameo role lang siya. Pero, nang ma-release worldwide ang 1997 sci-fi flick na Starship Troopers, dito na nagbago ang takbo ng kanyang buhay. Samantala, sa Next Action Star naman, bagama�t nababalutan ng bangayan at intrigahan ang show na ito, siguradong mag-iiba ang ihip ng hangin para sa natitirang ten finalists, dahil dadalaw lang naman sa kanila ang ex-wife ni Charlie Sheen na si Denise Richards para magbigay ng advice. Kakaiba rin ang gagawin ng ten finalists dahil wala munang barilan, suntukan at tumblingan. Acting kung acting nga ang gagawin nila ngayon. Sino kaya sa kanila ang patok sa pag-arte? O baka naman sumobra ang pag-arte na magawa nila at matsugi tuloy sila? Sa April 18 10:00 pm mapapanood sa ABC 5 ang Next Action Star. *** Marami ang naaliw kay Mystica dahil sa ipinapakita niya sa Shall We Dance? The Celebrity Dance Challenge, na hinu-host nina Lucy Torres at Dominic Ochoa. Aba, determinado kasi si Mystica na manalo sa pagsasayaw kasama ang partner niyang si Miguel dela Serna. Last Sunday nga ay puno ng passion ang performance ni Mystica, kaya hindi kataka-taka na sila ni Miguel ang nanalo bilang first monthly champion sa Season 2 ng SWD. Napabilib nga ang mga judges na sina Regine Tolentino, Audie Gemora, Edna Ledesma sa pagsayaw ng Rumba ni Mystica. "Feel na feel ni Mystica ang bawat step na ginawa niya at may papikit-pikit pa siya," say ni Lucy. Ngayong Easter Sunday, kakaibang Shall We Dance na naman ang mapapanood, dahil all-male celebrity challengers naman ang maglalaban-laban. Nandiyan sina Tirso Cruz 111, Jake Roxas, Michael de Mesa, Buboy Garovillo, at kapartner nila ang Sex Bomb dancers na sina Mia Pangyarihan, Jacky Riva, Aira Bermudez at Che-Che Tolentino. Mainit na labanan nga ang magaganap ngayong tag-init sa Shall We Dance sa ABC! Source: Abante |