|
|
| Raymond willing magpa-drug testAuthor: Nitz Miralles Pinasaya ni Robin Padilla ang fans na nag-abang sa cast ng Sundo sa SM San Lazaro noong Sabado dahil hindi ini-expect na sasama pa siya. Sa SM North Edsa lang siya naka-schedule mag-promote, pero hindi nakatanggi nang lambingin nina Katrina Halili, Rhian Ramos at Sunshine Dizon na samahan sila. Sa March 14, sa SM Taytay pupunta ang cast and hopefully, kasama rin si Robin dahil hinihintay siya ng fans. Iba rin kung magpo-promote siya ng movie na showing na sa March 18. Ipinagmamalaki ng actor ang horror-action movie sa direksyon ni Topel Lee dahil sa first class na CGI at Dolby sound. Pinuri ni Robin si Direk Topel na sobrang mabusisi sa trabaho at inaarte muna ang mga gagawing eksena bago mag-shoot. Ang crying scene nga niya'y three days kinunan bago nakapasa sa director at marami rin itong ibinigay na pointers sa kanya. * * * Nagsimula ang Showbiz Central sa pahayag ni Raymond Gutierrez na hindi big deal ang nakunang halikan nila ni Carla Humphries. Hindi niya girlfriend ang actress, pero very close sa kanya. Itinanggi rin ni Raymond na nagda-drug siya gaya ng iniisip ng iba. "I never tried drugs, if I do drugs, wouldn't I be thinner? Alam ng family ko na hindi ako nagda-drugs at kung gusto nilang mag-drug test ako, I will do it," wika ni Raymond. Maganda ang interview ni Pia Guanio kay Pia Arroyo-Magalona na ginawa sa burol ni Francis Magalona. Mas nakilala ng viewers si Francis sa kuwento ng asawa nito, gaya ng takot ito sa karayom, ang pagiging childlike nito at respeto nila sa isa't isa. Matutuwa ang fans ni Francis sa ibinalita ni Pia na kahit 'di natapos ang The Sickos album nila ni Ely Buendia, mare-release pa rin ito. Touching din ang kuwento ni Pia na sinabihan niya ang asawang "he can go" dahil marami na naman siyang accomplishments. Sa last confinement ni Francis, sobra na ang pain nito't 'di na kaya ng pain killer at 'di makatulog, pero 'pag hinawakan niya ang kamay, nakakatulog. "I felt it's time for him to go," wika ni Pia. Ang kanilang mga anak ang itinuturing ni Pia na greatest gifts ni Francis sa kanya at naniniwala siyang kahit ang younger kids nilang sina Arkin at Clara, may enough memories sa kanilang ama. "Huwag ninyo siyang kalimutan," pakiusap ni Pia sa fans ng asawa na iki-cremate bukas, March 11. Si Iza Calzado ang guest sa Gimme Mo!, si Alfred Vargas sa Digital Don't Lie to Me, pero walang tanong at wala silang sagot na controversial. Talo sila sa mga pahayag ni Raymond. * * * Nauuso sa Kapuso stars ang magregalo at regaluhan ng bracelet. Nauna na si Dingdong Dantes sa diamond-studded bracelet na Christmas gift niya kay Marian Rivera. Bracelet din ang gift ni Aljur Abrenica kay Kris Bernal. Bracelet din ang birthday gift kay Nadine Samonte ng nobyong si Emerson Chua sa birthday niya last March 2. Hindi kami magtatanong kung magkano ang bracelet, titingnan na lang namin 'pag suot 'yon ng actress. Walang big party si Nadine sa birthday niya at bale advanced celebration niya ang trip nila sa Boracay nina Glaiza de Castro, Jennica Garcia at Isabel Oli. Kahapon, dumalaw siya sa Children's Joy Foundation sa Project 8 at namigay ng regalo sa mga bata. Isa rin pala si Nadine sa GMA Artist Center talents na sasama sa Bida Grand March sa March 21, project ng Dangerous Drug Board laban sa droga. * * * MAMAYA sa Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, naging mapangahas si Homer (Dingdong Dantes) na akyatin ang mansion ni Rado (Paolo Contis) para makausap si Proserfina (Marian Rivera). Samantala, mahuhuli ni Galatea (Sherilyn Reyes) si Aris (Prince Stefan) na ka-date si Athena (Lovi Poe). Ipapasok naman ni Hera (Carmi Martin) si Ruel (Kiel Rodriguez) sa kumpanya niya bilang messenger. Source: People's Tonight |