Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Raymart Santiago says love scenes of wife Claudine Barretto with co-stars not a big deal to him

Mas nauna pang dumating si Raymart Santiago kaysa sa asawang si Claudine Barretto kagabi, sa press preview ng Iisa Pa Lamang na ginanap sa Cinema 2 ng The Block sa SM North EDSA, Quezon City. Siyempre, para magbigay-suporta kay Claudine. NOT A BI...

 

Raymart Santiago says love scenes of wife Claudine Barretto with co-stars not a big deal to him

"Actually, hindi ko nga alam kung bakit n'yo pinalalaki yun. Dahil sa totoo lang, may mga pelikula naman si Claudine na may mga love scenes na rin. I don't know kung bakit yun ang nagiging topic ngayon," says Raymart Santiago about his wife Claudine Barre

Author: Rose Garcia


Mas nauna pang dumating si Raymart Santiago kaysa sa asawang si Claudine Barretto kagabi, sa press preview ng Iisa Pa Lamang na ginanap sa Cinema 2 ng The Block sa SM North EDSA, Quezon City. Siyempre, para magbigay-suporta kay Claudine.

NOT A BIG DEAL TO RAYMART. Ilang passionate love scenes between Claudine and Diether Ocampo ang ipinakita sa 1st week episodes pa lang ng series. Habang yung love scenes naman ni Claudine with Gabby Concepcion na ipapalabas naman sa second week episodes ay pahapyaw na ipinakita sa teasers after the almost two-hour preview of the show for the press.

Ayon naman kay Raymart nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) after ng preview, "Maganda. Talagang susubaybayan ng mga tao. At saka, panibagong Claudine ang makikita nila rito," simulang pahayag niya.

As for the love scenes of Claudine and Diether.

"Actually, hindi ko nga alam kung bakit n'yo pinalalaki yun. Dahil sa totoo lang, may mga pelikula naman si Claudine na may mga love scenes na rin. I don't know kung bakit yun ang nagiging topic ngayon," sagot agad ni Diether. Malaking tulong daw na pareho silang artista at naiintindihan ng isa't isa ang nature ng trabaho nila.

NOT THE JEALOUS TYPE ANYMORE. In the past, kilalang seloso at conservative si Raymart sa kanyang mga naging girlfriends. Aniya, wala naman daw siyang dapat pagselosan ngayon sa ginagawa ni Claudine.

"Bakit ako magseselos, 'di ba? Lahat naman ng tao, seloso, pero kung wala namang rason, bakit? Like, yun, trabaho yun. Kung wala namang rason, walang dahilan.

"Pero behind that, kung meron nangyayari, 'di ba? Doon ako magagalit. But it's just work, so, walang reason [para magselos]."

Sabi pa ni Raymart, being married to Claudine and finally having kids made their relationship stong. "We're strong. With the kids din, secure naman kami."

Itinanggi naman ni Raymart na after legally adopting Sabina, may plano pa silang mag-adopt muli ng asawa.

Aniya, "Wala pa...wala pa sa plano yun. Sa ngayon, yung plano talaga ay ang makatulong muna kami para sa Bantay-Bata [Foundation]."

Source: Philippine Entertainment Portal