Mar 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pumayag sa kissing scene Victor at Joross, bagong loveteam

Pumayag sa kissing scene Victor at Joross, bagong loveteam

Author: Veronica R. Samio
Column: Sanga-sangandila

Kapuri-puri rin naman ang mga kabataang aktor na sina Victor Basa at Joross Gamboa dahil kahit matagal nang natsitsismis na mga bading ay walang pag-aalinlangan nilang tinanggap ang kanilang mga roles sa May episode ng Your Song na pinamagatang Without You hango sa awitin ni Erik Santos na Here I Am.

"Artista ako, hindi ako basta naaapektuhan ng mga tsismis dahil sigurado ako sa sarili ko. Positibo ko na lamang tinatanggap ito at sinasasabing isa itong sign na pinag-uusapan ako. Yung internet naman na kung saan nagmumula ang mga balita ay isang maliit na bahagi lamang ng populasyon, so ba't ako paapekto?" sabi ni Victor.

"Mahilig ako sa damit at madalas may sarili akong istilo, baka this is what they find interesting. Pwede rin naman iyong sport kong figure skating. Kailangan hindi lang kamay ang malambot sa akin kundi pati na rin ang katawan ko when I glide on ice, baka 'yon ang sinasabi nilang parang babae. "

Confident talaga si Victor dahil hanggang sa huli sabi niya, "Again, I don't mind, I have no problem with my sexuality. "

At para sa mga 'di nakakaalala, lumabas na ang aktor dati bilang bading.

"This is not my first time to portray a gay role. Minsan na rin akong naging gay sa Maalaala Mo Kaya, kaya lang do'n para talaga akong girl, dahil nakadamit babae ako. Yung looks ko siguro ang pinagkakamalang babae, maputi ako, hindi pangahan at soft ang mga features ko," paliwanag nito.

At kahit may agam-agam naman si Joross sa mga gay roles ay okay lang sa kanya ang Your Song.

"Bakit ko naman tatanggihan ang role ng isang gay dito sa Your Song eh, I find it challenging. Kaya lang after this baka matagalan bago ako ulit tumanggap ng gay role. Baka kasi ma-type cast ako sa ganitong role. Gusto ko naman iba-iba rin, " sabi ni Joross, who's into wakeboarding. Unti-unti, nadadala na niya ang kaparehang si Victor sa sport na ito.

May kissing scene silang dalawa sa Your Song, at mga sweet moments tulad ng holding hands at yakapan. Nung una naiilang sila pero habang nagtatagal, nasanay na rin sila.

Kwento ito ng dalawang lalaki na na-love at first sight, sina Bobby (Joross) at John (Victor). Kaya lang may problema dahil ang kapatid ni John na babae, si Jen (Alex Gonzaga, dating Cathy) ay na-in love kay Bobby, eh gagawin nila ang lahat para nila makuha si John.

Sa direksyon ni Manny Palo, kasama pa rin sina Pinky Amador, Noel Colet, Lui Villaruz at Carla Humphries. Palabas na sa May 4.

* * *

Bibigyan pala ng Viva Films ng launching movie si Eugene Domingo. Tungkol ito sa isang old maid na ang nanay, anak at mga kapatid ay magaganda lahat, siya lang ang hindi. Inalok din siya ng launching film ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films pero tumanggi siya dahil nga ang pinili niyang gawin ay yung unang natanguan niya sa Viva.

o0o

Isang araw na lamang ang paghihintay para sa pinag-uusapang romantic concert ni Richard Poon: I'll Take Care of You The Concert.

Sinabi ng classics balladeer na ang kaniyang musika ay espesyal at nakakaaliw dahil kakantahin niya ang mga classics na may twist ng contemporary songs na magugustuhan ng lahat ng henerasyon. Hindi lang iyon, maraming sorpresang panauhin si Richard na talaga namang maiibigan ng lahat!

Samahan si Richard Poon sa Music Museum, May 1 and 2, handog ng ASAP Live at sa ilalim ng direk­syon ni Georcelle Dapat. 

* * *

From sexy star ay naiangat na ni Allen Dizon ang kanyang status bilang actor magmula nang manalo siya ng best supporting actor sa Star Awards.

Tuluy-tuloy na ang pagtanggap niya ng whole­some roles tulad nang ginampanan niya sa katatapos na Kung Fu Kids ng ABS-CBN. May special participation din siya sa Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy na tinatampukan nina Robin Padilla at AiAi delas Alas sa direksyon ni Wenn Deramas. Boy­frien­sal pero madalas din niyang tinatanggihan.

Malapit nang ipalabas ang pelikula niyang Paupahan (Crossroads) under his own company (ATD Entertainment Productions). Pawang malalaki at magagaling na artista ang kinuha niya para rito. Si Romy Vitug pa ang cinematographer niya.

May gagawin din siyang experimental sex drama sa Viva katambal si Gwen Garci, ang Room 213.

* * *

Hindi nawawalan ng pag-asa si Arnell Ignacio kahit pa ang mga unang episodes niya ng Gobingo ng GMA 7 ay pumangalawa lamang sa kaniyang kalaban. Katwiran niya ay mas nauna naman itong ipinalabas, pero lumalakas naman ang game show niya habang nagtatagal. Proof ay ang dumarami nitong mga contestants na hindi lamang nagmumula sa mga studio audience kundi pati na sa mga homeviewers.

Nung Lunes (Marco Alcaraz, Bianca King at Luis Alandy) at bukas, Biyer­nes, lamang sila magta­tampok ng mga celebrity contestants (Alyssa Alano, Sunshine Garcia ng Sexbomb at John "Bellie Flor Feir", pero nung Martes mga parlorista ang naglaro (Jose "Jessica" Machika, Vicente "Jason" Hisola at Antonio  "Leslie" Noel), nung Miyerkules ay mga bumbero (Antonio Santy San­tillon, Jr. , Ian Salvatierra,  Forencio Jon Azansa) at bukas, mga babaeng miyembro ng TODA (Marissa Bautista,  Zenaida Calizo at Cecilia Villaflor).

* * *

veronicasamio@yahoo. com

Source: The Philippine Star