Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Raymond, ipit sa demandahang Wilma-Annabelle

Raymond, ipit sa demandahang Wilma-Annabelle

Author: Nitz Miralles

GUEST co-host si BB Gandanghari sa Showbiz Central at tinutoo ang sinabi sa Cool Center na may three costume changes siyang puro gawa ni Rajo Laurel.

Napansin lang namin na katono na niya sina Pops Fernandez, Gretchen Barretto at Ruffa Gutierrez 'pag nagsasabi ng "Oh, my gosh!"

Siya rin ang sumalang sa Digital Don't Lie to Me at inaming hindi 100 percent na tanggap ng kanyang pamilya ang pagbabagong-anyo niya.

Next week, babalik siya para sa hininging rematch ni John Lapus.

Naging emotional naman si Raymond Gutierrez sa pagpapahayag ng saloobin niya at ng Gutierrez family kay Jo-Ann Maglipon at sa PEP.

Pagbalik daw ni Richard Gutierrez from the States, gagawa na ito ng legal action "to end this," sabi nito.

Tungkol naman sa kaso ng inang si Annabelle Rama at GMA-7 SVP for Entertainment na si Wilma Galvante, sabi ni Raymond, "We stand firm behind our mom, but I also have to respect my boss. Napakahirap being in this situation. I just hope and pray na matapos na ito. Sana someone can mediate. "

Umiyak si Nadia Montenegro sa interview ni Mo Twister sa Gimme Mo at ikinuwento ang usapan nila sa phone ni Gretchen.

Hindi pa healed ang left eye ni Nadia from the operation.

Pagbigyan kaya ng Eat Bulaga ang hininging second chance ni Gladys Guevarra?

Sabi nito sa Intriga Crossfire, nagsisisi siya sa pag-alis sa show at naiinggit sa mga kasama.

Professional na raw siya at kung may offer for her to return to the show, tatanggapin niya.

* * *

HIWALAY ang cast ng All About Eve sa Holy Week, kanya-kanya sila ng lakad at tiyak na pag nag-resume ang taping, walang tigil na kuwentuhan ang mangyayari sa kanilang bakasyon.

Si Keempee de Leon, itinuloy ang bakasyon sa New York after ng show ng Eat Bulaga sa New Jersey. Bibisitahin nila ang bunsong kapatid na si Jio de Leon na nag-aaral sa NY.

Si Sunshine Dizon, sa Iloilo pupunta kasama ang ina at si Iza Calzado sa Subic kasama sina Karylle, Jackie Lou Blanco, Christian Bautista at Ricky Davao sa concert ng Bethesda.

Si Alfred Vargas, magsu-shooting ng indie film na Kolorum sa Daet at tutuloy sila sa Ormoc sa Leyte.

Si Eric Quizon, uuwi sa Hong Kong, kung saan siya based at si Mark Anthony Fernandez, sa Cebu maghu-Holy Week with his family sa bahay ng isang relative.

Si Jean Garcia sa Laguna ang planong mag-spend ng Holy Week with her children, pero baka magbago pa dahil ayaw niyang mag-out of town o umalis ng bansa 'pag Semana Santa.

Samantala, ngayong gabi sa AAE, hindi nakasama si Warren (Alfred) sa lunchdate ng pamilya, pero nangakong babawi kay Nicole (Iza) at ito'y ang maging cameraman sa first day hosting niya.

Hindi nakarating ang binata dahil hinaluan ni Erika (Sunshine) ng sleeping pills ang drink nito at nakatulog.

Habang nakasalang si Nicole, may tumawag sa kanya at ibinalitang naaksidente si Warren, 'di naging maayos ang hosting ni Nicole at after the show, kinumpronta si Erika kung ito ang tumawag sa kanya.

* * *

PRESENT sa presscon ng Sine Direk Series ang 16 scholars ng Directors' Guild of the Philippines, Inc. o DGPI at sila ang beneficiary nito.

Sa 16, 11 ang college scholars, four ang scholars ng Mowelfund at isa ang mag-aaral ng computer. Mga anak ng workers ng pelikulang Pilipino ang mga napiling scholar.

Simula April 29 hanggang June 3, sunud-sunod ang showing ng Fuschia ni Joel Lamangan, Ded na si Lolo ni Soxy Topacio, Litsonero ni Lore Reyes, Agaton and Mindy ni Peque Gallaga, Bente ni Mel Chionglo at Kamoteng Kahoy ni Maryo J. delos Reyes.

Ayon kay Direk Tony Reyes, 32 ang nag-submit ng script at anim ang napili.

Honararium lang ang ibinayad sa cast at agad inaprubahan ng APT Entertainment ni Tony Tuviera.

* * *

SA Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, ipinaanunsyo ni Heleen (Angelu de Leon) ang pagpapakasal nila ni Homer (Dingdong Dantes).

Nag-decide si Prosefina (Marian Rivera) na i-give up na ang nobyo dahil sa paniwalang ito ang ama ng ipinagbubuntis ni Heleen.

Ano ang gagawin ni Homer? Paano ipaglalaban ni Greg (Boom Labrusca) ang karapatan sa magiging baby nila ni Heleen?

Source: People's Tonight