|
|
| RJ, mas masuwerte kay OJ!![]() Author: Alfie Lorenzo Magkaiba ng kapalaran sina RJ Jimenez at OJ Mariano, bagama't pareho silang may album mula sa Star Records. Si RJ ay busy ngayon sa pagpu-promote ng album niyang RJ JMNZ, sa iba't ibang show ng ABS CBN 2, samantalang si OJ raw ay hindi man lang makapag-promote ng album niyang Ballads sa mga shows ng Dos? Naku, mas masuwerte pala si RJ kesa kay OJ? Ayaw ni Jobert Sucaldito ng ganiyan, ha! Totoo ba `yon, Jobert? Meron ba talaga silang tinitingnan at tinititigan? Kumbaga, sapul sa damdamin ang mensahe ng bawat kanta. Talagang mapapasabay kayo sa lyrics,” sabi ni RJ. Anyway, reklamo ng kampo ni OJ, matagal na raw silang nagpaparamdam sa ABS na gusto nilang mai-promote ang second single niya, ang Sana'y Malaman Mo, pero parang wala raw naririnig ang mga nilalapitan nila sa Dos. Mabuti na lang at may mga mall tours siya ngayon kaya naipu-promote niya ang album niya. Sa ngayon, magpupunta si OJ sa Amerika para dalawin ang kanyang mga kamag-anak, at kumanta na rin sa harap ng mga Pinoy roon. At pagbalik niya, agad siyang sasabak sa show na The Power of J, with Rico Puno, Rufa Mae Quinto, at Nina. Para sa mga interesado kay OJ, puwede kayong tumawag kay Dennis Arce sa 0917-6262381/0919-6442084. Si RJ naman, dahil busy siya sa mall tours at pagi-guest sa Channel 2, wala muna siyang time kay Yeng Constantino. Pag-amin ni RJ, mutual ang decision nila ni Yeng na huwag ituloy ang kanilang pagmamahalan, alang-alang sa kanilang career. “Kung kami sa bandang huli, kami pa rin,” say ni RJ.
Source: Abante |