|
|
| Rachel, dedma sa ngiyaw-ngiyaw ni Jessa Erik-Mark movie, nasaan na?!![]() Author: Alfie Lorenzo MADALAS kong sinasabi na tama na naman ako - puwes, ngayon naman ay mali ako! Ha! Ha! Ha! Sabi ko noon, nagamit ang concert nina Pops at Martin sa paghihiwalay nina Pops at Jomari at bangayan at pakikisawsaw ni Martin sa split up nina Jomari at Pops. Tanong ko pa noon, eh bakit sina Dingdong Avanzado at Rachel Alejandro ay walang naging problema kay Jessa Zaragosa na misis ni Dingdong? Oooppps! I spoke too soon. Hayun nga at nag-aaway na raw sina Jessa at Dingdong dahil kay Rachel na ex ni Dingdong? Eh inunahan sila ng Swatch Queen na si Girlash na hindi nila papa- tulan si Jessa sa ngiyaw-ngiyaw niya kay Rachel. Gimik lang daw ng mag-asawa 'yung kunwari eh galit-galit sila para pag-usapan, kasi raw, hindi na yata babalik pa sa Amerika ang mga immigrant at dito na muna sila sa Pilipinas maghahanapbuhay. Kasi nga, recession sa Amerika at wah na produ ng concerts para sa kanila. Eh bakit ang Papa ko and his Pop Pop the Ma- gic Dragon niya eh sunud-sunod pa rin ang mga concert ng Dreamboys niya? Siya rin kaya ang producer? Hoy teka nga pala, puro press releases na lang ba ang Papa ko? Nagpakawala siya ng praise release noon na ipagpoprodyus niya ng movie sina Erik Santos at Mark Bautista -- asan na? Tapos na ba? Nagawa na ba? Hayan at may praise release na naman ang papa ko na igagawa niya ng movie sina Eugene Domingo at Dingdong Dantes? Uhum, is this the only way to get to Dingdong since Kapuso ito at hindi pwedeng tumawid sa Kapamilya grounds? Wala na kasing commercials together sina Dingdong at Papa ko kaya wala nang contact. Eh magpuprodyus ang papa ko ng movie for Dingdong, kaya araw-araw pwede siyang mag-ring the bell kay Dong, debah? Uso ang mga t-shirt for Dingdong. May gumaya yata sa mga t-shirt ni Kiko. Kaya huwag magtaka kung makita n'yo ang papa ko na may suot-suot na t-shirt with matching photo ni Dingdong na ang nakalagay eh: “I love your Dong, Ding!” Ha! Ha! Ha!!!! Heto uli ang bilog ang mundo, Donita. While watching the Bench Blackout DVD na padala ng isang friend, kung bakit nagdugtung-dugtong na naman ang mga pangyayari like a well-written script by Jake Tordesillas and directed by Jerry Sineneng, huh! Habang tumatakbo ang bench tape, rampa ang paborito kong si Kiam Kazemi na naka-gray briefs with matching red rose on hand na isiniksik sa T2 niya (hoy, title ng movie ni Chito Roño ang T2, ha, huwag magmalisya!), hayun si kiam sa Tayong Dalawa announcing na buhay pa si Dave Garcia! Then, nu'ng si Diether Ocampo naman ang rumampa na nakapantalon nga siya pero labas naman ang hiwa ng puwet niya -- hayun si Diet sa SNN, iniinterbyu ni Kris Aquino about his new non-showbiz gf and the annulment of his wedding with Kristine Hermosa. Sabi na sa iyo, Donita, eh! Ang pagkakataon, kadalasan, daig pa ang sinadya, eh! Malay mo kung maka-jackpot ka sa Atlantic City sa 5 cents na slot machine na ang premyo ay isang brand new Italian car! Hahaha!!! Source: Abante |