|
|
| RR Enriquez on Cristine Reyes: "Tantanan niya na ako. Galit na ako!"![]() Author: Rommel Placente & Roldan Castro Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si RR Enriquez kagabi, June 25, sa taping ng gag show ng ABS-CBN na Banana Split. Ayon kay RR, nabasa niya rito sa PEP ang tungkol sa nalaman daw ng isang source na palitan nila ng maaanghang na salita sa text ng dating kasamahan sa Banana Split na si Cristine Reyes. (Click here to read related story.) Nilinaw niya na maraming mali sa nasulat. Para raw kasing siya ang lumalabas na may kasalanan sa awayan nila sa text ni Cristine "Yung nakasulat sa PEP, na sabi ng source na na-provoke ko lang daw si Cristine na sumagot ng hindi maganda sa akin sa text, e, mali yun. Wala akong sinabing masama sa kanya sa text para sabihing na-provoke lang siya na sagutin ako. "Ako ang unang nag-text sa kanya. Sabi ko sa kanya, may gusto lang akong linawin. Hindi ko kako siya sinisiraan kina Angelica [Panganiban] at Pokwang. Kung may hindi kako sila pagkakaunawaan ay huwag niya akong idamay. "Sinabi ko rin sa kanya na hindi ko nagustuhan yung paninigaw niya sa EP namin sa Banana Split na si Ate Janice [Senorin] during ng trade launch namin. Ganoon lang ang sinabi ko sa kanya sa text. Tapos ang reply niya na sa akin, puro pananaray na agad. "Nakasulat din sa PEP na sinabi ko raw na ayus-ayuysin niya ang buhay niya dahil bago lang siya sa showbiz. Grabe, sobrang baligtad! Siya nga ang nagsabi sa akin nun, na ang bago ko pa lang daw kung umasta ako akala mo kung sino ako. Dahil daw ba sa naging kaibigan ko sina Angelica at Pokwang kaya kung umasta ako, e, akala mo kung sino na. "My Gosh, puro baligtad! Anyway, I have all the messages naman to prove kung sino ba ang nagpakita ng masamang ugali sa text at kung sino ang nagpakumbaba," mahabang lahad ni RR. Nilinaw rin ni RR na wala siyang ipinadalang message kay Cristine na sinasabi niya raw na, "Magpakabait ka kasi baka kunin ka na ni Lord." "Ang sabi ko sa kanya, 'Go to the church.' Pinangangaralan ko siya," sabi ni RR. "Sinungaling yung source na nagsabi na ganoon ang sinabi ko kay Cristine. At hindi ako naniniwala na sa isang source nanggaling yung mga sinabi ko raw against kay Cristine. Alam ko na sa mismong bibig ni Cristine nanggaling yun. At kaya ganoon na lang ang paninira at galit niya sa akin ngayon, kasi nga feeling niya ay sinisiraan ko talaga siya dahil ako nga ang nakasaksi sa pangit niyang ugali dun sa trade launch namin. "Naka-save pa sa akin yung mga text ni Cristine. Siya yung nagmura nang nagmura sa akin. Pero ako, ang mga sinagot ko sa kanya, maayos pa rin at mapagpakumbaba. Nagpapayo pa ako sa kanya. Pero instead na makinig siya sa akin, hindi niya ako pinakinggan, minura pa rin niya ako nang minura. "Yung sagutan namin ni Cristine sa text, nai-print na yun, lahat yun. Para malaman talaga kung sino sa amin ang nagsasabi ng totoo. Ako, alam ko, kaya kong humarap sa kahit kaninong husgado diyan, kahit kaninong tao na alam ko wala akong ipinadalang pangit na text kay Cristine Reyes. Siya ang may mga tinext sa akin na pangit. Yun lang yun." Anong mensahe ang gusto niyang iparating kay Cristine? "Sana lang tigilan niya na ako. Kasi, naku, marami kaming alam tungkol sa kanya na baka ika-shock ng buong showbiz pag ibinisto namin. Kaya manahimik siya, tantanan niya na ako. Galit na ako!" mariing sabi ni RR. THE TEXT MESSAGES. Upang patunayan na siya ang nagsasabi ng totoo, pumayag si RR na ilathala rito sa PEP ang palitan nila ng text messages. RR: "Hi Cristine, nakausap ka na ba ni Ate Eliz [PR ng Belo Medical Group] regarding dun sa problema mo sa akin? I want to clear things lang kasi I read all your messages. Alam ko na ako ang iniisip mo na nagsusulsol kay Angge [Angelica Panganiban] at Pokie [Pokwang]. Medyo nakakatampo coz God knows never kitang sinisiraan sa dalawa. If ever man na nagkaroon kayo ng di pagkakaunawaan ni Angge, sana 'wag mo akong idamay. "To tell you honestly, I'll be frank with you na kung napapansin mo lately after ng trade launch, yung sinigaw-sigawan mo si Ate Janice [EP ng Banana Split]. Ako kasi bilang isang tao, hindi ako nang-aapi ng tao, lalo na kung wala namang ginagawang masama sa akin. Dun sa nasaksihan ko na attitude mo na yun, talagang napaisip ako at talagang sinabi ko sa sarili ko na pangit ugali mo, kaya sabi ko iiwasan na lang kita dahil ayaw ko mahawa sa iyo. Sorry, ganoon talaga ako. Wala naman akong problema with you dahil never mo naman ako pinakitaan ng pangit na ugali... Yun lang talaga. Sabi ko, iiwas na lang ako. "You know what, Cristine, alam ko... Siguro meron ka lang pinagdadaanan sa ngayon and I fully understand you. I know we're not that super close, pero kahit papaano nakakapag-share ka na rin sa akin ng mga kahit konting secrets mo. I'm so happy na pinagkakatiwalaan mo ako. Wala akong problema sa iyo, as in. Nagulat lang talaga ako sa ginawa mo dun sa trade launch. Yun lang. "Back to the real issue na sinisiraan kita sa mga kasama natin, sobrang hindi totoo yun. Cristine, bilang isang nakakatanda sa iyo at kahit papaano matured ang isip, advise ko lang sa 'yo, why hindi mo tanungin ang sarili mo if na kanino ba talaga ang problem? Alam ko lahat tayo ay may kanya-kanyang mood swing, pero minsan napag-aaralan yun na baguhin. You're pretty, you're nice, and I know na may good heart ka at hindi ka mahirap na pakisamahan dahil makulit ka rin. Yun lang talaga, may mood swing ka. Pero lahat naman tayo ay may ganoong attitude. Siguro ikaw ay nagpapakatotoo ka lang minsan kaya hindi mo mapigilan kapag minsan ay nakakapagtaray ka." CRISTINE: "Alam mo, ayoko rin sa iyo, e, lalo na sa mga panglalait mo sa mga tao, pero kahit ganun, nakisama ako. Pinilit kong maging close. Gusto nga kita sugurin noon lalo na nung na-wrong send ka kay Valerie [Concepcion] ng panglalait mo sa kanya. Akala mo napakalinis mo! Asar na asar ako. Pati mga bag at kung anu-anong meron kay Val, hinusgahan n'yo yung tao. Pero kahit ganoon, kinakaibigan pa rin kita dahil si Val ang nagsabi na ayaw niya ng gulo. 'Kaw naman talaga ang nagsisimula ng gulo, eh! "Dinadahilan mo na sinigaw-sigawan ko si Ate Janice kaya ka galit? Galit ako kasi ako na professional inaabuso nila, pero yung mga nagmamaldita sa taping, palaging pinagbibigyan. Kaya ko nasabi na ikaw ang nagsisimula ng gulo dahil alam na alam ko na ikaw ang pasimuno, lalo na kay Val. Mga wala kayong awa. Grabe n'yo laitin yung tao. Kabago-bago mo, akala mo kung sino ka na rin umasta. Porke't kaibigan mo yung mga yun, akala mo, e, kung sino ka na rin. Alam mo sobrang init ng dugo ko sa iyo. Napakasama ng ugali mo...sobra ka!" Source: Philippine Entertainment Portal |