Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Puso ni Karylle, ayaw tumibok!

Puso ni Karylle, ayaw tumibok!

Author: Dondon Sermino

HANGGANG ngayon, hindi pa rin daw tumitibok ang puso ni Karylle.

Matapos nga itong huminto sa pagtibok, dahil sa paghihiwalay nila ni Dingdong Dantes, ayaw pa rin daw nitong tumibok para sa ibang lalaki.

“May joke na ganiyan, eh. Kunyari, three and a half years kami (ni Dingdong), so minus, and then, divide mo. May formula `yon, eh.

“Pero, hindi mo naman malalaman kung kailan ka ready na magmahal muli. Sa ngayon, okey na ako na ganito,” sabi ni Karylle.

Pero, kahit hindi pa tumitibok ang kanyang puso, masaya raw siya para sa ex-boyfriend niyang si Dingdong, na sabi-sabi nga ay masaya ngayon sa piling ni Marian Rivera.

“I'm always happy for Dingdong,” sabi ni Ka­rylle.

So, tanggap na niya na nagmamahalan ngayon sina Dingdong at Marian?

“I don't wanna comment na, kasi at this point, wala na akong kinalaman kay Dong. So, kung ano man ang mangyari sa love life niya, wala na akong kinalaman,” sagot ni Karylle.

Ano ang na­giging reaksiyon niya kapag nakikitang naghahalikan sina Dingdong at Karylle?

“Ewan ko? Basta, kung ano man ang nangyayari sa kanila ngayon, labas na ako doon. Siguro, this is 2009, time na para magbago. Ha! Ha! Ha! Ha!” tumata­wang say ni Ka­rylle.

Source: Abante