Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Reaksyon ng fans sa 'Tadyang' role, tanggap ni Marian

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Record-breaking ang live chat nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong February 19, 2-4 p. m. , at umabot sa 4,465 ang count questions kay Marian at 2,443 naman kay Dingdong.

Majority sa tanong, tungkol sa relasyon nila't sa Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang.

Natuwa sina Marian at Dingdong dahil kahit may mga hindi gusto ang character nila sa soap, marami pa rin ang natutuwa sa istorya at sa role na kanilang ginagampanan.

"Naiintindihan ko ang reaction ng fans, pero maiintindihan din nila sa mga susunod na episode kung bakit ganu'n si Proserfina. Ang importante, nagagawa namin nang tama ang trabaho namin at 'Proserfina' ang tawag sa akin ngayon ng tao," wika ni Marian.

"Hintayin nila ang transformation ng character ni Homer, magiging exciting na siya. Mas titindi rin ang conflict nila ni Rado (Paolo Contis)," pangako naman ni Dingdong.

Samantala, kumot na magagamit ni Marian sa taping ang Valentine's Day gift ni Dingdong, hindi mahal at simple lang ang regalo niya, pero pinag-isipan.

Ayaw naman sabihin ng actress kung ano ang ibinigay niya kay Dingdong.

Nag-dinner din sila kasama ang cast ng ABHSAT.

* * *

Hindi manonood ng concert ng grupo ni Sam Milby this Saturday si Anne Curtis sa payo na rin ng mga taong concerned sa kanya para matigil na ang kung anu-anong tsismis sa kanilang dalawa.

"Hindi na kami nag-uusap ni Sam at kung true na may nililigawan siya, magiging happy na rin ako sa kanya. Ako, wala munang lovelife, career muna ako and to travel more ang birthday wish ko," sabi ni Anne.

Sa Antonio's sa Tagaytay siya nag-celebrate ng 24th birthday last Feb. 17 with friends na kasama rin niya sa Hong Kong noong Feb. 14.

Sila rin ang magkakasama sa trip nila sa Europe sa May at pupunta sila sa Spain, Italy at France.

Aalis muna si Anne habang hinahanda ang big movie niya sa Viva Films.

Belated birthday gift kay Anne ang pananalong Most Popular Actress para sa Dyosa sa USTv Students Choice Award.

Siya rin ang new endorser ng Swatch at Greenwich.

* * *

Panay ang tawa at masaya si Isabel Oli sa launching nila ni Rhian Ramos as PLDT My DSL "It Girls" kaya naniwala kaming naka-move-on na siya sa breakup nila ni Paolo Contis.

Wala siyang nami-miss at kaya niyang makaharap si Lian Paz, ang GF ng ex niya na sa nationwide events ng Overdrive campaign ng PLDT My DSL ay sumasayaw with the EB Babes.

Hindi malungkot si Isabel last Valentine's Day at kasama ang mga kaibigan, nanood ng concert ni Peter Cetera and the next day, nag-watch sila ng Love 2 Love 2 Love concert.

Pupunta rin sila sa Boracay sa Feb. 26, kaya wala siyang time malungkot.

"Yes!" ang sagot ni Isabel kung niyaya rin siyang pakasal ni Paolo at this year sana ang balak nilang magpakasal.

Kaya raw niya isinoli ang engagement ring na bigay nito dahil wala na silang bonding at hindi siya basta birthday gift.

"Engagement ring 'yon at dahil break na kami, dapat isoli," wika ni Isabel.

Sa Ultra Broadband Blowout sa Virra Mall Greenhills sa Feb. 28-March 1 ang kick-off ng PLDT MyDSL Overdrive campaign.

Susunod agad ang nationwide campaign at iba't ibang events, ayon kay Gary Dujali ng PLDT My DSL.

* * *

Malaki ang nagawa kay Gino dela Peña ng TVC ng McDonald's, 'yung Huling El Bimbo ng Eraserheads ang theme song dahil mas nakilala siya at nabigyan din ng regular show ng GMA-7.

Kasama rin siya sa bagong endorsers ng PLDT MyDSL at join sila ni Stephanie Henares sa pag-iikot sa buong bansa.

Three years ang kontrata ni Gino sa GMA Artist Center at big break sa kanya ang mapasama sa cast ng Dapat Ka Bang Mahalin? bilang kalaban ni Aljur Abrenica.

Print ad model si Gino at siya ang first Filipino model ng Benetton, kaya rin niyang mag-host at gustong subukang kumanta't sumayaw, pero mas gustong maging actor.

Graduate siya ng Entrepreneurial Management sa Thames at IT graduate rin siya.

Source: People's Tonight