Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Raymart, nakikisawsaw sa ABS-CBN

IN high spirits si Gretchen Barretto bago sumalang sa interview ni Boy Abunda sa The Buzz last Sunday. Una naming napansin ang napakaganda niyang pair of YSL shoes, na balita namin ay kasing halaga ng isang bahay, at ang black dress nito made by Jojie...

 

Raymart, nakikisawsaw sa ABS-CBN

Column: Ripples
Author: Eric John Salut

IN high spirits si Gretchen Barretto bago sumalang sa interview ni Boy Abunda sa The Buzz last Sunday.

Una naming napansin ang napakaganda niyang pair of YSL shoes, na balita namin ay kasing halaga ng isang bahay, at ang black dress nito made by Jojie Loren.

Nang batiin namin ito, nagbiro ang comebacking actress na, "Bongga nga ang shoes and dress, wala namang cash," sabay tawa referring to an incident na na-decline ang kanyang credit card sa isang restaurant.

In her element na naman si Gretchen na humarap sa publiko. Muli namin itong biniro na, "The goddess is back!" na sinagot niya ng "Oh, thank you. "

Matapos ang pananahimik, visible na naman si Gretchen at ready nang humarap sa mga intrigang kinasangkutan niya.

Ang kagandahan sa kanya, sinasagot niya ang mga isyu. In fact, hindi kinailangan ng clearance ang mga tanong na ibinato sa kanya ni Boy sa said The Buzz interview.

Mukha ngang tuluy-tuloy na ang pagbabalik ni Gretchen sa showbiz. She recently did an album sa Star Records, Unexpected.

Nasundan ito ng appearance sa Maalaala Mo Kaya this Saturday, July 18.

Bongga ang cast ng episode, dahil kasama niya rito sina Phillip Salvador at Tonton Gutierrez.

After her experience sa taping ng MMK, Gretchen is having second thoughts kung tatanggapin niya ang offer ng ABS-CBN for a teleserye.

"Hindi biro ang mag-taping ng 24 hours straight," kuwento niya. "Baka hindi ko kayanin ang puyatan. "

May blessing pala ni Tonyboy Cojuangco ang showbiz comeback ni Gretchen. In fact, ito pa ang nagpayo sa kanya na huwag mag-quit.

"Tonyboy told me not to quit," sabi ng aktres. "Kasi kapag nag-quit daw ako, it means I'm a loser. Na siyempre, hindi, 'no!"

Itinanggi ni Gretchen na buntis siya. She is firm sa stand niya na magpapabuntis lang siya muli kapag kasal na siya.

Malabo na rin daw ang plano niyang mag-migrate sa America to lead a simple life.

* * *

AMINADO si Sam Milby na ang Dyosa ang pinaka-exhausting na show na nagawa niya so far.

This is the first time Sam is doing a fantasy program. He was last seen in the hit ABS-CBN teleserye, Maging Sino Ka Man.

Sa Dyosa, he plays one of Anne Curtis' leading men.

First time rin ni Sam to wear prosthetics. Aniya, hindi madaling pagsabayin ang pag-arte at pagsusuot ng prosthetics.

Pero kahit mahirap, hindi nariringgan ng reklamo si Sam. He reports sa set on time to get his prosthetics done at paumagahan ang taping.

Kaya naman, doing Dyosa raw is an experience.

Hindi namin mabi-blame si Sam if he's enjoying Dyosa. Imagine, kasama ba naman niya si Anne (his real-life girlfriend) sa taping thrice a week.

Ganyan yata ang mga in-love. Hindi nararamdaman ang pagod 'pag kasama ang taong pinakamamahal.

Non-stop taping ang buong cast ng Dyosa, dahil anytime ay puwede nang ipalabas ito sa ABS-CBN.

Sa laki ng cast, tiyak na nasa primetime block ito ng Kapamilya network.

* * *

NAGULAT si Raymart Santiago sa surprise birthday celebration niya sa ASAP '08 last Sunday.

He was there to surprise wife Claudine Barretto (who had a four-gap birthday celebration sa show). But midway along the episode, habang karga ang mga anak na sina Santino at Sabina, isang VTR ang ipinalabas.

Sa nasabing VTR, Raymart was greeted by pal Benjie Paras, former manager Sandy Santamaria and brother Rowell Santiago.

"Na-surprise ako roon ha," ang tanging nasambit ni Raymart.

Walang conflict ang appearance ng aktor sa ASAP '08 sa GMA-7 contract niya. Per program basis kasi siya sa Kapuso network.

In fact, very lenient ang Siyete kay Raymart when he does projects with ABS-CBN and its affiliates. May blessings din ng GMA-7 management ang involvement ni Raymart sa ABS-CBN Foundation.

Raymart, with Claudine, has been promoting Bantay Bata's advocacy on child's rights protection.

Very recently, Claudine was recognized as the official spokesperson of Bantay Bata, a project of ABS-CBN Foundation head Gina Lopez.

Source: People's Tonight