|
|
| Ramielle type pasukin ang showbizAuthor: Noel Asiñas UMAGULGOL sa sama ng loob si Marian Rivera sa issue na buntis siya sa presscon ng Desperadas 2 ng Regal kahapon . Feeling ni Marian ay na- insulto siya sa ngiti lang ni Karylle nang tanungin ang ex-ni Dingdong Dantes hinggil sa buntis issue ni Marian. "Bakit siya (Karylle) ngumiti lang? Eh, alam naman niya ang katotohanan. Dapat sinabi niya ang totoo. Wala kaming relas-yon ni Dingdong. Ang sinasabing ama ng ipinagbubuntis ko," say ni Ma-rian. "Ako naman ay sinasabi ko lahat sa press kung may karelasyon ako. Talagang wala kaming relas-yon ni Dingdong. " Kung may bago naman akong pag-ibig, sa-sabihin ko ito agad. Talagang wala. Saka, kung magbubuntis naman ako within five years ay sasabihin ko agad iyan sa press. Hindi ko itatago. " Sa pag-iyak ni Marian, natapos agad ang presscon ng Desperadas. Hindi na nga nakapagpaalam sa press si Marian. Huma-gulgol na lang siya. Nila-pitan agad siya ni Mother Lily. Tapos, nagpahingi agad ng tubig para maibsan ang sama ng loob ni Marian. Andoon din sa presscon ng Desperadas sina Iza Calzado, Rufa Mae Quinto, Ruffa Gutierrez at Iza Calzado. Ang movie na directed ni Joel Lamangan ay may premiere night sa December 19 sa Cinema 6 ng SM Megamall at regular showbin sa Dec. 25 na MMFF offering ng Regal. * * * KUNG papipiliin si Ramielle Malubay, gusto niyang magstay ng mahaba sa Pilipinas. Kaya lang hanggang holidays lang siya sa bansa. Unang-una, para sa concert ni Ogie Alcasid, na may titulong Ogie Sings With The Idol, mapapanood sa Aliw theater sa Dec 20 at 21. Siyempre, dahil American Idol ang Fil-American na si Ramielle ay kasama siya sa concert. Top billing siya at ang local winner na si Gretchen Espina. Kasama rin ang finalist ng Pinoy Idol. "Two years ago pa ang huli kong pagpunta sa Pilipinas. Miss ko ang bayan natin kasi Pinoy naman ako talaga. Pero, sa Christmas na ito ay pupunta ang pamilya na-ming sa Zamboaga City. Kasi, dito ang probinsiya ng mommy ko. Ang father ko naman ay sa Pulilan, Bulacan," kuwento ni Ramielle. "Dahil sa father ko kaya ako naging singer. Talagang na-pursue niya ang talent kong ito. Bukod pa rito, istrikto siya sa amin sa bahay na dapat kami ay magsasalita ng Tagalog. Kaya marunong ako at hindi slang ang Tagalog ko. " Sa ngayon, exclusive si Ramiele sa GMA-7 guestings. Kasi, partner ang GMA-7 ng concert ni Ogie. Kaya naman next Sunday ay nasa SOP na naman si Ramiele. * * * SUPER sexy ngayon si Iza Calzado. Payat siya nga-yon. Pero, ubod ngiti na si-yang nakikita ng press sa nakaraang presscon ng Desperadas 2 ng Regal Films. Parang walang ipinagdurugo ng puso niya sa pagkakahiwalay niya kay Gerry Garcia, na inamin naman niya sa isang interview na magkaibigan na lang sila ni Gerry. Darating siya ngayon sa Pasko para dito sa Pi-lipinas mag-spend ng holidays. Ayaw nang magsalita pa ni Iza hinggil sa hiwalayan nila ng kanyang boyfriend. Basta sinasabing friends pa rin silang dalawa. Hindi lang si Iza ang nahiwalay sa bf sa nga-yong sa mga cast ng Desperadas. Ang apat na girls na kinabibilangan nina Iza, Rufa Mae Quinto, Ruffa Gutirrez at Marian ay pawang hiwalay sa kanilang mga minamahal ngayon. Sa bidang cast, tanging si Ogie Alcasid lang ang buo ang love life. Strong pa rin ang relationship nila ni Regine Velasquez. May intriga ngang ipinukol ang isang lady reporter sa actor/signer na kung wala siyang karelasyon ngayon,sino sa apat ang ipapalit niya kay Regine. 'Di na nanag-comment si Ogie, kasi love na love pa rin niya si Regine. Source: Taliba |