Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Queenie nagdi-disguise para makipag-date sa aktor

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

Nangyari na ang kinatatakutan ni Robin Padilla na ma-in-love ang kanyang panganay na si Queenie sa kapwa artista, sa katauhan ni PJ Valerio.

Hindi na raw maikakaila na nagkakamabutihan na ang dalawa dahil madalas silang makitang magkasama sa mall.

Nagdi-disguise pa nga raw sina Queenie at PJ kapag namasyal sa mall pero marami pa rin ang nakakakilala sa kanila at nagpa-picture kasama sila.

Kamakailan lang nagdiwang 18th birthday si Queenie kaya humingi na ito ng permiso sa amang si Robin Padilla para tumanggap na ng manliligaw.

Kahit tutol ay wala nang nagawa pa raw si Robin dahil sa kanilang religion ay may laya na ang mga kababaihan na gawin ang gusto nila kapag ganap na silang dalaga.

Hangga't maaari ay tutol si Robin na maging karelas-yon ng anak ay taga-showbiz.

Gusto niya na makapagtapos muna sa pag-aaral ang dalawang anak na babae.

Samantala, marami naman ang bumilib sa tapang ni PJ dahil hindi man lang ito natakot na anak ng sikat na action star ang kanyang pinormahan.

If ever na si PJ na nga ang totoong napupusuan ng da-laga ni Binoe, dapat na uimakyat ito ng ligaw sa kanilang tahanan at ipakita na totoo ang kanyang pagmamahal sa dalaga ng action star.

* * *

Marami ang nagulat nang humarap at magpa-interview sa TV Patrol at 24 Oras ang misis ng namatay na personal assistant ni Richard Gutierrez na si Nomar Pardo sa isang car accident sa Cavite.

Maging kami ay nagulat dahil nangako naman ang pamilya ng Gutierrez na hindi nila pababayaan ang naulila ni Nomar.

Pinatotohanan naman ng maybahay ni Nomar na inasikaso ng pamilya Gutierrez ang lahat ng gastos sa burol at pagpapalibing ng personal assistant ni Chard.

Kaya nakakagulat nang magsampa ito ng demanda laban kay Richard Gutierrez na reckless imprudence resulting to homicide.

Pagdidiin pa ng maybahay ni Nomar na hindi raw pera ang habol niya kaya niya sinampahan ng demanda si Chard.

Katarungan daw ang ha-ngad niya sa pagkamatay ng asawa at walang nagbuyo sa kanya para magdemanda.

Nakuha raw niya sa wallet ng asawang si Nomar ang ticket mula sa LTO kung saan nakalagay daw na may violation si Chard na reckless driving.

Sinasabi rin daw sa kanya ng husband na mabilis magpatakbo ng sasakyan si Chard.

Hinanakit daw ng maybahay na nasawing personal assistant ni Chard na tila napabayaan daw ang asawa nang mangyari ang aksidente sa Cavite.

Si Richard daw ay kaagad itinakbo sa ospital nang maganap ang aksidente samantalang ang kanyang asawa ay 30 minutes pa ang itinagal bago ito hinanap para madala sa ospital.

Pagdidiin pa ng wife ng namayapang PA ni Chard, hindi raw siya nanghingi ng pera dahil ang mga pamilya Gutierrez na raw mismo ang nagsabi na hindi sila pababayaan ng mga ito at pag-aaralin ang anak ni Nomar.

Pero tila nakalimutan na raw diumano ang pangako sa kanila dahil kahit singko ay hindi raw siya nakakatanggap?

Sa naturang news din namin napanood ang maikling panayam kay Annabelle Rama sa isinampang demanda ng wife ni Nomar kay Chard.

Kung hindi kami nagkamali ng pagkakarinig sa na-ging pahayag ni Annabelle patungkol sa demanda ng wife ni Nomar, nasabi ni Annabelle na haharapin nila ang kasong isinampa ng maybahay ni Nomar at tinawag niya itong "tray-dor. "

Tamang-tama naman dahil may thanksgiving at victory party si Chard para sa kanyang nangungunang show na Zorro sa GMA-7 at hihingan namin siya ng reaction sa naging demanda ng misis ni Nomar.

Dito rin namin isusulat ang mga magiging pahayag ni Chard at ng kanyang pa-milya, promise!

* * *

Ang kakaibang ganda ni Alexa Ortega, isa sa mapa-lad na napasama sa final contestant ng Are You The Next Big Star, ang nakaagaw ng attention sa entertainment press nang ipakilala ang mga ito at iba pang contestant ng singing contest.

Kaya pala maganda ay kapatid ng Star Magic talent ng Dos na si Cheska Ortega si Alexa.

Pero tila may grupo na gustong ibagsak ang singing career nito.

Naglabasan kasi sa internet ang ilang larawan sa Facebook account niya na ginagawan ng malisyosong balita.

'Yun isang picture na may katabi siyang lalaki na nakalilis ang shirt ng guy.

'Yung isa naman ay isang all girls na mistulang na-kikipaghalikan siya sa kapwa babae.

Iginiit naman ni Alexa na wala raw malisya ang pictures at wala naman daw masagwa sa mga ito.

Fun pictures lang na kasama ang mga kaibigan at saka uso naman daw ang kissing pictures sa panahon nga-yon.

Paborito pa naman si Alexa sa AYTNBS at baka ito pa ang maging dahilan para matsugi siya sa naturang singing contest.

Kaya naman tinanggal na raw niya ang pictures sa kanyang album.

* * *

May surprise kina Dingdong Dantes at Janno Gibbs ang SOP ngayong Linggo na dapat abangan.

Grand promo din ng Oh My Girl (OMG) nina Ogie Alcasid at Judy Ann Santos, na magiging special co-host ng SOP.

Magpapatalbugan at magbibigay-saya ang sikat na mga bandang Bamboo at Kamikazee at muling babaha ng sangkatutak na premyo kaya nood na sa nag-iisa at nangungunang noontime show sa GMA-7 ngayon Linggo.

Source: Taliba