|
|
| RERESBAKAuthor: Vinia Vivar DUMATING na si Cristy Fermin sa bansa at abangan ang kanyang pagsagot kay Nadia Montenegro sa The Buzz ngayong Sunday. Matatandaang nagpakawala ng kung anu-anong maaanghang na pananalita si Nadia laban sa TV host-columnist last week at ewan kung nataon lang o sadyang itinaong nasa Canada noong panahong âyon si Tita Cristy kaya wala siyang kalaban-laban. Ilan sa mga sasagutin ni Tita Cristy ay ang akusasyon ni Nadia na siya ang dahilan ng pag-aaway nila ni Gretchen Barretto. âNawalan ako ng best friend dahil sa text message na sinabi niyang galing sa akin. Up to this day, hindi naman niya napatunayang totoo,â ang natatandaan naming sabi ni Nadia. Sinabi rin ng former Regal Baby na kaya siya tinitira ay dahil walang mapapala sa kanya. Si Mommy Rose Flaminiano raw kasi, nagbabayad ng writers para tirahin siya. Dapat tutukan ni Nadia ang mga sagot ng TV host-columnist ngayong hapon sa The Buzz. * * * SAYANG at hindi televised ang ginanap na Gabi ng Parangal ng Gawad Urian last Wednesday dahil hindi nakita ng buong sambayanan ang effort ni Rustom Padilla na buong ningning na dumating sa CCP Theater na nakabihis babae. Tinalbugan ni Rustom ang lahat ng female celebrities na naroroon dahil naka-gown, wig at make-up siya. Ang ganda niya, in fairness! Sa unang tingin, hindi mo aakalaing si Rustom âyon, dahil pati ang boses nga niya nang makapanayam ng press, boses-babae rin. Pero hindi nagwawala si Rustom dahil ang kanyang bold move ay bilang paghahanda sa isang bagong pelikula. Abangan na lang natin kung ano âyon. Teka, ano na kaya ang nangyari sa filmbio ng gay actor na matagal nang napabalitang gagawin niya? * * * DINENAY ni Alessandra de Rossi na tinanggihan niya ang pelikulang One Night Only, filmfest entry ng OctoArts Films sa Disyembre. On the contrary, say ni Alex, nakapag-shoot na siya, kaya walang katotohanang tinanggihan niya ang project. Ang lumalabas na tsismis, dahil kay Jennylyn Mercado kaya hindi niya tinanggap ang movie. Kasama rin kasi sa casting si Jen at ito ang first movie ng young actress matapos makapanganak. âMay nabasa nga ako na parang tumaas daw ang kilay ko nang malaman ko na kasama siya. No,â say ni Alex. Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sina Alessandra at Jennylyn way back at nang itanong sa kanya kung bakit, sagot na lang niya ay âI donât remember. â Hindi pa rin daw sila nagkakaayos, pero wala raw problema sa kanya na makasama niya ito dahil tinanggap na nga niya noon ang Super Twins, kung saan ay gumanap siyang kontrabida ni Jen. âAt saka, wala naman akong pakialam kung sino ang itabi mo sa akin, âdi ba, hindi naman nga ako choosy,â say pa niya. Another thing, hindi raw sila magkaeksena ni Jen sa One Night Only dahil may kanya-kanya silang kuwento. âParang ang story kasi ng movie, nangyari lahat sa isang motel, tapos, iba-ibang couple na parang sa isang gabi, âyung mga nangyayari sa kanila. âI think, sa isang hotel o motel lang nangyayari ang lahat. Ako, si Paolo (Contis) ang kasama ko. Sex-comedy kasi âyung movie, pero sobrang nakakatawa naman âyung part namin ni Paolo. Ewan ko lang âyung sa iba, kasi hindi ko na nabasa,â kuwento pa ni Alex. Wala raw siyang kontrata sa Star Cinema, kaya puwede siyang gumawa ng movie outside. Maging sa ABS-CBN, wala rin siyang contract, pero sobrang happy siya sa ibinibigay na projects sa kanya. Source: People's Tonight |